NAALIMPUNGATAN si Chad sa malakas na boses na iyon ni Tasia. Mabilis na nagbangon siya kahit na nakaramdam siya ng bahagyang pananakit ng ulo sa biglang pagbangon. Nag-aalala siyang baka may nangyaring hindi maganda sa dalaga.
"Tasia! Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya. Alam niyang wala si Tasia sa tabi niya kaya naman mabilis niyang iginala ang paningin at hinanap ang babae. Nakita naman niya ito sa may bintana at nakatingin sa labas niyon. Nang matiyak ni Chad na walang masamang nangyari sa dalaga ay saka lang niya pinagtuunan ng pansin ang masakit niyang ulo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at umiling. Kapagkuwan ay tumayo siya at lumapit sa dalaga. Yayakapin sana niya ito mula sa likuran nang bigla itong humarap sa kanya at kurutin siya ng pino sa kanyang balikat. "Aray! Oh─wait, Tasia, masakit!"
"Hoy, Chad!" pagalit na sabi ng dalaga. "Nasaan tayo? Ano'ng ginawa mo sa'kin?"
Hindi kaagad nagawang sumagot ni Chad dahil nasasaktan siya sa pangungurot ng dalaga. "Sandali lang, Tasia. Masakit na talaga," aniyang masuyong hinawakan ang kamay ng dalaga na hindi pa siya nilulubayan.
Bumitaw naman ang dalaga sa pagkakakurot sa kanya. Pero halata sa mukha nito na hindi pa ito tapos sa kanya. Hindi akalain ng binata na masakit pala at pino kung kumurot ang babae.
"So, Chad, tell me," si Tasia sa napakaseryosong boses. "Nasaan tayo? At bakit nandito tayo?"
Lumamlam ang mga mata ni Chad. Hindi niya alam kung paano ito sasagot sa tanong na iyon ng dalaga. Mayamaya pa ay lakas-loob niyang hinawakan ang mga kamay nito. "We have to talk."
"We are now talking. Start explaining now, dahil kung hindi pa sasamain ka sa akin."
Napangiwi si Chad. Hindi ko alam kung makaka-survive ba ako sa pagpapaliwanag sa kanya, but for goodness sake. Mas lalo yata akong tinatamaan sa kanya.
TOTOO sa loob ni Tasia ang banta niya kay Chad. Sinisikap niyang maging kalmado sa harap ng binata pero alam niyang hindi apat ang ginagawa niya. Kitang-kita kasi ni Tasia ang nag-aalangang hitsura ni Chad ng mga oras na iyon.
Muling ibinaling ni Tasia ang paningin sa labas ng bintana. I am sure that we're in La Paraiso, there's no doubt, sabi niya sa sarili.
"I need to bring you here, Tasia," sabi ni Chad.
Nilingon niya ito. Nanatili siya sa kinatatayuan at ganoon din ang lalaki. "Why, Chad? May masama ka bang balak sa akin kaya mo ako dinala rito? O mayroon ba akong dapat malaman tungkol sa'yo?"
Malinaw na nakita ni Tasia ang biglang pagsasalubong ng mga kilay ni Chad. Kahit bagong gising ang binata ay napakaguwapo pa rin nito, subalit binalot ng madilim na aura ang mukha ng dahil sa sinabi niya.
"Iniisip mo talagang may masama akong balak sa'yo, Tasia?" Hindi makapaniwalang namaywang lalaki at naglakad patalikod sa kanya. Nakasuot ng puting t-shirt ang lalaki at hapit iyon sa katawan. Nakita ng dalaga ang paggalaw ng mga balikat niyon ng huminga ito ng malalim. "Wala akong masamang balak sa'yo, Tasia. All I want is to make you safe."
"Safe?" ulit niya. Napaisip si Tasia kung bakit ganoon ang sinasabi sa kanya ng binata. May alam ba ito tungkol sa kanya? Kaaway ba ito?
"Yes. I want you safe," anito. "I don't know how to tell you this, that's why I resort to this plan. To bring you here when you were unconscious. Nag-aalala kasi ako na baka hindi ka sumama."
"Alam mo naman pala, bakit dinala mo pa rin ako rito?" tanong niya uli. May pang-aakusa sa boses niya. "Kung wala kang masamang balak sa akin, hindi mo ipipilit 'to."
"Believe me, Tasia. Wala akong gagawing masama sa'yo. All I want is to make you safe from any danger that will come to us. Dahil kahit ano'ng ingat ang gawin ko, alam kong anumang oras malalaman nila ang tungkol sa'yo. And I won't let any bad things happen, especially to you."
BINABASA MO ANG
COLD STEEL
Любовные романыTEASER: Para kay Chad, normal na sa buhay niya magpalipat-lipat ng lugar at makakilala ng marami at iba't ibang klase ng tao, pati na ng magagandang babae dahil na rin sa negosyo at propesyon niya. Ang hindi normal ay ang makita ang isang babae sa...