Chapter 4: Libre

6 3 0
                                    

"Wahhhhh!!! Sisterrrr!!!!"

Agad naman akong napalingon sa pagtawag na iyon ni Alex sa akin. Kainis talaga. Lagi na lang akong napapalingon kapag pasigaw niya akong tinatawag. Kung makasigaw kasi ay akala mo ay inaapi. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng makitang tumatakbo siya papalapit sa akin para lang sumabay sa paglalakad. Humawak ito sa balikat ko ng nakalapit pero hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko.

"Sister, anong kakainin mo ngayon?" tanong nito. Brake time na namin kaya papunta kami sa cafeteria. Hindi naman siya madalas sumasabay sa akin pero hindi ko alam kung naisip niya ngayon.

"Anything," maikli kong sagot.

"Libre mo ako," parang bata nitong sabi. Umiling ako dahil nagtitipid ako. At isa pa, bakit kailangan pa niyang magpalibre? Siya nga itong mayaman. "Sige na," pamimilit pa nito habang hawak ang braso ko. "Please," parang bata nitong sabi at nagpuppy eyes. I chuckled. Bakit kasi hindi ko matanggihan ang lalaking ito? Ano bang meron sa kaniya?

Am I attracted to him?

No. Hindi ganoon ang nararamdaman ko. Hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa kaniya. Kung meron man ay more on feeling of sibling. Nakakadagdag pa doon ang pagtawag niyang Sister sa akin.

Nakailang ulit pa ito ng sabi na ikubre ko siya at talagang nagpapaawa. Tumango na lang ako dahil wala na akong magawa. Tumatalon-talon ito na parang bata at masayang naglakad habang nakahawak pa rin sa braso ko. Umaalis ko ang kamay niya sa braso ko pero ibinabalik din naman hanggang nagsawa na ako at hinayaan na lang siya.

Pagdating sa canteen ay lalong umingay ang paligid. Nakakarindi! Nakakabingi! Sobramg iingay ng mga estudyante. Humahalimuyak ang bango ng mga pagkain na lalong nagpapagutom sa akin. Pumunta kami sa counter para um-order ng pagkain.

"Anong sa 'yo?" tanong ko. Tsk! Matakaw pa naman ito, siguradong mauubos ang allowance ko ngayong linggo. Nagturipid pa naman ako.

"Burger, spaghetti, leche flan tsaka isang salad," tuwang-tuwang sabi nito. Parang batang takam na takam sa pagkain. Hindi ba siya kumakain sa kanila bago umalis? Ang dami ng order.

"Kahit talaga laging seryoso ay napakabait ni Oie, lalong-lalo na kay Alex," C1.

"Oo nga eh. Parang tunay talaga silang magkapatid," C2.

Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila at naghanap na lang ng mauupuan namin ni Alex. Kahit nabigyan ko na ng pagkain ay hindi pa rin siya humihiwalay sa akin. Sumabay pa rin sa pagkain. Nasasanay ako na lagi siyang nandiyan para kulitin ako. Nasasanay na ako sa lagi niyang pagtawag ng Sister sa akin. At ngayon, natatakot akong tuluyang masanay sa presensya niya. Natatakot akong tuluyang na akong mapalapit sa kaniya. At ang mas kinakatakutan ko ay ang masaktan siya ng dahil sa akin. Hindi kami laging magkasama para protektahan ko siya sa mga taong pwede manakit sa kaniya. Natatakot ako pero wala akong magawa para palayuin siya dahil...... dahil hindi ko kaya..... hindi ko kaya. At hindi ko alam kung bakit.

Tumigil ako sa pagkain at pinakatitigan siya. Ano bang nakain ng lalaking ito at lumapit siya sa 'kin? Napatigil siya sa pagkain dahil sa pagkakatitig ko at bahagyang nailang.

"M-may dumi ba ako sa muka?" naiilang niyang tanong. Ngayon lang naman kasi siya tinitigan ng ganito. Pinunasan pa nito ang muka na akala ay may dumi. Pibakatitigan ko siya at pilit hinahalungkay ang mga emosyong sa mga mata niya.

"Bakit mo 'ko tinawag na Sister nang araw na iyon?" seryoso kong tanong na ang tinutukoy ay noong unang araw na tinawag niya akong Sister. Shocked was evident in his face not expecting my question.

"Ahhhmmm.. ano kasi... ano.." Hindi masabi kung ano bang dapat sabihin. Napakamot ito sa ulo at wari'y nag-iisip ng isasagot.

"Sagutin mo ako. Bakit?" mas seryoso kong tanong kaya naman mas lalo s'yang natuliro.

"Ano kasi... ganito kasi 'yon. Hindi naman talaga kita kilala noong una. S'yempre, dahil transferee ako kaya hindi naman talaga kita kilala. Pero kasi noong araw na iyon, nakita kita na nakaupo sa bench tapos ang seryoso ng muka mo. Ni hindi ka man lang nga ngumingiti eh, kahit hanggang ngayon naman. So iyon nga, hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon. Basta feeling ko ay sobrang namiss kita kahit na hindi naman tayo magkakilala at mas lalong hindi naman tayo magkamag-anak o ano. 'Yong feeling kasi na.... na parang tumalon ang puso ko noong nakita kita. Siguro kasi dahil gusto ko ng kapatid kaya ko naramdaman iyon. Wala kasi akong kapatid and I'm just an orphan," mahaba n'yang kuwento. Iyon pala ang naramdaman niya. I admit that the first time he call me Sister, I felt something too. Something that I can't explain. Pero kahit na ganito ang nararamdaman niya, hindi pa rin siya dapat mapalapit sa akin hangga't hindi natatapos ang lahat. Maghirap kasi magrisk.

"If I tell you to stay away from me, will you do that?" tanong ko na nakapagpatamlay sa kaniya. Kita ang lungkot sa mga mata niya. Halos hindi na siya makanguya ng ayos. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam. 'Yong pakiramdam na naawa ako sa kapatid ko. Pakiramdam na nasasaktan ako kasi nasasaktan siya. Bumaling ako sa ibang deriksyon dahil baka bumigay na ako. Ayoko... Hindi pa muna sa ngayon.. Hindi ko pa kaya.

"Why would you want me to stay away? Do you hate me?" Bakas ang lungkot sa boses niya. Nakayuko at nilalaro ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Umiwas ako ng tingin. Hindi dapat ako manghina ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Tumayo na ako para umalis. Tumigil ako sa gilid n'ya at hinawakan ang kaniyang balikat saka huminga ng malalim.

"Tapusin mo na ang pagkain mo. Malapit ng magsimula ang sunod na klase. Bilisan mo na, bunso." Tanging bulong na lang ang huling salita. Hindi ko kayang iparinig sa kanya, baka lalo lamang siyang lumapit sa akin. Hindi pa sa ngayon pero handa akong maging Ate sa kaniya, hindi pa nga lang ngayon. Hindi pa.

Sumunod na klase ay tahimik si Alex. Hindi niya ako pinapansin tulad ng dati. Pero mabuti na rin iyon. Mabuti na iyon kesa mapahamak siya kung mas mapapalapit pa siya sa akin.

Kung makakapaghintay ka, mararanasan mong maging Ate ako.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now