"From now on, ayokong madadatnan na marumi ang lugar na ito. Naiintindihan n'yo?" tanong ko sa kanila habang nakaupo ako sa sofa at nakatayo sila sa harapan ko. Tapos na silang maglinis kaya naman umayos na ang lugar at talaga namang maganda ito. Nakaayos na lahat ng gamit. Kanina ay ilang plastic ng basura ang itinapon nila dahil sa sobrang kalat.
Tiningnan ko sila isa-isa sa mata pero umiwas agad ako sa mata ng lalaking ito dahil sa hindi malamang nararamdaman. Unang kita ko pa lamang sa lalaking ito ay may kakaiba na talaga. Napag-isip-isip ko ang isang bagay pero hindi... hindi iyon mangyayari... Walang puwang sa akin ang ganoong bagay kaya hangga't maaga pa ay kailangang maitigil na kung iyon nga ang dahilan.
"Yes Princess," sagot nila at nagkani-kaniyang upo. Sa lugar na ito ay may sarili kaming kwarto, tig-iisa. Tuwing weekends lang naman ako dito maliban na lang kung may mission.
"So, anong pag-uusapan natin ngayon?" tanong ko sa kanila na mga nakahilata na sa sofa.
"Pwedeng mamaya na lang. Gusto kong magpahinga, pagod talaga ako ngayon," nakapikit na sagot ni Warri habang nakasandal sa sofa. Si Ice at Guru naman ay nakahiga sa isang mahabang sofa at si Venom naman ay nakahiga sa sahig habang nakataas ang paa sa single sofa.
"First time kong maglinis ng kwarto. At mas malala pa ay apat na kwarto," pagod na sabi ni Ice. Apat na kwarto lang ang nilinisan niya dahil malinis naman na iyong isang kwarto na siyang magiging kwarto ko.
"Ako din, first time kong maghugas ng pinggan," dagdag ni Warri. Tsk! Halata naman, mga hindi marunong maglinis. Anak-mayaman talaga.
Halos dalawang oras silang tulog kaya naman halos dalawang oras din akong nanonood ng t.v. Nang magising sila ay saka lang kami nag-usap tungkol sa grupo.
"Anong real name mo?" tanong nila sa akin. Pwede kong sabihin sa kanila ang tunay na pangalan ko dahil kagrupo ko naman sila.
"Oie," simpleng sagot ko.
"Full name?"
"Oie Santos," bored kong sagot. Ganito lang ba talaga pag-uusapan namin? Tatanungin lang nila pangalan ko. At isa pa, ayokong sabihin ang tunay kong pangalan. Walang pwedeng makaalam ng tunay kong pangalan hangga't hindi ko nahahanap ang mga taong iyon.
"Okay. By the way, I'm Trixon Klach Tyr," pagpapakilala ni Warri. Nice name.
"Aragon Myr," pagpapakilala naman ni Ice. Sounds like a dragon. Nice.
"Thyson Blythe Edison," pagpapakilala ni Guru. Wow! Beautiful name. But I will call them in their code name. Sunod namang nagpakilala si Venom.
"Thrundrixx Erox Haiker, baby," nakangisi nitong pagpapakilala at kinagat pa ang labi. Tsk!
"Anong baby?!" gulat na tanong ni Guru. Gulat din naman kaming napatingin sa kaniya. It's the second time he call me baby. Do I look baby?
"Baby, like, you know, baby sister," nakangisi nitong sabi at kagat-labi pa ring tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong gusto ng lalaking ito. At isa pa, kakaiba talaga ang nararamdaman ko sa isang ito but there's one thing that I never let to be the reason of this shit feeling.
"Oh! But it's not sounds like that. It sounds like MORE THAN a sister," kibit-balikat na sabi ni Guru. Nagkibit-balikat rin si Venom at hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. Problema ba ng lalaking ito? Sapakin ko siya. Wait!
"How are you connected to Haiker University?" curious na tanong ko dito. Umayos ito ng upo.
"The grandson of the owner," simpleng sagot nito kaya napatango ako. Mayaman naman pala. Kaya naman hindi marunong maglinis. Tsk! Umiling-iling ako. Tsk! Tsk!
"Anong iniiling-iling mo diyan?"
"Wala. So, how about the group's mission?" tanong ko.
"We don't have a mission for now but I will inform you if we have one. For the money we'll receive, we will share it equally. Dati, hindi na naman hinahati. We put it on the bank here in RAO for the needs of the group. Now that you are here, we will leave you the decision. Kung hahatiin natin or ilalagay na lang natin sa bangko," paliwanag ni Ice. Tumango naman ako.
"I will get mine, I need the money," sabi ko sa kanila at sinang-ayunan naman nila ito. Kailangan ko iyon para sa pag-aaral ko lalo na't wala pa akong part time job. Pero next week ay maghahanap na ako ng part time job. Extra income.
"Okay, if that's what you want. With our money, we will put it on the bank," sagot ni Guru na tinanguan naman ng tatlo. Okay! Ako lang naman talaga ang may kailangan ng pera dito. Hindi na nila kailangan 'yon dahil araw-araw silang may pera, the advantage of a rich person.
"So, tuwing walang mission, hindi naman kailangan na lagi kang nandito. Once a month to report is okay. 'Yon nga palang sa report ay ire-report mo lang ang mga importanteng bagay na may koneksyon sa RAO, like having a fight with the other member, inside or out of the RAO. Anything connected to RAO," explain ni Ice. Mabuti naman kung ganoon, magpa-part time job ako kaya walang sagabal. "Kami kasi, magkakasama kami sa isang school, so minsan, 'pag wala kaming ginagawa ay dito kami tumatambay." Tumango naman ako. Ako lang pala ang naiiba ng school. At isa pa, ako lang ang babae dito pero kahit iisa lang ako hindi ako magpapatalo sa apat na ito.
"So, do you have any question, Princess?" tanong ni Ice. Princess. Almost eight years na simula noong huling may tumawag sa akin na Princess.
Umiling ako dahil naman akong tanong. "Okay, if you need anything, call us 'coz we're always here for you. You're our little sister," nakangiting sabi ni Warri at tinap ang ulo ko. It's been a years na may taong nandito para sa akin. I feel so happy.
"Yes, you are our little sister. Hindi ko nga lang sure kung little sister ka rin ba sa isa diyan," pagpaparinig ni Guru kay Venom. Napatingin naman ako dito na ngumisi lang sa amin.
I found new home.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...