"Sister!" Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin. Alam ko naman na kung sino siya. Nakakainis nga lang at hindi na siya tumahimik. Pareahs sila ni Sandra na walang katigil-tigil sa kakakulit sa akin.
Agad kong hinawakan at pinaikot ang kamay na humawak sa balikat ko. Nasanay na ako na kapag may biglang humahawak sa akin at nabibigla ako ay gumagana agad ang defensive mode ko.
"Aray!!" daing nito dahil sa pagkakapilipit ng braso. Agad naman akong kinabahan. Baka nasaktan ko siya ng todo. Agad ko siyang tinulungang tumayo at tiningnan ang braso niya. Medyo namula lang kaya nabawasan ang kaba ko. Akala ko ay nabali na ang buto niya.
"Uy! Concern siya," sabi nito kaya agad kong binitawan ang kamay niya. Nang-aasar naman siyang tumingin sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit nag-aalala ako sa lalaking ito. Noong isang araw nga ay muntik na akong mapa-away dahil sa kaniya. Parang pinaninindigan ko ang pagtawag niya sa akin ng Sister. Hindi ko alam pero concern na concern ako sa kaniya. Ni hindi nga ako umangal ng tawagin niya akong Sister. Marahil ay namimiss ko lang ang kambal ko.
I miss you Iou.
Fifteen years, fifteen years na kitang hindi nayayakap. Nasaan ka na kaya? Okay ka lang ba? Nakakakain ka ba ng ayos? Naalagaan ka ba nila? Minamahal ka ba ng mga taong kumuha sa iyo gaya ng ginawa namin noon?
Miss na kiss na kita kambal.
"Sister, okay ka lang?" tanong ni Alex na nakapagpabalik sa akin. Tiningnan ko muli ang braso niya bago siya lagpasan at nagderitso papunta sa room namin. "Uy! Pansinin mo naman ako," sabi nito at nakangusong humarang sa dinadaan ko. Hayss. Nakakabwisit din talaga ang lalaking ito.
Inirapan ko siya at bahagyang itinulak para makaalis sa dinadaanan ko. Napaatras ito at lumungkot ang muka. Nagpatuloy ako sa paglalakad at agad na naupo ng makarating sa room. Kasunod ko lamang siya sa likod ko at matamlay na naupo. Nasaktan siguro sa ginawa ko.
Maghapon niya akong hindi pinansin kaya naman may parte sa akin na namiss ang pagtawag niya sa akin ng sister. What's happening to me?
Nakakainis. Bakit namimiss ko ang tawagin niya akong Sister? Kung noon ay araw-araw kung hinihiling na sana tigilan na niya at ngayong tinigilan na niya, namimiss ko naman. Nakakainis.
Hinintay ko siya sa labas ng room namin para kausapin. Kinokonsensya ako sa hindi ko malamang dahilan. Para akong kinokonsensya na makipag-ayos sa kapatid ko. Ngayon ko lang ito naramdaman kaya hindi ako mapalagay.
Humarang ako sa pintuan nang palabas na siya. Bigla siyang nagulat at napaatras. Namimilog ang mga kayang nakatingin sa akin. Napatingin na rin sa amin ang iba naming mga kaklase.
"Sorry," sabi ko at umalis. Iyon lang 'yon. Hindi ako luluhod sa harapan niya at magmakaawa na patawarin ako at tawagin na ulit na Sister. Never! Maigi ng makonsensya kesa gawin iyon.
Hahawakan ko na sana ang kamay ng taong humawak sa balikat ko pero mabilis niya itong naalis. Para bang alam na niya ang gagawin ko. At alam ko naman na kung sino iyon. Sino pa ba?
"Anong sabi mo kanina?" tanong ng lalaking ito. Sino pa nga ba? Eh 'di ang makulit na lalaking tinatawag akong Sister kahit hindi naman kami magkapatid. Hindi rin naman siya bakla. Ewan ko ba sa lalaking ito, may lumot siguro ang utak. Hindi ako umimik kaya napasimangot siya. Patuloy lang siya sa pagsabay sa akin sa paglalakad. Kahit binibilisan ko na ang lakad ko, sunod pa rin siya nang sunod at mas binibilisan din ang paglalakad.
"Ulitin mo mga sinabi mo," pagpipilit niya na sabihin ko ulit. Never! Hindi ko na uulitin dahil nasabi ko na. Hindi mahilig mag-ulit ng mga nasabi ko na.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pasunod-sunod naman siya sa akin. Eto na naman siya. Pasalamat talaga siya at nakonsensya ako na hindi ko rin naman alam kung bakit.Lagi akong inuusig ng konsensya ko pagdating sa lalaking ito.
"Sister, sabihin mo na ulit. Pleaseeee," pagmamakaawa nito habang magkadaop ang mga palad at nagpuppy eyes pa. Tsk!
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas kami ng school. Naghintay ako ng masasakyang tricycle pauwi sa apartment ko. Naglakad-lakad ako para makalayo sa lalaking ito Pero sunod pa rin siya ng sunod. Sinmaan ko siya ng tingin kaya't napatigil ito bahagya habang nakangisi na.
"Sige na nga. Hindi na kita pipilitin na sabihin ulit. Narinig ko naman kanina eh. Haha. Basta bati na tayo," nakangiting sabi nito. Narinig naman pala niya. Bakit pinapaulit pa? Gago rin.
"Pauwi ka na? Hatid na kita," alok nito pero hindi ko siya pinansin. Gustuhin ko man para makabawas sa gastos pero ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira at baka pati doon ay guluhin niya ako. Nagpara ako ng tricycle at sumakay ng hindi nagpaalam sa kaniya. Nakakainis talaga dahil lahat ng subject namin ay kaklase ko siya. Kahit isang subject ay wala kaming pinag-iba.
(Phone ringing)
"Hello," sagot ko ng makita ang pangalan ng tumatawag.
(Sa susunod na buwan magaganap ang underground fight. Maghanda ka na dahil lalaban ka. Hindi pa ina-announce kung sino ang magkakalaban. Maghanda ka para matalo mo kung sino man ang makakalaban mo. May bagong patakaran ang nakakataas... ise-send ko na lang sa 'yo at pag-aralan mo.)
"Salamat," sagot ko bago pinatay ang tawag.
Eto na ang simula.
Let the revenge begin.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
De TodoOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...