Chapter 17: Part Time Job

4 3 0
                                    

Habang tumatagal ang panahon at habang patagal rin nang patagal na nakakasama ko ang apat ay parang mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko. Oo, inaanim ko na ngayon. Inaanim ko na kaya ko nararamdaman ang lahat ng ito simula pa lang ay dahil may pagtingin ko sa lintik na lalaki na iyon. Siguro nga ay tama siya sa sinabi niya noon na it's love at first fight. Siguro nga ay noong unang beses na makalaban ko ay nagustuhan ko na nga siya. Pilit kong inaalis ang nararamdaman ko pero tila lalo lamang lumalalim ito.

"Miss, isang burger nga at fries," sabi ng isang customer. Nagpapart time job ako dito sa Jollibee para magkaroon ng extra income. Isang linggo na rin akong nagtatrabaho dito at ayos naman siya. Hindi naman ako nahihirapan dahil sakto lang sa oras ko. Tuwing weekdays ay dalawang oras lang akong nagtatrabaho at maghapon naman tuwing Sabado, then day off ko na ang Linggo. Ang kinikita ko dito ay iniipon ko at ang kalahati naman sa pera ko sa mission ay iyon ang pinagkakasya ko para sa isang buwan dahil next month pa ang next mission which is two weeks from now. At Iyong kalahati pa ay may pinaglalagyan ako.

Inayos ko ang mga gamit sa counter. Dito ay dalawa kami noong isa kong kasama na hindi ko naman kaclose. Ayaw ko rin namang makipagclose.

"Miss, isang bucket nga ng fried chicken at spaghetti," sabi ng isang customer na familiar ang boses. Nakayuko kasi ako dahil may inaabot ako sa ibaba nitong counter.

"Okay Sir. Please wait for a minute," sagot at saka pa lamang tumingin sa kanila. Pare-pareho kaming nagulat ng magkatinginan. Sa dinami-dami ng pwedeng kainan ay bakit dito pa? Umasim naman ang muka ko dahil sa kanila. Mambwibwisit lang ang mga ito, panigurado.

"Wow! Nagtatrabaho ka pala dito," manghang sabi ni Warri. Ay hindi. Hindi ako nagtatrabaho dito. Ang mayayamang ito, talagang dito pa naisipang kumain. Marami namang restaurant diyan. Inirapan ko na lang sila. Hindi ako tumitingin kay Venom baka magwala na naman ang puso ko kapag nakatagpo ko ang mga mata niya.

"Dadalhin na lang ang order sa table n'yo ," sabi ko sa mga ito para magsi-alis na sila. Nakakaabala na sila, ang dami pang o-order.

"Bakit nagtatrabaho ka dito?" seryosong tanong ni Venom. Eh ano naman ngayon? Inirapan ko ulit sila.

"Dadalhin na lang po sa table n'yo ang order. Kung pwede po ay umalis na kayo at may iba pa pong o-order," pigil ang inis na sabi ko sa kanila. Tumango naman iyong tatlo maliban sa lalaking ito na seryosong nakatingin sa akin. Problema ba nito? Hinila na siya ng mga kasama niya dahil ayaw pa talagang umalis sa harap. Hayss. Paniguradong laging nandito ang mga iyan.

Habang kumukuha ng order ng ibang customer ay ramdam ko ang titig ni Venom. Ano bang meron at seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin? Napailing lang tuloy ako. Sila ang pinakamaingay sa table nila kaya naman napapatingin ang ibang customer sa kanila. May ilang pang mga babae ang nagbubulungan habang nakatingin sa kanila. Mga papansin kasi.

Ramdam ko pa rin ang paninitig ni Venom kaya mas lalo akong naiilang na kumilos dito. Nakaisip naman ako ng paraan para makaalis dito sa counter.

"Mike," tawag ko sa isang nagtatrabaho din dito.

"Bakit?" tanong nito ng makalapit sa akin.

"Palit tayo, ako naman sa likod," sabi ko at agad din naman itong pumayag. Nagpunta na ako sa likod ng counter para maghugas ng mga pinggan. Mabuti na ito kesa naman panoorin ako ng lalaking iyon na magtrabaho. Maraming hugasin dito. Hindi matapos-tapos dahil madami ang customer.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Putik!" Muntik ko ng mabitawan ang plato dahil sa gulat. Inis akong tumingin kay Venom na nakasandal sa pader malapit sa pinto. Nakacross arm at seryosong nakatingin. Bakit ito nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" kunot ang noong tanong ko sa kaniya. Ipinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng mga pinggan.

"Answer me. Iniiwasan mo ba ako?" tanong na naman nito. Bwisit! Napakakulit.

"Pwede ba? Umalis ka na dito dahil nagtatrabaho ako. Kung may gusto kang itanong ay mamaya na lang, marami pa akong ginagawa," inis na sabi ko. Istorbo. Siya kaya ang paggawin ko ng ito. Nakakainis. Tsaka, ano naman kung iniiwasan ko siya?

"Mag-uusap tayo mamaya," sabi nito bago umalis. Napabuntong-hininga na lang ako ng makaalis na siya. Ano namang pag-uusapan namin? Dami niyang arte.

Makalipas ang halos isang oras ay nagpalit na ulit kami ni Mike, ako na ulit sa counter. Tiningnan ko naman ang pwesto nila kanina pero iba na ang nakaupo doon. Salamat naman at umalis na rin sila. Akala ko ay tatambay pa sila dito.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now