Inis na inis ako ng makapasok sa school. Ang mga bwisit ba naman na iyon ay ginawa akong katulong. I cooked our breakfast. I washed the dishes. I cleaned the house before leaving because they ransacked my apartment, our apartment rather. I'm so pissed. Gusto ko na silang sapakin, hindi ko nga lang magawa dahil nakalayas na agad sila. Hindi ko naman magawang iwanan ng ganoon kadumi ang apartment.
Hindi ko pa rin maisip kung anong naisipan nila para lumipat doon sa apartment ko. Mas pinili pa talaga nilang magsiksikan sa maliit na kwarto na iyon gayong pwede naman silang magpunta sa mga hotel. Mga siraulo talaga ang mga iyon.
Tahimik sa school pagkapasok ko. Walang mga estudyante na makikita o kahit iyong mga sasakyan nila sa parking lot sa harap ng school. Tahimik ang buong paligid. Nilibot ko ng tingin ang buong campus ngunit wala akong makita kahit iyong mga janitor na palaging nag-iikot sa umaga. Kahit mga guro ay wala akong makita.
Agad akong napayakap sa aking sarili ng umihip ng malakas ang hangin. Bakit walang tao dito kahit isa? Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang room namin. Umiikot pa rin ang aking mata nagbabakasakaling may makita akong ibang tao. Sigurado naman ako na may pasok ngayon dahil inanunsyo nila kahapon na may activity ngayon. So where the hell they are?
Nakakapagtaka na wala man lang katao-tao sa school na ito. Muli na namang sumimoy ang hangin kaya isinuot ko na ang aking jacket dahil talagang malamig. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Alex. Siya lang naman ang may number sa akin. I dialed his number.
The number is out of coverage area.
The heck!
Nasaan ba ang lalaking iyon at hindi ko makontak? Nasaan na ba ang mga tao dito? Pakiramdam ko may mali. May hindi magandang nangyayari dito. Imposibleng mawala na lang bigla ang mga tao dito.
"Itaas mo ang kamay mo," sabi ng isang tinig. Malaki at garalgal ang boses nito. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko ng maramdaman ang malamig na bagay sa likod ng ulo ko na sigurado akong baril. Bakit may baril? Sino ang taong ito? At bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. "Lumakad ka," utos nito. Ramdam ko pa rin ang dulo ng baril sa aking ulo. Nagsimula akong maglakad, ganoon din ang lalaking nasa likod ko. Ano ba kasing nangyayari?
Tumigil kami sa tapat ng office ng Dean. What are we doing here? Binuksan ng lalaki ang pinto. Halos matumba ako sa nakita ko pagkabukas ng pinto.
"A-alex," pabulong kong sabi ng makita ang kalagayan ng kambal ko. Alex! Iou! Puro pasa ang kaniyang mga muka. Bugbog ang katawan at putok na ang mga labi. Nakatali siya sa bangko habang nakalaylay ang ulo. Anong ginawa n'yo sa kambal ko?! Oo, kambal ko. Positive ang result ng DNA namin. Sa birthmark pa lang naman na iyon ay alam kong siya ang kambal ko.
"Magkapatid kayo, 'di ba?" tanong ng isang lalaking bumigat ng galit sa aking puso. Ang lalaking iyon. Nakatalikod siya sa amin kaya kitang-kita ko ang tattoo na nasa kaniyang batok. Siya, siya ang pumatay sa mga magulang ko. Nanginginig na ang katawan ko sa sobrang galit na nararamdaman. Nanlilisik na rin ang aking mata. Gusto ko na siyang patayin ngayon din. Sinubukan kong gumalaw ngunit napatigil ako sa kaniyang sinabi.
"Isang maling galaw, susunod ang kapatid mo sa mga magulang mo," sabi nito at tumawa pa. Lalong nanginig ang katawan ko sa galit. Nagtatagis na rin ang aking mga bagang. Gusto ko siyang sugurin ngunit hindi ko kayang isaalang-alang ang buhay ng kapatid ko.
"S-sister." Napatingin ako kay Alex ng magsalita ito. Nahihirapan siyang magsalita dahil sa putok sa kaniyang labi. Ang dami na ring dugo ang nasa kaniyang katawan. Naaawa ako sa kalagayan ng kambal ko. Hindi niya dapat nararansan ang bahay na ito.
I'll make sure that man will taste my anger and he'll pay for what you've done.
Nakatalikod pa rin sa amin ang lalaking may tattoo sa Batok. Ni hindi man lang siya humaharap kaya hindi ko makita ang kaniyang muka. I know he did it on purpose so I can't remember his face. Ang lalaki na nasa likod ko ay nakatutok pa rin ang baril sa akin. Si Alex ay nakatingin lang sa akin. Kita at ramdam ko ang paghihirap niya.
Sininyasan ko siyang tumahimik. Wala akong nararamdamang ibang tao dito maliban sa aming apat. I let a deep sigh and suprise the man behind me by a sudden move. Mabilis akong humarap sa kaniya. Hinampas ko ng malakas ang kaniyang kamay upang mabitawan niya ang baril at agad ko itong kinuha sa kaniya. Mabilis akong pumunta sa kaniyang likod saka inipit ang kaniyang leeg sa mga braso ko at itinutok sa kaniya ang baril. Hindi ako nakalikha ng kahit na anong ingay ngunit tumawa ang lalaking may tattoo sa Batok na para bang nakita niya ang ginawa ko. Nagpupumiglas ang lalaki ngunit hindi ko siya hinahayaang makawala.
"Hahahaha. Talaga bang wala kang pakialam sa kambal mo?" nangungutyang ani ng lalaking ito at tumawa pa na sadyang nakakainis. Iyong tawa na hindi mo maintindihan kung nang-i-insulto o sarkastiko. "Kawawa ka naman Alex, kahit alam niyang mapapahamak sa isang making galaw niya pero ginawa niya pa rin," sabi nito na nanatiling nakatalikod pa rin. Mas lalong humihigpit ang hawak ko sa lalaking ito dahil sa tindi ng galit sa kaniyang amo. Hindi ako tanga para hayaang mapahamak ang kambal ko. I know there's no other person in this room except us. And I will not make a move without thinking the consequences it have.
"Gusto mo na yatang isunod ang kambal mo sa mga magulang mo," sabi nito. Alam kong nakanagisi siya ngayon. Lalong dumilim ang tingin ko sa kaniya na sinabayan pa ng pagdilim ng kalangitan at ang pagkulog at pagkidlat. "Nasanay ka na yatang mag-isa kaya ayos lamang na mawala ang kambal mo," dagdag pa nito.
"Manahinik ka na! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko nang dahil sa 'yo," sigaw ko dito. Tumawa ito na sadyang nakakainis. Gusto kong iputok sa lalamunan niya ang baril janitor ng hindi na siya makaimik pa kahit kailan. "Hayop ka! Mamatay ka na!"
"Pasensya na pero hindi dapat ako mamatay kundi siya--- Bang!"
"Hindiiii!!!!!!
"Oie! Oie! Oie!"
Sunod-sunod na katok sa pinto ang gumising sa akin sa isang madaming panaginip. Panaginip lang pala. Isang panaginip lang. Hindi niya pwedeng idamay ang kambal ko. Hindi niya pwedeng saktan ang kambal ko. Gagawin ko ang lahat upang hindi madamay ang kapatid ko. Wala nang pwedeng masaktan sa pamilya ko. Hindi na ako makakapayag na kunin niya sa akin si Iou. Hindi ako makakapayag. Patayin niya muna ako bago niya magawa iyon.
"Oie! Oie! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Warri na nasa labas ng kwarto ko. Alam kong nandiyan silang lahat, ramdam ko sila. Kaya siguro hindi ko sila naramdaman ay dahil isang panaginip lamang iyon. But, why do I feel like it's true? The emotion I felt was like real. Maybe, it happen when you love someone. Even in your dreams, you take care and worrying about them.
But I will never let that man to hurt Iou, to hurt Alex. I will never let him. Magkamatayan na muna baho niya mahawakan ang kapatid ko. Alam kong malapit ko na siyang makilala. I can feel it.
Vote and comment.
Advance Merry Christmas y'all.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...