Chapter 20: Angelic Voice

9 2 0
                                    

Isang linggo na ang mabilis na lumipas. Mabilis lumilipas ang mga araw at parami nang parami na naman ang mga taong napapalapit sa akin.

Nagpunta ako sa headquarters namin sa RAO dahil wala akong mapuntahan. Ang boring naman kung maghapon akong nasa apartment, wala naman akong magawa doon. Naisip ko na lang na magpunta dito para makapag-training na rin. Gusto kong i-try ang gym nila dito. Never ko pang nagamit ang gym dito sa RAO kaya try ko na rin nang may magawa naman ako. Wala naman kailangang gawin para sa school. Sa part time job ko naman ay sarado ngayon.

Dadaan muna ako sa headquarter namin para magpalit at ilagay ang gamit ko. Tahimik ang paligid ng buksan ko ang main door ng headquarter. Wala silang lahat dito. Holiday naman ngayon pero wala sila, nandito kasi sila lagi kapag holiday.

"Too many billion people
Running around the planet..."

Kumanta niya ng napakahusay ang kanta. Damang-dama ang bawat lyrics. Kahit gitara lamang ang gamit niya ay naitawid niya ng maayos ang pagkanta.

Wow! As in wow talaga. Ang ganda ng boses ng kung sino man ang kumakantang iyon. Para akong nakakarinig ng isang anghel though hindi pa naman talaga ako nakakarinig ng boses ng anghel, kahit ang makita nga ay hindi man lang. Pero back to that voice, sobrang ganda talaga. Ang sarap sa tenga. Ang lambing pakinggan. Sino kaya iyon?

Hinanap ko ang boses. Wala namang tao dito sa sala at sure naman akong wala sila dito dahil walang maingay. Sino kaya iyon? Inisa-isa kong buksan ang pinto ng mga kwarto.

Binuksan ko ang huling pinto. Tumambad ang nakatalikod na si Venom na naggi-gitara. Sa kaniya ang boses na iyon? Talented naman pala ng lalaking ito. Hindi ko akalain na ang lalaking ito ay may itinatago palang ganitong talento. For me, a boy become more handsome and attractive when they are playing instrument while singing. He did both and I can say that he's so attractive. Hotter than hot.

Wow! Seryoso ka Oie? Tuluyan ka na atang nahulog at parang wala na talagang paraan para makaahon ka pa?

Yes. Wala na akong kawala dito. Hindi na ako makaahon sa pagkahulog kong ito sa kaniya. At isa pa, hindi ko alam kung sasaluhin niya ba ako. At hindi rin ako handang umamin sa kaniya. Magulo ang mundo ko ngayon at hindi ko siya kayang papasukin dahil sa siya ang pinakamasasaktan, pisikal man o emosyonal at hindi ko iyon kakayanin kapag nagkataon.

Matagal akong nasa pinto lang ng kwarto niya habang nakikinig sa pagtugtog at pagkanta niya. Hindi ko alam kung alam niya bang narito ako o alam niya pero hindi lang ako pinapansin.

Ano pa kaya ang kaya mong ipakita na magpapahulog pa ng husto sa akin? Meron pa ba akong dapat hangaan sa iyo?

"What are you doing here?" Napapitlag ako ng magsalita siya pero agad ding sumeryoso.

"Tatambay lang sana ako dito headquarter. Hindi ko alam na narito ka pala," seryoso ang muka na sabi ko. Umalis na din ako sa pinto niya at umupo sa sofa sa sala. Sumunod siya sa akin dala pa rin ang kaniyang gitara. Naupo siya sa katapat kong upuan. Tumitingin siya sa mga mata ko pero umiiwas ako. Ayokong tumingin sa mga mata niya dahil ayokong malaman n'ya ang nararamdam ko. 'Di ba nga sabi ng iba, sa mata mo malalamanan ang tunay na nararamdaman ng isang tao. Baka mayamaya ay mahulaan niya ang nararamdaman ko dahil sa mga mata ko.

"Okay. Wala sila dito dahil nag-mall sila. Hindi ako sumama dahil tinatamad ako," sabi nito kahit hindi ko naman tinatanong. Share niya lang? "Kanina ka pa?" tanong nito na muli na namang nag-strum ng isang pamilyar na kanta.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now