Nanatili kami sa headquarter habang siya ay naggi-gitara at ako naman ay nagce-cellphone. Walang nagsasalita, tanging tunog lang ng gitara niya ang aming naririnig. Tsk! Ang boring naman dito. Tinamad na rin kasi akong pumunta sa gym. Ano kayang magandang gawin? Ten pa lang naman ng umaga. Masyado pang mahaba ang araw.
"Tara, labas tayo," pag-aaya ko sa kaniya. Bored na talaga ako dito kaya aayain ko na lang siya sa labas. Tinamad na rin akong mag-gym. Nakakunot ang noo ng tingin ito sa akin. Nagtataka siguro sa biglaan kong pag-aaya.
"Anong gagawin natin?" tanong nito. Inilapag ang gitara sa gilid at tuluyan nang humarap sa akin.
"Kahit ano," sagot at tumayo na. "Ano? Sasama ka?" Pinakatitigan pa ulit niya ako, nagtataka talaga sa ikinikilos ko. Hindi ko nga rin alam kung naisipan ko pang siya ang ayain. Pwede namabumalis na lang among mag-isa.
"Sasama o hindi?"
"Wait lang naman. Sasama ako, magpapalit lang," hindi magkandaugagang sabi nito. Kinuha ang gitara at nagtatakbo na papasok sa kwarto niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Ang cute.
Oie!
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na agad siya dito sa sala. Ang simple ng pormahan na white T-shirt, black pants, white Fila shoes with a messy hair. Hindi na maayos ang buhok sa sobrang pagmamadali but it suits him, lalo lang siyang naging gwa--- Nevermind.
Napatingin naman ako sa damit ko ng may marealize ako. I'm wearing white blue corner shirt, black jeans and white sneakers.
"Let's go."
Ginaya n'ya ba suot ko?
Napapailing na sumunod ako at sinarado ang main door ng headquarter namin. Masaya itong naglalakad papunta at halos lahat ay napapatingin sa kanya specifically girls who are giggling while looking at him.
"Uy! Saan kayo punta? Terno pa kayo ng suot ah," tanong ng isang kasamahan namin dito sa RAO. Halos lahat ay inaabangan ang isasagot niya.
"Date," nakangiting sagot niya. Nangunot naman ang noo ko sa kaniyang sagot. Ang sinabi ko ay lalabas lang kami hindi magde-date.
"Owss!!" nasabi na lang noong lalaking nagtanong.
"Sila ba?"
"Bakit sila magde-date. Sila ba?"
"Wow! Bagay naman sila."
Sinamaan ko siya ng tingin ng lingunin niya ako. Ngumiti lang ito at nauna ng naglakad palabas ng RAO. Naabutan ko siyang nakasandal sa isang kotse habang hinihintay akong lumabas, probably his car. Ang astig lang ng sports car niya. Color black with a touch of red. Cool.
"Let's go baby," sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Masama ang tingin ko sa kaniya ng pumasok ako pero isang matamis na ngiti lang ang isinukli niya. Nang makapasok siya sa kotse ay hindi niya agad ito pinaandar.
"So, saan tayo magde-date?" tanong nito na nakangiti.
"Anong magde-date? Ang sabi ko lang ay lalabas tayo, hindi ang magdate," sagot sa kaniya. "Wala akong matandaan na magde-date tayo." Wala talaga akong matandaan. Hindi naman ako makakalimutin para kalimutan 'yong kakasabi ko lang kanina.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...