Chapter 54: False Information

1 0 0
                                    

"I-----------" Natigil ang sasabihin ko ng tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at nanlalaki ang mga mata ng makita kung sino ang caller. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa phone at kay Thundrixx na masama na ring nakatitig sa screen ng phone ko. Sa isang tango ay pareho kaming tumatakbong lumabas sa headquarters. Nakita ko pang nagtataka ang tatlo pero sumunod na rin dahil siguro ay narinig ang tunong ng phone.

Pagdating comlab ay naroon na ang team nina Sander at Simon. Konektado ang phone ko sa phone ni Sander kaya alam niya kapag may tumatawag sa akin. Lahat sila ay abala na agad sa pagpindot sa mga gadget nila. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Hello Ms. Callipor," bungad nito ng sagutin ko ang tawag. Nagngingitngit na Ahad ako sa galit marinig pa lamang ang boses niya. Dumagdag pa sa galit ko na siya mismo ang pumatay sa parents ko. "How are you?"

"Where's my brother?" seryoso Kong tanong nito. Patuloy sa pagpindot ang nasa paligid ko. Ang apat na lalaki naman ay nakaabang lang sa akin.

Tumawa ito kaya naikuyom ko ang palad ko sa sobrang inis at galit. "Masyado ka namang mabilis. Hahaha. Huwag kang mag-alala, ayos lang naman siya. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan na lang siya dito o baka naman gusto na niyang sumunod sa parents n'yo. Hahahaha."

"Hayop ka!! Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko. Sa oras na may mangyari sa kapatid ko, tandaan mo, baka makalimutan kong tao lang ako," galit na galit na saad ko. Tikom na tikom ang palad sa sobrang galit. Bumukas ang pinto at pumasok si lolo. Seryoso lang ito at tumango ng magkatinginan kami.

"Hahahaha. We'll know, we'll know. "

"What do you want?" nanggigil na tanong ko dito. Napalingon ako kay Simon nang magthumbs up ito, means that they already locate the suspect.

"Well, it's too early to tell what I really need from you. Just wait and you'll know. Hahahaha," sagot nito. Halos maibalibang ko ang phone na hawak ko sa buong galit at pikon sa lalaking ito.

"I fucking hate you Haiker!!!" galit na sabi ko atpinatay ang tawag. Nakapikit akong napahilamos sa muka ko pero napatingin sa paligid ko dahil sa katahimikan nila. Nagpapabalik-balik ang tingin nila sa akin at kay Thundrixx na malungkot ang muka. Saka ko lamang narealize ang nasabi ko. He's a Haiker too. Nasapo ko ang ulo at napapikit.

"Where's the location?" Umingay lamang ng magsalita si Lolo. Kumilos na rin ang mga taong nasa paligid.

Lumapit si Lolo sa amin at tumayo naman si Simon upang sabihin kung saan. Nilingon ko naman si Venom na malungkot ang muka at malungkot na ngumiti sa akin bago tumabi kina Ice. Lumambot naman ang puso ko. I'm too careless earlier because of anger. Hindi ko naisip na Haiker nga rin pala siya at maaari siyang masaktan sa sinabi ko. Lumapit ako sa tabi ni Venom pero hindi man lang siya lumingon sa akin at tutok lang kay Simon na nagsasalita. Hinawakan ko ang kamay niya para lumingon siya sa akin. Seryoso ang muka nito at tumingin sa kamay naming magkahawak saka ibinalik ang tingin sa akin kaya malungkot akong ngumiti. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at pareho na kaming lumingon sa nagsasalita. Nakita ko pa ang pagsulyap sa amin ni Ice at sa kamay naming magkahawak.

"I suggest na huwag na muna tayong pumunta lahat doon. Magpadala na muna tayo ng konting tao. Nasa syudad lang ang mansion na iyon. At sa pagkakaalam ko ay hindi naman abandunado ang lugar na iyon. May nakatira pa doon kaya imposibleng doon nila tinatago ang hostage. Baka pinaglalaruan lang tayo noon," sabi ni Simon.

"I agree with him Mr. Zutarasm. We can't make sure that he's not tricking us. As far as I know, isa siyang tuso," dagdag ni Sander. Napatango-tango naman si Lolo. I agree with him too. Sobrang nag-aalala na ako para sa kapatid ko. Hindi ko alam kung paano mag-isip ang isang iyon kaya hindi ako sigurado sa kaligtasan ng kapatid ko.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now