Chapter 10: Project

5 3 0
                                    

Kinabukasan ng hapon ay sa bahay ni Alex ako dumeritso dahil sa project namin. Sumakay kami sa kotse n'ya pero wala kaming imikan. Hindi s'ya nagsasalita kaya hindi na rin ako nagsasalita. Hindi pa ako tuluyang nasasanay na hindi n'ya ako kinukulit pero kailangan ko talagang masanay.

"Okay lang ba talaga na ngayon natin gawin? Baka kasi gabihin ka eh ayaw mo namang magpahatid sa inyo," putol nito sa katahimikan. Tumingin ako sa kanya na deritso pa rin ang tingin sa daan. Pumasok kami sa isang village. "Hindi ba magagalit parents mo?"

"Walang magagalit," seryoso kung sabi kaya natahimik ulit s'ya. Wala naman talagang magagalit kung anong oras ako umuwi. Wala naman kasi akong dadatnan na tao sa apartment ko eh. Walang naghihintay sa akin dun.

Ipinasok n'ya sa isang marangyang gate ang kotse. Sumalubong ang mga maid para pagbuksan s'ya ng pinto. Ganito rin ako dati. Pinagbubuksan ng pinto, pinagsisilbihan. Lahat ng 'yon nawala ng parang bula. Maganda ang mansion, tulad rin ng mansion namin noon. Ang mansion nga pala namin noon ay nabili na ng isang mayamang dayuhan at huling nakita ko iyon ay ipinarenovate ng bagong may-ari. Masakit dahil puno iyon ng memories ng pamilya ko pero wala akong magagawa.

"Alex, pinapasabi nga pala ng mom at dad mo na hindi sila makakauwi ngayon dahil nag-out of town sila," sabi ng maid na nagbukas ng pinto. Tumango naman s'ya at ibinaba ang bag sa sofa.

"Yaya, pakihandaan naman po kami ng merienda," utos nito sa maid na agad nitong sinunod. "Upo ka muna. Magpalit lang ako at kukunin na rin ang gamitin natin," sabi nito na tinanguan ko. Pagkaalis n'ya ay umupo na ako sa sofa. Malawak ang salas. May sofa set, may malaking flatscreen t.v. at ilang shelf na may mga figurines. Sa kabilang side ay may hallway na papunta siguro ng kusina dahil doon nagpunta ang maid. Sa kanang side naman ay ang silver na hagdan kung saan naman umakyat si Alex. I used to have this life.

Magkasabay na dumating ang maid at si Alex. Ang maid na dala ang isang tray na pagkain and si Alex na dala ang laptop n'ya. S'ya lang ba talaga ang nandito at mga maids? Ang tahimik kasi ng lugar. Ang laki pero tahimik. Sa amin dati ay hindi naman ganito katahimik kahit aapat lang kami noon. Stop remembering the past Oie.

Business proposal ang project namin kay Miss. Nagbrain storming muna kami. Nag-usap na kami, alangan namang hindi. May magagawa ba kami dito kung hindi kami mag-uusap. After ng halos tatlong oras ay nakatapos kami ng konti, may ibang araw pa naman kami. Alas-nuebe na kami nakatapos at kailangan ko ng umuwi. Hindi ko alam kung may dumadaan bang jeep o tricycle sa labas nitong village. Malayo pa naman ito sa apartment ko.

"Hatid na kita." Nakalabas na ako gate ng sabihin n'ya iyon. Nagdadalawang-isip ako kung magpapahatid ba o hindi. Ayoko kasing may makaalam kung saan ako nakatira lalo na ang isang ito at baka laging magpunta doon. Medyo nangungulit na naman kasi kanina. Pasimple man pero nahahalata kong gusto na naman n'ya akong kulitin. "Madalang ang public vehicle na dumadaan sa labas." Wala na akong choice kundi ang magpahatid na lang, iyong medyo malayo na lang siguro sa apartment ko. Tumango ako at nahuli ko pa ang simpleng pagngiti nito ng pumayag ako. Ano ba talagang naisipan mo at ganito ka sa akin?

Tahimik kami sa byahe. Hindi s'ya nagsasalita pero kita ko ang simpleng paglingon n'ya. Itinuro ko sa kanya kung saan papunta sa apartment ko. Nang may ilang metro na lang ang layo ay pinatigil ko na.

"D'yan na lang," turo ko sa isang kalye malapit sa apartment ko. Hindi pa naman kita dito iyon dahil liliko pa ako mamaya.

"Doon pa naman ang mga bahay ah," naguguluhan n'yang sabi habang ipinapark ang kotse. Wala kasing bahay dito. Kalye lang ito kung saan madalas nagpapark ang mga tricycle.

"Okay na ako d'yan," sabi ko at kinalas ang seatbelt. "Salamat," sabi ko bago bumaba. Tumango naman s'ya. Nang makababa ay kumaway ako sa kanya at ngumiti naman s'ya.

"Good night Sister," nakangiti n'yang sabi bago tuluyang umalis. Tumango lang ako sa kanya.

"Good night," sagot ko kahit hindi n'ya maririnig. Dumeritso na ako sa apartment ko. Binuksan ang ilaw at naupo sa sofa. Hindi pa ako inaantok.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now