Chapter 24: Questions

6 2 0
                                    

"Isang kidnapping na nauwi sa pangho-hostage ang naganap kanina pasado alas-tres ng hapon. Sinasabing dapat ay kikidnapin lamang ang batang si Anaria na anak ni Senator Mondragon ng agad itong mapigil ng mga naka-civilian na pulis. Dahil sa takot na mahuli, nang-hostage na lamang ang mga kidnapper at limang civilian ang kanilang hinostage," pagbabalita ng reporter habang nasa tapat ng mall kung saan nangyari ang pangho-hostage.

"Hindi naman po nila kami sinaktan. Wala pong silang ginawa sa amin," sabi nang babaeng nakakita sa akin kanina.

"Paano naman nangyaring nakatulog ang mga nang-hostage? Sino ang may gawa nito sa kanila?"

"May dalawang tao po ang tumulong sa amin. Isang babae po at isang lalaki. Nakipaglaban sila sa mga lalaki at pinatulog ang mga ito. Hindi po namin sila nakilala dahil naka-mask at naka-shade po silang dalawa," sagot naman ng isang stuff na kasama din sa na-hostage.

"Sa ngayon ay nadala na sa prisinto ang mga kalalakihan. Kinuhaan namin sila ng statement pero tumanggi sila. Hindi pa rin matukoy ng pulisya kung ano ang motibo sa naudlot na pangingidnap sa anak ni Senator Mondragon. Ina-alam pa rin ng polisya kung sino ang nag-utos na kidnap-in ang bata. Ayon sa sabi-sabi ay maaaring kalaban ni Senator Mondragon sa politika lalo na't nalalapit na naman ang halalan. Iyan ang ulat mula dito sa San Carlos. Armina Santos, reporting."

Pinatay agad ni Venom ang t.v. matapos ang balita. Ayaw pa rin pala talagang umamin ng mga lalaking iyon.

"Mga sira-ulo talaga ang mga ganoong tao. Pati bata ay dinadamay nila sa mga kawalanghiyaan nila. Sigurado akong kalaban iyan ni Senator Mondragon," sabi ni Warri. Well, agree naman ako sa kaniya. Mga sira-ulo talaga ang ganoong mga tao.

Marami talagang mga tao ang gagawin ang lahat para sa sarili nilang kapakanan kahit pa may maidamay sila, kahit may buhay pang masisira dahil sa kanila. They don't care as long as they get what they want. So selfish, so greedy. Kailan kaya mawawala ang mga ganoong tao?

"Agree ako sa iyo. Mga salot talaga sa lipunan ang mga ganiyang tao," Guru agreed. "Pero, sino kaya iyong dalawang tumulong sa kanila?" tanong niya. Napasulyap naman ako kay Venom kaya nagtama ang mga mata namin. I immediately averted my gaze because my heart beats fast again. He's the only one who make me feel this.

"Oo nga. Sino kaya ang mga iyon?" tanong din ni Warri na nakahalumbaba. "Pero teka. Saan kayo galing dalawa?" tanong sa niya sa amin. Pagkarating kasi namin dito ay nandito na silang lahat. They're watching a news and sakto namang iyon ang laman ng balita. I looked on Venom again and for the second time, our eyes meet again.

Tumikhim pa muna siya bago sumagot. "Diyan lang," sabi niya. Nangunot naman ang noo ng mga chismosong lalaki. They're not convinced on his answer.

"Really?" hindi kombinsidong tanong ni Ice. Tsk! Napatikhim naman ako na sana hindi ko na lang ginawa dahil lumingon silang lahat sa akin. They look at me with question in their eyes. Tinaasan ko sila kilay saka umiwas at kinutingting ang cellphone ko.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now