Bago pa pumutok ang araw ay gising na ako. Mulat na mulat na ang mga mata ko at kung saan-saan na napadpad ang utak ko. Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos kagabi kaya isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako maagang magising. Agad kong niligpit ang aking pinaghigaan. Mahaba-habang araw ito lalo na sa akin. Sisiguraduhin kong matatagpuan ko sila at sa oras na galawin nila ang kapatid ko, hindi ako magdadalawang-isip na bawiin ang buhay nila.
Matapos maligo ay agad din akong nag-ayos ng sarili, naghahanda upang simulan ang laban na kaytagal ko ng hinihintay. Kinuha ko ang itim na cap at saka ito isinuot. Kinuha ko ang susi ng kwarto at handa na sa pag-alis ng napatigil ako sa nakita.
What the heck it's doing here?
I flip through the pages. It's our family photo album. Nandito lahat ng pictures namin ni Iou noong kasama pa naain siya at pictures noong nga panahong kasama ko pa ang parents namin. Nanginginig ang mga kamay ko. Napaupo na ako sa sahig habang yakap ang photo album namin. I brought it with me when I move here. At pinakatago-tago ko ito ng dumating dito sa Alex. Itinago ko ito so he couldn't see it but maybe I'm too careless. I shouldn't put it here. I know, he already knows it. He already know who I am and what's our relationship.
But when? Yesterday? Or maybe before he got kidnap. Maybe he choose to walk outside to freshen up his mind then he got kidnap. Yeah. Maybe.
I immediately put that album inside my cabinet. I keep it under my clothes. Ngayong alam na ni Alex ang lahat, mas lalong kailangan ko siyang iligtas. I don't know if he's mad at me for not saying the truth. That all this time I'm lying to him. That I'm his real family. I need to know what he felt after seeing that. I need to explain him everything. From the stories of my parents until the moment I started lying to him.
Dali-dali akong lumabas saka ini-lock ang aking kwarto. Paglabas ko ay naroon na ang apat at mga nakabihis na at ako na lang pala ang hinihintay. Pinasadahan ko sila ng tingin at nagtanguan sila sa akin. "We'll help you to find him. We're his brothers," sabi ni Thyson. Tinanguan ko sila at nauna ng lumabas.
Kotse ni Thundrixx ang ginamit namin dahil iyon lang naman ang naroon. Si Thyson ang driver at sa shotgun seat naman si Aragon. Magkakatabi naman kami sa huli. "RAO," sabi ko na tinanguan ni Thyson saka pinaharurot ang sasakyan. Kasabay ng pagsilay ng haring araw ay nakarating kami sa RAO. Maraming sasakyan sa parking area. Naroon na rin ang sasakyan ni Lolo kaya alam kong nandito na rin siya.
Isang maliit na papel ang sumalubong sa amin pagkapasok sa lobby ng RAO. 'Room 4, second floor.' Iyan ang nakasulat sa papel. Tahimik kaming maglakad papunta doon. Sumakay na kami sa elevator para madaling makarating. Tahimik ang buong paligid. Siguro ay pinaalis na muna ni Lolo ang ibang narito. It's a private matter to us but we need help from some people here.
Agad kaming pumasok sa room 4. Naroon ang Darkidoes, ang pangalawang pinakamataas na grupo at ang Blackstring, ang pangatlong grupo. May ilan pang hindi ko kilalang tao. At ang iba naman any iyong mga bodyguards ni Lolo. Mga nasa limampung katao ang narito kasama na kami. At bilang lamang kaming babae. Lahat sila ay napatingin sa amin ng pumasok kami. Hindi ko na sila pinansin at nagtungo na lang sa tabi ni Lolo. Nakipagtanguan pa siya sa akin bago nagsimula.
"Narito na ang lahat. Ipinatawag ko kayo para sa isang misyon. Malaki ang kinalaman ng misyon na ito sa akin kaya hinihingi ko ang buong kooperasyon ninyo upang maging matagumpay ito. Nandito tayong lahat upang pagplanuhan ang mga mangyayari. Isandaang porsyento ang kailangan kong resulta ng misyong ito," seryosong saad ni Lolo. Tahimik ang lahat at tango lang ang naisagot nila kay Lolo. "Bago ang lahat, ipinapakilala ko sa inyo ang aking apo, Diamond," pagpapakilala sa akin ni lolo. Dinig ko ang singhapan ng iba. Ang iba ay tahimik lang pero nakikta ko sa muka nila ang gulat. Tumango lang ako sa Kanika at hindi na umimik pa. "Ang taong kailangan nating iligtas ay ang isa ko pang apo na kakambal ni Diamond. Kaya naman isandaang porsyento ang dapat mahing kalabasan ng misyon na ito. Naiintidihan n'yo?" mariing tanong ni Lolo habang nakatulod ang dalawang braso sa lamesa.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
AcakOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...