Chapter 7: Diamond

4 3 0
                                    

Muli akong pumasok sa silid na puro itim. Warm up ulit. Mas mag-iingat ako ngayon dahil mas malakas sila kumpara sa kanina. Mas magaling at mas mabilis kumpara kanina.

"Let's welcome, DARKIDOES!!!!!"

"Wohhhhhh!!!!!!"

"Wohhhh!!! Galingan n'yo!!!!"

Sigawan na naman sila ng makapasok ang sunod na grupo. Marami Silang mga taga-suporta.

"And let's welcome the Challenger!!"

"Challenger!! Challenger!!"

Masaya ako dahil kahit papaano ay may sumusuporta sa akin. Tulad kanina ay mangha at gulat ang makikita sa muka ng mga Darkidoes. Ang kaibahan lang ay hindi nila ako minamaliit sa kanilang mga tingin. Marahil ay alam nilang hindi ako basta-bastang babae. I'm not. Hindi ako makakarating dito kung mahina ako. Nakarating ako dahil sa lakas at tibay ng loob na meron ako.

Tulad kanina ay paisa-isa sila kung sumugod. Medyo mahihirapan ako dahil mabilis silang kumilos pero hindi ako matitinag. Babae ako pero hindi basta babae lang. Kahit anong bilis at lakas nila ay naghahanap ko ang mga kahinaan nila. Sa akin lang ay sana hindi nila mahanap ang kahinaan ko kahit alam kong matagal na silang lumalaban. Natagalan bago matapos ang laban. Masaya ako dahil naipanalo kong muli ang laban. Nakatulog ang dalawa sa kanila at ang tatlo naman ay may minor injuries. Nakipagkamay sa akin ang tatlong gising. They are smiling wide at me.

Ang sunod na laban ay paghahadaan ko. Napapagod na rin ako pero magpapatuloy ako. Kahit na pasok na talaga ako sa grupo nila ay kailangan ko pa ring ipakita kung bakit ako karapat-dapat sa grupo nila. Puro pasa, putok ang labi, mga galos sa katawan ay hindi ko ininda, mas masakit pa dito ang dinanas ko noon. That was the most painful than these cuts and bruises.

Konting pahinga at muli nang nagsimula ang laban. Hindi pa lubos na nakakabawi ang katawan ko ng lakas ay kailangan kong magpatuloy.

"Philtrix!!! Philtrix!!!"

"Venom!! Venom!! Venom!!!"

"Warri!! Warri!!"

"Ice!!! Ice!!!"

"Guru!!! Guru!!!"

Talagang sikat na sikat sila. Nagtitilian ang ibang mga babae. Marami din kasing babaeng miyembro ang RAO. RAO is not only for men but also for those woman who was brave enough. To those who can pull the trigger.

"Challenger!!! Challenger!!"

Taas noo akong naglakad papunta sa ring. Nakatalikod ang mga lalaki kaya naman hindi ko kita ang muka nila. Never ko pa silang nakita kaya hindi ko kilala pero masaya ako na kabilang na ako sa grupo nila pero kailangan ko pa ring patunayan. I need to prove myself that I'm worth it. That I really deserve to be in their group.

Laglag ang panga ng humarap sila sa akin. Mga hindi makapaniwala na isang babae ang makakalaban nila. Na isang babae ang lumampaso sa lahat ng kalaban. Na isang babae ang makakasama nila mula ngayon. Alam kong hindi sila makapaniwala pero nandito na ako, nandito mismo sa harap nila.

"Wow! I'd never imagine this," manghang sabi noong chinitong kulot. Tiningnan ko sila isa-isa na pawang mga nakatulala lang sa akin. What now? Napatitig naman ako sa lalaking nasa gitna, nakatitig ito sa akin. Matangkad, maganda ang hubog ng katawan, chinito at ang mga mata.... Napaiwas ako ng tingin dahil sa mga matang iyon, hindi ko alam ang dahilan. Kakaiba ang mga mata niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Anong meron?

"Pwede bang 'wag ng ituloy ang laban? Pasok naman na siya sa grupo namin. Ayokong saktan ang bago naming prinsesa," nakangiting sabi noong medyo pandak na chinito.

What?!

At bakit naman hindi?!

"Ituloy ang laban," seryoso kong sabi kaya naman napanguso ito. Kita ko ang pagreklamo niya sa mga kasamahan. Isang putok, hudyat ng pagsisimula.

Itinulak nila iyong lalaking may kakaiba sa mga mata papunta sa akin para siya ang lumaban. Kunot noo itong lumingon sa mga kasamahan niya.

"Ikaw na ang lumaban pero 'wag mong sasaktan ang prinsesa natin," sabi noong chinitong pandak. What?! Naiinis ako sa mga ito. Masyado nila akong minamaliit. Dahil sa inis ay ako na ang unang sumugod. Sinusuntok ko siya pero umiiwas lang ito. Nakakainis! Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ng lalaking ito. Pero hindi ako makatingin sa mga mata niya, hindi ko alam kung bakit. At isa pa, bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa inis, basta sa iba at hindi ko alam kung ano 'yon. Nakakainis! Bakit kasi ngayon pa ako nakaramdam ng ganito? Sinalo niya ang suntok ko at saka pinaikot ako sa harap niya. Hawak ang mga kamay ko habang nakacross sa may tiyan ang mga braso ko kaya ang labas ay nakayakap siya sa akin. What the hell he's doing?!

"Kanina pa lang, alam kong talo na ako," bulong nito kaya nagtindigan ang mga balahibo sa batok ko. Shit! Nakakainis! Bakit ngayon ako nakakaramdam ng ganito? Ang bilis bilis ng tibok ng puso. Kakaiba talaga. "I think, I'm in love with you." He chuckled that gives me goosebumps. Bwisit! "I must say, it's a love at first fight." Napatigil ako pero agad ring nakabawi. Dahil sa maluwag na ang pagkakakapit niya sa kamay ko ay agad akong nakaalis at sinapak siya. It was a hard punch that make him throw on the floor. Nilapitan siya ng mga kasamahan niya pero hindi ko alam kung bakit nagtawanan pa ang mga ito na akala mo'y may nakakatawa kahit wala naman talaga.

"Let's stop this. She's already our member," seryosong sabi noong lalaking matangkad kaya naman nagpalakpakan ang mga tao.

"Let's welcome the new member of Philtrix!!!" Lumapit sa 'kin ang emcee para ibigay ang mic.

"Diamond," pagpapakilala ko sa gamit kong pangalan dito sa RAO. Lahat kami ay hindi gumagamit ng tunay na pangalan dito sa RAO. Code name lahat.

"Wow! Bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo," sabi ng emcee ng ibalik ko sa kanya ang mic. Nagpalakpakan ang buong arena.

"Welcome to the group, Princess," nakangiting bati noong chinitong pandak.

"It's Diamond, not Princess," seryoso ko pa ring sabi. They laughed at me. What's funny?

"Yeah. That's your code name but you're our Princess from now on," nakangiti nitong sagot na tinanguan nilang lahat maliban sa lalaking ito na kakaiba talaga ang mata para sa 'kin. Normal lang naman ang mata niya pero feeling ko may kakaiba talaga doon.... at itong nararamdaman ko...,. Nakakainis na! Hindi ko alam kung saan nanggagaling. "By the way, I'm Guru," pagpapakilala nitong chinitong medyo pandak. Tumango ako at nakipagkamay.

"Warri, Princess," nakangiting pagpapakilala nang chinitong kulot at kumindat pa. Napailing na lang ako. You can't use that to me.

"Ice," walang buhay na pagpapakilala nang chinitong seryoso. Lahat sila puro chinito. Mukang mayayaman sila sa labas ng RAO.

"I'm Venom, baby," nakangising sabi noong lalaking kakaiba ang mga mata. There's something on how he say the last words. It's like he say it in a sexy way. What the heck?! At bakit my baby sa huli?.

"What?!" gulat na tanong ng mga kasamahan niya pero hindi na niya ito pinansin at umalis na lang without looking at us.

Eto na. Nagawa ko na. Nakapasok ako sa grupo at magsisimula na ako sa sunod na plano. Ito na ang tunay na laban ko. Laban para sa pamilya ko.

The real battle begin.
L

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now