Tatlong araw na simula ng tumira sa bahay si Alex. Magkatabi kami sa kwarto dahil wala na rin namang ibang kwarto dito. Nagdagdag na lang kami ng bayad kay Aling Minerva na tuwang-tuwa naman. Iyong bahay naman nina Alex ay isinara na muna namin. Noong isang araw ay kinausap siya ng secretary at attorney ng mga magulang niya dahil sa kaniya lahat naiwan ng ari-arian ng parents niya. Magkakaroon pa sila ng meeting sa sunod na linggo at pinapasama na naman niya ako.
Sa loob din ng tatlong araw na iyon ay napalapit siya sa apat. Kuya na rin ang tawag niya sa mga ito. At ang apat naman ay tuwang-tuwa sa kaniya kaya lahat ng gusto niya ay binibigay. Spoiled na spoiled siya sa apat na iyon. At isa pa, napapansin ko rin ang mga titig ni Alex. Mga mapaghinalang titig niya sa aming dalawa ni Thundrixx lalo na kapag lumalapit ito sa akin o may ibinibigay. Lagi na lang nakasunod ang tingin niya sa amin. Alam kong naghihinala na siya sa kung anong meron sa amin ni Thundrixx lalo na't ang alam niya ay magkaibigan lang kami.
Tumabi siya sa pagkakaupo ko sa sofa. Nagmemeryenda kami at binigyan ako ni Thudrixx ng pagkain at dahil laging nakasunod ang tingin ni Alex sa akin ay kitang-kita niya iyon. "Sister, sigurado kang magkaibigan lang kayo ni Kuya Thundrixx?" tanong nito. Napatigil naman ako sa pagkain at napalingon sa kaniya. Naniningkit ang mga mata nitong sinusundan ng tingin si Thundrixx na seryoso ang mukang inaayos ang pinaglutuan sa kusina. Iyong tatlo naman tahimik na kumakain habang nanonood.
"Magkaibigan lang kami," sagot ko na ikinalingon niya sa akin. Lalong sumingkit ang mata niya, hindi naniniwala sa sagot ko. Tinitigan niya ako na mariin na para bang pinapaamin niya ako sa kasalanan ko sa kaniya.
"Talaga?" nang-aakusang tanong nito. Natatawa akong napailing dahil hindi talaga siya naniniwala. "Ano nga kasi?" pangungulit nito.
Lumapit ako sa tenga niya saka bumulong. "Suitor," bulong ko sa kaniya.
"Weee?" nanlalaking matang tanong niya. Hindi pa rin makapaniwala. Kanina ayaw maniwala tapos ngayon, ayaw pa ring maniwala. "Tunay?" Niyugyog pa ako nito. "Hindi boyfriend?" tanong pa nito.
"Suitor nga lang," natatawang sagot ko. Umawang ang bibig niya at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Thundrixx na papalapit sa amin. Nang maupo si Thundrixx sa tabi ko ay mabilis siyang tumakbo papalapit doon sa tatlo. Hindi ko marinig kung anong sinasabi niya doon sa tatlo pero panay ang sulyap niya dito sa pwesto namin. Nakita kong tumango-tango ang tatlo at tinawanan siya.
"Anong nangyari doon?" tanong ni Thundrixx na minamasahe ang kamay. Hilig na niya itong gawin simula ng maging suitor ko siya.
"Naghihinala na kung anong meron sa atin," sagot ko sa kaniya.
"Anong sinabi mo?"
"You're my suitor."
"Bakit parang hindi siya makapaniwala?" I just shrugged my shoulder.
Napataas ang kilay ko ng maglakad siya papalapit sa amin at tumabi kay Thundrixx kaya nadikdik ako sa gilid. Kumunot ang noo ko ng nakangiti itong kumapit sa braso ni Thundrixx. "Hi Brother," nakangiting bati niya may Thundrixx na ikinataas ng kilay ko. Anong nangyari? Simula ng makilala niya si Thundrixx ay kuya na tawag niya dito tapos ngayon ay biglang naging brother.
"Hi," nagtatakang bati ni Thudrixx.
"Okay lang ba na brother na ang tawag ko sa 'yo?" Naguguluhang tumango si Thundrixx. "Kasi 'di ba Sister ang tawag ko sa kaniya tapos manliligaw ka naman at hindi rin magtatagal ay magiging kayo kay brother na lang din ang itatawag ko sa iyo," paliwanang nito. Tumango naman si Thundrixx saka ginulo ang buhok ni Alex na tuwang-tuwa naman.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...