Chapter 56: Weirdos

3 0 0
                                    

Matapos kong tumigil doon ng ilang minuto at nang nakatulog na siya ay lumabas na rin ako para makapaglinis at makapagpalit na ako. Wala na sa salas iyong tatlo marahil ay nasa kanilang kwarto na.

Napabuntong-hininga na lang ako ng makapasok sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na ito. Muling naglandas sa isipan ko ang mga nangyayari. Ang pagtawag ni Dyon at ang ginawa naming pagbabantay sa mansion na iyon. Ang nalaman kong koneksyon ko Sandra sa may-ari ng mansion kung saan nalocate ang caller. Ang panlilinlang ni Dyon sa amin at ang nangyaring sagupaan kanina. Nakakapagod at nakakainis at the same time. Nagawa kaming linlangin at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa kapatid ko. It's kinda frustrating.

Mas lalong sumakit ang ulo ko sa madaming katanungan sa pagkatao ni Sandra Santos. Sino ka ba talaga? Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa bathroom at makapaglinis na. Pilit kong inalis muna sa utak ko ang lahat ng isipin ko kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Kahit sandali, gusto kong makalimot. Parang sasabog na ang ulo ko sa daming isipin.

Kinuha ko ang cellphone ko ng umilaw ito paglabas ko ng bathroom habang tinutuyo ang buhok ko ng puting towel. Lakhs already send me the information. I put back my phone on my bed and continue to dry my hair. After that, wearing a denim shirt shorts and oversize shirt, I left my room. Isiningit ko na lang ang laylayan ng left side ng damit ko para kita pa rin naman ang shorts ko. Ito na lang sinuot ko dahil lahat ng mahahaba kong shorts ay naiwan ko sa bahay at hindi pa rin naman ako nakakapaglaba dahil sa nangyari.

Naabutan ko sila sa sala na busy sa mga ginagawa nila. Si Ice na nakaupo sa one-seater couch while scrolling on his phone at nakangiti pa ito na akala mo'y may nakikitang maganda doon. Si Guru na nakahiga sa sofa at nagbabasa ng librong The Bully Meet the Amazona at tutok na tutok talaga siya sa pagbabasa. Si Warri naman ay nasa kitchen at doon ay nakasaksak sa tenga niya ang headphone at kung anong pinipindot sa iPod niya at mayamaya pa ay kumanta na ito. Siya lamang ang nakapansin sa akin ng pumunta ako sa kusina upang kumuha ng pagkain sa ref. Ngumiti lang siya sa akin bago nagpatuloy sa ginagawa. Napakunot ang noo ko sa kanila. Anong mga nangyari sa mga ito at masyadong busy?

Kumuha ako ng leche plan sa ref at doon na rin kumain sa kusina. Pinapanood ko lang si Warri na busy sa pagkanta. Maganda talaga ang boses niya. Si Venom ay maganda rin ang boses pero noon ko lang siya narinig kumanta at hindi na naulit pa.

"Para saan 'yan?" tanong ko kay Warri at kunot-noong napatingin sa akin. Inilayo nito ang kaliwang headphone sa tenga.

"Hah?" tanong nito.

"Para saan kako iyan?" muli kong tanong sa kaniya. Napatango-tango naman siya habang bahagyang nakabukas ang bibig.

Umiling-iling siya. "Wala naman," sagot nito Pero nararamdaman kung hindi siya nagsasabi ng totoo. I just feel it. Hindi rin naman issue sa akin kung ayaw niyang sabihin. "How's Venom?" he asked putii g down his headphone.

"He's sleeping and he's already okay. He just need to take a rest to heal his wound immediately," I answered him. He just nodded again.

"How's the missing?"

"Like what they guessed, it's a trap. Dyon and Christopher are not jbthay house and we had a fight on the people who came from that mansion and seems they are Dyon's men," I answered him. He nodded again.

He was about to talk when Guru jumped from the sofa as he answers his phone. Pati si Ice ay napatigil sa pagce-cellphone ay napatingin sa kaniya. Kunot ang noo nito habang pinapakinggan ang nagsasalita sa kabilang linya. He hissed as he end the call. He get the book that fall on floor and run to his room. Nagkatinginan naman tatlo at mga nakakunot ang noo dahil ikinilos niya.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now