"Oie, are you okay?" tanong ni Ice mula sa labas. Pinupunasan ko ang aking noo dahil sa mga tumutulong pawis. Patuloy pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko. Bumabalik sa isipan ko ang napanaginipan ko.
Ano iyon? Bakit ganoon ang panaginip ko? At sino ba ang lalaking iyon? Senyales na ba ito na malapit ko na siyang makilala? Senyales na ba ito na malapit ko nang makamit ang hustisya?
Kung ganito ang napanaginipan ko, kailangan kong mas maging maingat. Kailangan ko mas bantayan si Alex dahil posibleng mangyari iyon lalo na kung may lead na tungkol sa akin ang mga kalaban ko at kung alam nila na magkapatid kami. Hindi nila pwedeng galawin ang kambal ko. Hindi n'ya dapat maranasan ang hirap na pinagdaan ko.
"Oie, ayos ka lang ba diyan?" tanong ni Warri. Patuloy pa rin sila sa pagtawag at pagkatok sa pinto ng kwarto ko pero heto ako at kabado pa ring nakaupo sa kama.
Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang masamang panaginip na iyon. Hindi iyon mangyayari. Hindi nila alam na magkapatid kami. Umalis ako sa kama para lumabas ng kwarto. Ang apat na topless ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa mga hitsura nila. Magagaling din naman ang mga ito. Akala mo ay walang babaeng kasama sa bahay kung makaasta sila.
"Ayos ka lang ba? Narinig kasi namin na sumigaw ka," nag-aalalang sabi ni Ice. Puno ng pag-aalala ang mga muka nila. Hindi pa rin sila umaalis sa tapat ng pinto kaya hindi ako makaalis.
"Ayos lang ako. Masama lang ang panaginip ko," sagot ko sa mga ito. "Umalis nga kayo, lalabas ako," utos ko sa mga ito habang kinukumpas ang kamay ko, pinapalayo sila. Gumilid lang sila para nakaraan ako at sunod ang mga tingin nila sa akin.
Pumunta ako sa kusina para maghilamos at uminom ng tubig. Nakatapos na ako't lahat ay hindi pa rin sila umaalis sa pwesto nila kanina. Nakatingin pa rin sila sa akin habang nakatayo sa tapat ng kwarto ko. Sa hitsura nila ay mukang hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Bumuntong-hininga ako at itinigil ang pagtitimpla ko ng kape. "I'm really okay. It's just a bad dream," sabi ko sa mga ito at inirapan sila.
Hindi ba sila marunong maniwala? Tumango sina Venom at Ice saka naupo sa sofa. Iyong dalawa naman ay lumapit sa akin. "Ano naman napanaginipan mo at sumigaw ka? Nakakatakot ba?" tanong ni Warri at kinuha ang tinimpla kong kape saka ininom. Kahit kailan talaga ang lalaking ito, pasimple. Naiiling na kumuha ulit ako ng tasa para magtimpla ngunit kinuha naman iyon ni Guru at siya naman ang uminom. Inis akong bumuntong-hininga dahil sa mga pinaggagawa nila.
"Oo, masama ang panaginip ko dahil ng aswang kayo doon at sobrang nakakatakot ang mga muka ninyo," sabi ko sa mga ito na ikinalaki ng mga mata nila. "At isa pa, kanina pa kayong dalawa. Magtimpla kayo ng sarili n'yong kape," inis kong sabi sa mga ito kaya naman napaiwas sila ng tingin at Ibinalik sa akin ang tasa na wala ng laman. Tinaasan ko sila ng kilay may pilit ang mga ngiti at kumakamot sa ulo.
"Here, drink this," napalingon ako sa katabi ko. Nandito na pala ito hindi ko man lang namalayan. Inilapag niya ang tasa ng kape sa harap ko. Mabango ito mukang masarap. Tiningnan ko siya pero kinindatan niya lang ako.
We leave the apartment early. Hindi tulad ng sa panaginip ko, hindi naman nagulo ang buong apartment ng dahil sa kanila. Sabay-sabay kaming umalis. Venom gave me a red rose before we leave. The three teased us because what he did. I find it sweet of him giving me this flower. Gusto niya rin akong ihatid sa school but I rejected him. Ayoko dahil baka pagchismisan pa ako kapag nakita nila siya. Hindi pa naman mawala-wala ang mga tsismosa sa school na kahit simpleng bagay ay pinagtsitsismisan nila.
Makarating na ako sa labas ng school. Nasa labas pa lang ako ay kita ko na agad ang mga estudyanteng araw-araw na lang ay laging may hinihintay. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga pinaggagawa nila.
Bago pa ako tuluyang makapasok ay may tumawag sa akin. "Miss Diamond!" Agad akong napalingon sa kung sino lang tumawag. Si Mr. Zutarasm, ang founder ng RAO ay nasa harap mismo ng school namin kasama ang kaniyang mga alagad. Nakatingin siya sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa likod. Sa tabi naman niya ay ang kaniyang mga alagad.
Napalingon ako sa paligid ko. Walang ibang malapit sa amin kaya sigurado akong tinatawag niya ako. Pero bakit? Lumapit ako saka bumati. "Magandang araw po."
"Anong oras ang uwian n'yo?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko. Ako't nagtataka sa kaniya. Bakit naman niya itatanong kung anong oras ako umuuwi?
Kahit naguluhan sa kaniya ay sumagot pa rin ako. "4:00 pm." Tumango ito sa sagot ko.
"Meet me at RAO after your class," sabi nito. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Bakit kikitain ko siya? "We'll talk about something." Tumango na lang ako dahil malapit na akong malate. Nagpaalam na ako at umalis na rin.
Lutang ako habang nagtuturo ay prof namin sa unang subject. Gumugulo sa utak ko kung bakit kami magkikita ng founder. Sa pagkakaalam ko ay wala pa naman kaming mission at kung meron man ay sina Ice ang magsasabi sa akin. Hindi ko talaga maisip kung anong pwedeng maging dahilan ng pakikipagkita sa akin ng founder. O baka naman........ Agad akong napaayos ng upo dahil sa naisip. Maaaring iyon ng ang dahilan. Ang kwintas na iyon at kung bakit kilala niya si Lola.
"Sister, kanina ka pa tulala." Nabalik ako sa reyalidad ng kausapin ako ni Alex. Pagkakita ko pa lamang sa kaniyang muka ay naalala ko na agad iyong napanaginipan ko kagabi. Hindi mangyayari iyon. Naruto ako para lagi siyang protektahan. Walang pwedeng manakit sa kambal ko. Yeah. The DNA results is positive. He's really my twin. He's my Iou.
"Ayos ka lang ba?" naitanong ko sa kaniya. Mukang naguluhan ito sa random question ko.
"Ayos lang naman ako. Mukang ikaw ang hindi ayos dahil kanina ka pa tulala," sabi nito.
"Yeah. You're too preoccupied," singit ni Sandra. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakakunot ang noo ko ng makita ang ayos niya. Noon naman ay mag-aayos siya but now is a little different. She put more effort on herself. She has some clips and she also has blush on and liptint. May pinapagandahan ba ito. Nakumpirma ko lang ang iniisip ko ng dahan-dahan niyang isiningit sa tenga ang buhok niya at bahagyang sumulyap kay Alex na nahuli ko ring sumulyap kay Sandra. Anong meron sa dalawang ito?
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
De TodoOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...