Habang naglalakad sa hallway ng RAO ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong na kung bakit gusto akong i-meet ng founder. Huli kaming nagkausap ay noong ipinakilala nila ako. That's the time when he ask about my necklace and he knows my grandmother. Paano niya ang Lola ko?
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Pinagbuksan ako ng isang lalaki na siyang kasama rin kanina ni Mr. Zutarasm. Nakaupo sa kaniyang upuan si Mr. Zutarasm at initinuro nito ang upuan na nasa harap ng mesa niya saka sinenyasan akong umupo. Lumabas din naman ang lalaki para makapag-usap kaming dalawa.
"Bakit mo po ako pinapunta dito?" tanong ko. Gusto ko ng malaman ang sagot dahil kanina pa ako nag-iisip.
"Gusto kitang makausap tungkol sa kwintas," sabi nito. Agad naman akong napahawak sa kwintas ko. Ano bang meron sa kwintas na ito? Interesado ba siya sa kwintas ko? Alam kong maganda ang kwintas na ito at hindi biro ang halaga, but if ever he wants it, I will not give to him. It's from my grandmother.
"Ano po bang meron sa kwintas na ito?" curious na tanong ko.
"Maaari ko bang mahawakan?" Kahit naguluhan ay iniabot ko sa kaniya ang kwintas. Hindi naman niya siguro itatakas, 'no? Marami naman siyang pera para bumili ng mas mahal pa dito.
Titig na titig siya dito ng mahawakan niya ito. Hinaplos niya ito na para bang isang bagay na matagal na niyang hindi nakikita. Ramdam ko ang emosyon niya. Kung noon ay nakaramdam pa ako ng kaseryosohan sa kaniya, ngayon ay para siyang amang muling nakita ang anak na matagal ng nawalay sa kaniya. Sobrang emosyon ang ibinibigay niya ngayon.
"Kilala mo ba ang may-ari nito?" tanong nito at nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti ito ng bahagya na ikinagulat ko. Simula ng una ko siyang makita ay lagi na siyang seryoso. Kaya nagulat ako ng ngumiti siya. At isa pa, may may kahawig siya kapag nakangiti, hindi ko lang matukoy kung sino.
"Ang Lola ko po," sagot ko.
"Is she Amilda Grayson?" tanong nito na nakatingin pa rin sa kwintas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Paano niya nakilala ang Lola ko?
"Paano mo nakilala ang Lola ko?" nagtatakang tanong ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kwintas at sa kaniya na nakatitig pa rin sa kwintas.
Hindi ko maintindihan. Paano niya nakilala si Lola? Magkaibigan ba sila noon? May koneksyon ba sila? Noong una pa lang ay iba na ang lukso ng dugo ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Two years old pa lang ako ng mamatay siya. Hindi ko na siya gaanong matandaan pero dahil sa mga kwento ni Mommy ay para bang nakasama ko na siya ng matagal. Marami rin kaming pictures na siyang lagi kong tinitingnan ko noon.
Si Mommy ay nag-iisang anak ni Lola at sa kaniya ipinamana ni Lola ang kwintas. Kwento ni Mommy, sabi daw ni Lola ay galing ang kwintas na iyon sa isang espesyal na tao. Isa daw iyong regalo mula sa isang taong mahalaga para may Lola. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit kilala niya si Lola at parang may alam siya tungkol sa kwintas. Maaaring siya kaya iyong espesyal na tao na tinutukoy ni Lola. Siya kaya iyong mahalagang taong iyon? Kaya niya ba kilala si Lola? May malaki kaya siyang koneksyon sa buhay ko?
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Madali ko naman maintindihan ang mga bagay bagay ngunit sa pagkakataong ito ay para bang hirap akong intindihin ang nangyaring ito. There's a lot of question running in my mind. There's a lot of conclusion forming in my head. Gusto kong malinawan sa lahat. At sa tingin ko, ang taong ito lang ang tanging makakapaglinaw ng lahat.
"How did you know my Grandmother?" pag-uulit ko ng tanong. Bakas na bakas sa muka ko ang kagustuhang malinawan sa lahat. Huminga ito ng malalim at tumingin sa akin na hindi pa rin magawang bitawan ang kwintas.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...