Chapter 26: Mr. Customer

3 2 0
                                    

"Oie, nariyan ka pala. Kamusta ka naman?" nakangiting tanong ni Aling Minerva pagka-uwi ko sa apartment. "Hindi ka pala umuwi kagabi. Tapos kanina din. Nagpunta ako diyan para sana ibigay sa iyo iyong pansit na luto ko. Birthday kasi kahapon ni Mikay, naghanda ako kahit kaunti," dagdag pa nito. Tumango na lang ako.

"Salamat po. Pakisabi na lang kay Mikay, happy birthday," sabi ko na lang habang seryoso pa rin ang muka. Muli akong tumango at pumasok na sa apartment ko.

Ipinatong ko sa sofa ang aking bag. Hinubad ko ang aking jacket, natira ang sando kong itim bilang suot ko. Nagtungo ako sa kusina para magluto kung may maluluto man ako. Ginutom ako kanina dahil sa babaeng iyon.

I open the cabinet near the sink where I put my instant noodles but I found nothing. Ubos na pala ang mga naka-imbak ko dito. I need to go to grocery store to buy some stocks.

I put my jacket again and lock my apartment. Sa labas na lang ako kakain, then tomorrow, I'll go to grocery store.

"Isang kanin at adobo nga po," sabi ko sa tindera. Sa isang karinderya ako kumain. I used to eat here. The food is delicious.

Matapos kumain ay bumalik na ako sa apartment ko. I take half bath and do my homework. I have classes tomorrow then after that, I have my part time job in Jollibee. One month na ang nakakalipas simula noong nagpunta ang Philtrix sa pinagtatrabahuhan ko at hindi pa naman sila muling napapadpad doon. Mas mabuti na iyon.

"Sister!!!!" agad kong tinakpan ang tenga ko. Nagsisimula na naman ang lalaking ito. Nakakarindi talaga ang boses niya. "Good morning Sister. Sana maging maganda ang araw mo. At sigurado naman akong magiging maganda ang araw mo dahil nandito ang cute na si ako," ngiting-ngiting sabi nito habang nakalagay ang dalawang palad sa pisngi. Magiging maganda ang araw ko? O baka magiging marindi ang araw ko dahil sa walang tigil na bunganga niya. Saan ba siya pinaglihi at ganiyan siya ka-ingay?

"Hi! I'm Sandra and I'm back," sabi ng katabi ko. Nakabalik na pala siya. At ngayong nakabalik na siya, nadagdagan na ulit ang manggugulo sa akin sa araw-araw. Well, sila naman talaga ang original na nanggugulo sa akin.

"Hi Sandra. It's nice too see you again," nakangiting sabi ni Alex at gumawa na sila ng sarili nilang mundo. Napaka-ingay nila sa tabi ko. Akala mo isang taong hindi nagkita at kung ano-ano ang pinag-uusapan. Nakakarindi sila. Nasa tabi ko pa naman.

"Can you both lower your voice?" tanong ko sa kanila. Naririndi talaga kasi ako. Tumingin naman sila sa akin at agad nagbulungan. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Bagay na bagay nga sila. Parehong-pareho ang ugali.

Mayamaya naman ay naiinis akong napalingon sa kanila. Parang may bubuyog sa tabi ko na bulong ng bulong. Iyong totoo, are this two crazy? Can't they understand that they are too noisy? Can't they hear themselves? My goodness! This two really know how to annoy me.

Lumipas ang pang-umagang klase namin na panay ang kublit ng dalawa sa akin. Talagang pinagkakaisahan nila akong dalawa. Even I glared at them, they just looked away then a few minutes after, they will do that again. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa baka marinig ako ng prof namin na sobrang strict that even small noise you made will have a punishment. And this two take that chance to annoy me because they know I can't do anything, just glaring at them.

"Sister, anong kakainin mo for lunch?" tanong ni Alex ng makarating kami sa cafeteria. Nakasunod pa rin sila sa akin. Hindi nila ako tinigilan kanina at hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sila sa akin. Kahit naman anong gawin ko, they never leave me. And it really scaring me out, I'm being attached to them and I don't know what will I do if I can't feel their presence anymore.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now