Chapter 12: Fight

6 3 0
                                    

I put a small hat with a net covering half of my face and went out of the car. Sabay-sabay kaming pumasok sa venue ng party na ginanap mismo sa mansion ni Mrs. Ferry. Maganda ang venue, pangmayaman talaga. Alam ko na ang mga gawain sa ganitong mga party dahil mahilig rin akong isama ni Dad and Mom noon. Naghiwa-hiwalay lang kami ng makarating na sa mismong garden ni Mrs. Ferry.

"Dito kami ni Warri malapit kay Mrs. Ferry," sabi ni Guru sa earpiece namin. Tumango naman ako at naupo malapit sa may entrance. Marami ang um-attend at alam mong may sinasabi sila sa buhay. Sa dami ng mga taong ito, parang may hirap hanapin kung sino ba ang may masamang balak.

"Obserbahan n'yo ang mga tao at kapag may kahinahinala ay gawan n'yo na agad ng paraan," sabi naman ni Venom na nakita kong naupo malapit sa may swimming pool paharap sa akin. Kumuha ako ng juice mula sa isang waiter na may dala-dalang mga inumin. Uminom ako habang iginagala ang mata ko sa paligid. As for now, wala pa namang mga kahina-hinala. Masaya silang lahat sa party. Si Mrs. Ferry ay masayang nakikihalubilo sa ibang socialites.

Paglingon ko sa kabilang banda ng garden ay isang anino ang nahagip ng aking mata. Nagderitso ito sa likod ng mansion kaya naman agad akong tumayo upang sundan ito.

Bago pa ako makaalis ay nagsalita si Venom. "Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Backyard," seryosong sagot ko at deritso ng naglakad. Alam kung nakasunod ng tingin sa akin si Venom. Kanina ko pa napapansin na nakatingin siya sa akin. Ang alam ko ay naghahanap kami ng kalaban kaya hindi siya dapat sa akin tumitingin dahil hindi ako ang kalaban.

O baka naman may iba siyang dahilan kung bakit siya tumitingin sa akin?

Tsk! Magtigil ka nga Oie. Trabaho ang unahin mo ngayon hindi 'yang kakaisip sa lalaking iyan. Napakalaking sagabal talaga ng lalaking iyon. Lagi na lang sumulpot sa isipan ko.

"Where's the comfort room?" I ask the waiter at itinuro naman nito iyon. Pumasok ako sa loob ng bahay pero papunta ako sa kusina. Walang tao sa loob ng mansion dahil lahat ay nasa garden. Maging ang katulong ay wala din dito dahil nag-aasikaso sila ng mga pagkain para sa mga bisita.

Deritso ako ng kusina at hinanap ang daan papunta sa likod ng mansion. Kadalasan kasi ay nasa may kusina ang daan papunta sa likod ng mga mansion at hindi nga ako nagkamali dahil doon nga ang daan papunta sa likod ng mansion. Hindi muna ako lumabas at bahagyang sumilip. Hindi madilim dahil may ilaw naman. May mga nakaitim na nakatago sa madilim na parte. Sa kwenta ko ay nasa lima sila. Isang nasa likod ng puno at isang nasa taas ng puno. May dalawa nasa halamanan at ang isa ay nakatago sa madilim na parte sa gilid ng pader.

"May lima dito sa likod ng mansion," sabi ko habang nakahawak sa earpiece ko. Nag-iisip ako kung paano ko mapapatumba ang mga lalaking ito.

"Nandito ako sa kabilang side ng mansion at may tatlo dito," sagot naman ni Venom. Madami-dami rin pala ang mga ito.

"Tapusin ninyo na sila at kami na ang bahala sa mga nandito sa mismong party. Alam na namin kung sino sila," sagot ni Guru na tinanguan ko kahit hindi nila kita. Kinuha ko ang isang panyo na may gamot na nakatali sa legs ko. Halos dalawang oras na makakatulog ang taong maka-amoy nito. Hinanap ko ang switch ng ilaw sa likod at saka pinatay. Dinig ko ang mahinang mura nila sa pagkagulat ng mamatay ng ilaw. Agad akong lumabas at nagtago sa likod ng isang halaman.

Kita ko ang paggalaw nila dahil sa liwanag ng buwan. Nanatili naman ako doon habang pinagmamasdan silang gumalaw. Sa isang mabilis na galaw ay agad akong nakalapit sa likod ng lalaking nasa madilim na parte ng likod ng mansion. Inipit ko sa aking braso ang leeg niya saka inilagay sa bibig nito ang panyo. Medyo matagal bago siya nawalan ng malay. Pinaupo ko ito sa gilid na hindi agad makikita ng mga kasamahan nito.

Sunod ko namang pinuntirya ang lalaking nasa taas ng puno. Umalis na ang lalaking nasa likod ng puno kaya doon ako pumwesto. Umakyat ako sa puno ng hindi niya nararamdaman. Hinawakan ko siya leeg at pinaamoy rin sa panyo. Agad naman itong nawalan ng malay kaya pinansandal ko na lang sa malaking sanga ng puno. Mabilis at tahimik akong nakababa sa puno at nagtago muna saglit para magmasid sa paligid.

Nang walang ibang taong napupunta dito sa likod ng mansion ay agad akong lumapit sa likod ng lalaking nagtatago sa likod ng mataas na halaman. Kagaya ng mga nauna ay pinaamoy ko rin sa kaniya ang panyo. Nang mawalan ng malay ay pinahiga ko ito sa lupa pero pagtayo ko ay naramdaman ko ang malamig na kustilyo sa dalawang tagiliran ko. Napataas naman ako ng kamay at kinuha nila sa akin ang panyo. Hindi pa rin nila inaalis ang kutsilyo sa harap ko kaya bigla akong umabante at sinipa ang kutsilyong hawak ng isang lalaki pagkaharap ko dito. Nagulat naman sila pero agad ding nakabawi at sumugod sa akin. Mabuti na lang at hindi mabigat itong suot ko at isa pa ay madali akong nakakagalaw sa suot kong ito.

Sumugod ng saksak ang isang lalaki na agad kong iniwasan at sinipa siya sa likod kaya sumubsob. Sisipain na sana ako ng isa pang lalaki ng pero hinila ko ang binti nito at malakas na pinaikot kaya kasamang umikot ang katawan niya at humampas siya sa lupa. Sumugod namang muli ang lalaking may hawak na kutsilyo na agad ko ring naiwasan. Pero bago pa ito muling makasugod sa akin ay nawalan na ito ng malay. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang nakangising si Venom. Tsk! Pakialamanin. Bakit ba nagpunta pa siya dito? Kaya ko naman iyon kahit wala siya. Napabuntong-hininga na lang ako at inayos ang damit ko.

"Are you okay?" tanong nito ng makalapit sa akin. Tumingin ako sa mata niya pero agad ding napaiwas. Tsk! Kakaiba talaga ang mga mata nito. Hindi ko na siya sinagot at pumasok ng muli sa loob ng mansion. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin. Agad akong napatago dahil may dumaan na katulong. Nasa likod ko si Venom kaya napaatras din siya. Nang makalayo ito ay agad akong lumingon dahil ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Mabilis akong napaatras ng paglingon ko ay sobrang lapit na ng muka namin ni Venom. Inirapan ko siyang muli at nagderitso na palabas. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok nito.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now