Chapter 52: Revenge vs. Love

2 0 0
                                    

Who the hell are you? The father of the grandfather?

Halos madurog ko na ang phone dahil sa pagkakadiin ko ng pindutin ang send button. Nanginginig na ako sa galit. Gusto kong manapak ngayon. Kung may makakasalubong lang ako ngayon ay baka masapak ko na sa sobrang galit.

Who the fuck is him? Nakakainis!

Dahil walang masakyan ay tinakbo ko na lang mula doon hanggang sa RAO. Malapit na rin naman. Kahit hinihingal na ay hindi ako tumigil sa pagtakbo. Nasa na ang damit ko sa pawis pero wala akong pakialam. Nasa labas na ako ng RAO ng tumunog ang phone ko. One message received.

Agad ko itong binuksan ng manggaling sa kidnapper ang message.

Hahahaha. You're confused now. I will not tell it. It's for you to find out. Hahaha. By the way, I call you in coming days. Be aware. Hahahahaha.

Kahit sa text lang ay dinig na dinig ko ang halakhak niya. Alam kong pinaglalaruan niya lang kami. Inis kong isinilid sa bulsa ang phone at tumatakbong pumasok sa loob deritso sa gym. Gusto kong ilabas lahat galit ko, lahat ng mga isipin ko. Lahat-lahat.

Hinubad ko ang jacket at basta na lang itinapon. Ibinaba ko naman sa bench ang phone ko. Lumapit ako sa punching bag. Paulit-ulit ko itong sinuntok, sinipa. Bawat suntok at sipa ko, iniisip ko ang mga taong dahilan kung bakit miserable ang buhay ko. Iniisip ko na sila ang punching bag na ito. Walang tigil ako sa pagsuntok. Ngunit sa sandaling pumasok sa isip ko ang muka ni Thundrixx (Venom), naiwan sa ere ang kamao ko. Hindi ko mailapat sa punching bag ang mga kamay ko na para bang si Thundrixx iyon at hindi ko siya kayang saktan.

I shouted for so much frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Litong-lito na ako sa lahat-lahat. Nasabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang frustration. Nagpapadyak na ako na parang bata. At this moment, I sunddenly missed a hug of parents. I suddenly miss my parents. I suddenly miss what they do everytime I'm frustrated because I can't get my lesson or I can't solve my puzzle. I miss them.

Yakap ang mga tuhod ay umiyak ako sa loob ng gym. Wala namang makakakita. Sound proof naman itong kwarto kaya okay lang kung umiyak ako. Walang makakaalam na sobrang hina ko ngayon.

Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko dahil iyong taong minsan ko ng napaglabasan ng sama ng loob ay isa na sa taong pinoproblema ko ngayon. Bakit sobrang unfair ng buhay sa akin ngayon? Bakit sobrang hirap maging masaya?

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!

Pinuno ng sigaw ko ang buong room. Inalis ko sa isip si Thundrixx at muling pinagsusuntok at pinagsisipa ang punching bag. Inilabas ko lahat ang frustration ko sa punching bag halos masira na dahil sa paulit-ulit na pagsipa at pagsuntok ko dito. Natigil lamang ako ng tumunog ang phone ko. Someone is calling. Walang gana ko itong nilapitan. Napabuntong-hininga ako ng makitang si Thundrixx ang tumatawag. Napaupo ako at nagdadalawang-isip kung sasagutin ba iyon o hindi. Sa sandaling pagtatalo ng isip at puso ko, nanalo ang puso kaya naman sinagot ko ang tawag niya. Hindi ako nagsalita ng sagutin ang tawag.

"Hello, where are you? Gabi na pero hindi ka pa bumabalik," sabi nito. Dinig ang pag-aalala sa boses niya pero hindi ko magawang paniwalaan iyon. Agad sumasagi sa isip ko ang lalaking pumatay sa parents ko. Agad kong naisip ang nakatalikod niyang pigura at napagtantong kahaqig iyon ng taong bumarik sa parents ko pero hindi pwedeng mangyari iyon. We are on the same age kaya bata pa rin lang siya noong mga panahong iyon. Ang tatay niya kaya iyon? Magkahawig sila ng tatay niya. Magkapareho man ang physical features ng tatay at lolo niya, pero mas hawig sila ng tatay niya. Hindi kaya ang tatay niya iyon?

"Tryxyn?" Nabalik ako sa katinuan ng muli siyang magsalita. Napabuntong-hininga ako at nag-isip ng isasagot.

"Nakabalik na ako," sagot ko.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now