Chapter 5: First Round

7 3 0
                                    

"Ready?" tanong ni Henry ng tawagin na lahat ng maglalaban-laban. Halos isang buwan na ng lumipas. School at bahay ni Henry ang lagi kong napupuntahan. Halos sa mansion na ako natutulog para makapag-training. Inuubos ko ang mga natitirang oras ko sa pag-e-ensayo dahil kailangan kong makapasok sa grupo. Kailangan, dahil kailangan ko sila.

Sa mga nagdaang din mga araw ay medyo lumayo sa akin si Alex, maging si Sandra ay medyo lumayo na rin. Binabati pa rin naman nila ako kapag nagkikita kami pero hindi na katulad ng dati. Hindi na nila ako kinukulit, hindi na sila tumitingin sa mga mata ko kapag nakikipag-usap sa akin. Mas mabuti na rin iyon. Namimiss ko iyong dati pero kailangan kong magpakatatag. Hindi lang ito para sa sarili ko at sa pamilya ko kundi pati na rin sa mga taong mapapalapit sa akin. Maybe someday, when all of this is already done.

Deritso ang lakad ko patungo sa boxing ring. Kanina ay in-announce na kung sino ang magkakalaban. Dalawampo ang maglalaban-laban at lahat ito ay grupo maliban sa akin. Sa unang laban na ito ay maglalaban-laban ang dalawampung grupo at kung sino ang mananalo ay aangat sa sunod na laban. Dugo at pawis ang puhunan ko dito kaya kailangan kong pagbutihan. Sa unang laban ay tatlong babae ang kalaban ko. They have a lot of tattoos and piercings. I will do my best on my best fight.

"Tulad ng sabi ko kanina, kung sino ang mananalo sa laban na ito ay makapasok sa sunod na round kaya pagbutihan ninyo. At nakalagay rin sa rules na walang kahit anong armas ang kahit na sino sa inyo. Ang tatlong pinakamataas na grupo ay hindi makikita ang laban n'yo para patas sa lahat. At ang magandang balita ay narito ang taong nasa likod ng RAO," sabi ng tagapagsalita. Inilibot ko ang paningin ko pero dahil hindi ko siya kilala, hindi ko alam kung sino sa mga ito ang taong iyon. Maraming tao, mga seryoso ngunit may iilan din namang mukang nagpupustahan. Lahat ng taong ito ay kabilang na sa RAO, pero ang nais ko ay mapasama sa kahit isa sa tatlong grupo. Iyon ang puntirya ko pero kailangan kong matalo lahat ng makakalaban ko para makaabot at makalaban sila.

"Simula na ang laban!!!" sigaw ng emcee at naghiyawan ang mga tao. Isang putok ng baril ang naging hudyat upang tuluyang magsimula ang laban.

Nakangisi ang tatlong babae sa akin habang ang isa ay ngumunguya pa ng babble gum. Hindi ko sila dapat maliitin pero tatalunin ko sila. I will fight no matter what.

Unang sumugod ang babaeng payat na may hikaw sa ilong. Umiwas ako sa suntok niya at sinuntok ang sikmura nito kaya napasubsob ito sa gilid ng ring habang hawak ang sikmura. Sunod naman ay ang babaeng blonde. Mabilis ang galaw nito kaya bilisan ko na rin ang galaw ko. Isang sipa mula sa kanya ang iniwasan ko saka hinila ang paa niya. Based on her way of fighting, I know that taekwondo is her specialty. Muli siyang sumugod ng suntok na agad ko ring iniwasan. Hinila ko ang hood ng jacket niya at pwersahang pinaikot-ikot bago ko hinambalos kaya naman nawalan ito ng malay. Nang makarecover ang isa ay ito ulit ang sumugod. Suntok at sipa na agad ko ring iniwasan. Nang mahuli ko ang kaniyang kamay ay saka ko siya ibinalibang na nakapagpawala ng malay niya. Saka lang gumalaw ang isa pang babae na siya atang lider nila. Nag-inat-inat ito bago sumugod sa akin. Isang suntok n'ya sa pisngi ko ang hindi ko naiwasan kaya napaatras ako na ikinangiti nito. Malakas siya, kasingalakas ko pero hindi ako magpapatalo. Puro iwas muna ang ang ginagawa ko sa loob ng halos limang minuto. Inaral ko ang mga kilos niya. Marunong ito sa Kung Fu kaya iyon rin ang gamitin kong panlaban. Nang makakuha ng tamang tyempo ay nagsimula ng akong gumalaw. Tatapusin ko na ito. Dahil sa pag-aaral ko sa galaw niya ay agad kong nahuli ang kaniyang kaliwang paa ng umatake ito. Isang mabilisang higit sa paa sabay siko ng malakas sa batok ay agad itong hinimatay. Hinihingal naman akong sumandal sa ring at tumingin kay Henry na naka-thumbs up sa akin na tinanguan ko lang.

"Ring 5, lady 1 wins!!" anunsyo ng emcee kaya nagpalakpakan ang mga tao. Agad kong lumabas ng ring habang inaalis ng mga tao iyong tatlong babae. Deritso ako kay Henry na agad akong inabutan ng tubig. Hindi pa tapos ang laban ng ibang grupo kaya makakapagpahinga pa ako ng kahit konting oras.

Malalakas sila. Tanging isang grupo na lang ng babae at ako ang natira at lahat ay puro lalaki na. Mas kailangan kong pagbutihan. Mas kailangan kong galingan. Sa kung saan ay naramdaman ko ang titig sa akin. Pasimple kong inilibot ang tingin ko at hinanap ang ang nakatitig sa akin. Sa katapat na upuan, sa kabila ng mga boxing ring ay isang matandang lalaki ang nahuli kong nakatitig sa akin. Umiwas ito ng nakitang nakatingin na ako. Nakabusinessman suit ang lalaki at may katabing limang lalaki na purong nakaitim. May katandaan na ito pero pansin pa rin ang tikas nito kahit na ilang metro ang layo namin. Hindi ko na lang ito muling pinansin at nagtanong na lang kay Henry.

"Nakita o nakilala mo na ba ang nasa likod ng RAO?" tanong ko dito habang nanonood ng mga naglalaban.

"Hindi pa. Kaunti lang ang nakakakilala sa kanya dito, ang tatlong grupo at ang mga kasamahan niya sa taas. Pero ang alam ko lang ay negosyante ito," sagot niya na hindi rin tumitingin sa akin. Halos lahat naman na malalaking tao sa RAO ay mga negosyante. So I have a chance to meet him if ever na mapasama ako sa grupo.

Nagpatuloy ang laban at inanunsyo na ang mga nanalo. Sunod na ang pangalawang laban. Mas malalakas na ang kalaban ko kumpara kanina. Makakapasok ako sa grupo.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now