"Sisteeeerrrrrrrr!!!!!!!"
Nakakabwisit! Kaaga-aga ay nambubulabog na naman siya. Agad akong umayos sa pagkakaupo ko. I look at him emotionless like what I always do. Pero dahil siya ay siya, hindi man lang siya tinablan. He smiles wider that almost show his gums.
"Anong muka iyan Sister? Ang aga-aga ay ganiyan agad ang muka mo?" kunot ang noong tanong nito na inilapit pa talaga ang muka sa akin kaya tinulak ko ang muka niya. Sakop na sakop ng palad ko ang muka niyang nakakabwisit. May naalaala na naman tuloy ako kaya agad kong inalis ang kamay ko. Bakit kaya walang katahinikan ang lalaking ito?
"Hehehe," tumawa lang ito at naupo na sa upuan niya na sa likod ko lang.
Nalalapit na ang underground event. Ang underground event ay isang event kung saan magkakaroon ng labanan sa loob ng boxing ring upang malaman kung sino ang mas malakas para mapunta at mapabilang sa mga grupo. Purong pisikalan ang labanang ito. Bawal gumamit ng kahit na anong armas kung hindi ay madi-disqualified. Kailangan kong paghandaan ang gabing iyon. Kailangang kong mapasama sa kahit isang grupo doon at doon magsisimula ang tunay na plano.
"Hoy! Tulala ka girl," sabi ni Sandra na nag-snap pa sa harap ko kaya nabalik ako sa sarili ko. Nakangiti ito sa akin habang inilalagay sa upuan niya ang kaniyang bag. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin sa bintana. Kukulitin na naman ako nito kaya isinaksak ko na lang sa tenga ko ang headset ko. Pareahs na parehas silang dalawa na hobby ng kausapin ako nang kausapin.
Ilang taon na akong mag-isa. Walang ibang kasama at takot mapalapit ang loob sa ibang tao. Marami ang may gustong makipag-close, makipagkaibigan pero wala akong pinapayagan, wala akong hinahayaan. Gusto ko naman talagang magkaroon ng mga kaibigan ngunit hindi pa lang talaga ttama ang panahon.
Natapos ang maghapon ko ng maayos. Maayos naman kahit nandiyan ang dalawang taong iyon na lagi na lang akong kinukulit. Bagay sila, parehong pambwisit sa araw ko. Parehong mga isipbata. Magsama silang dalawa.
Tulad ng dati ay sinisigurado ko na walang classmate o kahit schoolmate ang nakasunod o makakakita sa akin na dito ako nakatira. Agad akong pumasok sa loob ng makasigurado. Inilapag ko ang gamit ko sa sofa at nagderitso na sa kwarto para magpalit. Pagkatapos ay nagluto na ako at nag-aral. Pagkatapos mamayang gabi ay aalis ako para magtraining. Kailangan kong paghandaan ang underground event.
Pumasok ako sa malaking mansion na pag-aari ni Henry, ang kanang kamay ni Dad at katulong noon ni Dad sa pagtuturo sa akin ng martial arts. Siya rin ang tumutulong sa akin na makapasok sa Reydevouz Assassins Organization. Ang organisasyong alam kung magkakatulong sa akin. Bago pa man ako ipanganak ay siya na ang pinagkakatiwalaang tao ni Daddy kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya. Nang mawala ang parents ko ay siya ang umalalay sa akin. Siya ang tumulong sa akin sa lahat ng bagay. Kahit ngayon ay tinutulungan niya pa rin ako.
Pagpasok ko sa mansion ay deritso na ako sa training room nila dito. Lagi akong narito kaya alam ko nasaan ang lugar na iyon at alam ko rin na naroon siya ngayon.
"Nandito na ako," pagpapaalam ko ng makapasok sa training room. Tumigil naman siya sa pagsipa ng punching bag at lumapit sa table kung nasaan ang tubig niya.
"Nabasa mo na ba ang sinend ko sa iyo?" tanong nito matapos uminom ng tubig. Tumango naman ako habang inaayos ang paglalagay ng tela sa aking kamay. "Mabuti. Kailangang mong paghandaan ito. Maraming binago ang nakakataas sa mga rules ng labanan at malalakas din ang mga susubok ngayong taong ito. At kung papalarin ka ay makakalaban mo ng kahit alin sa tatlong grupo at deritso ka ng mapasama sa kanilang grupo," sabi nito na tinanguan ko lang. Nag-stretching muna ako bago pumwesto sa harap ng punching bag. Ito muna ang uunahin ko.
"Maiwan na muna kita dito. May gagawin pa ako," paalam niya na tinanguan ko lang at sinimulan ng suntukin ang punching bag.
Buong lakas ang ibinibigay ko sa bawat suntok ko. Pakiramdam ko kasi ito ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. Suntok, sipa, suntok, sipa. Iyan ang paulit-ulit na ginagawa ko sa punching bag. Matapos ang ilang minuto ay nagpahinga ako at uminom ng tubig. Sunod kong ginawa ay ang martial arts. Sipa, suntok, tumbling, sipa, suntok muli. Paulit-ulit ko iyong ginagawa ko. Lahat ng mga natutunan ko mula kay Dad at Henry ay isinasapuso ko. Inaalaala ko sa bawat pagsipa at pagsuntok ko. Sa bawat nakakalaban ko ay buong lakas ang ibinibigay ko.
Taekwondo, Arnis, Kung Fu, paggamit ng Armas, lahat ng iyan ay sinimulan kong pag-aralan. Tinuruan ako ni Dad dahil ang sabi niya ay kailangan kong matutunang protektahan ang sarili ko lalo na kung wala sila. At sa tingin ko, ngayon ko magagamit lahat-lahat ng natutunan ko mula sa kaniya at kay Henry.
Hindi ko bibiguin si Dad sa pangako ko sa kaniya noong araw na iyon. Hindi ko pababayain ang sarili ko at hahanapin ko ang mga taong gumawa sa kanila noon at pagbabayarin ko silang lahat. Hindi nila pwedeng takasan ang kahayupang ginawa nila.
"Yahhhhhhhhh!!!!!!"
Sinugod ko ang punching bag saka pinagsusuntok at pinagsisipa na para ba itong isang kaaway. Papatayin kong silang lahat at wala akong ititira kahit na isa sa kanila. Hindi na dadami pa ang lahi nila.
I will kill all of you, bastards!!
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
RandomOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...