Chapter 19: Meet the Parents

4 2 0
                                    

Pagkatapos ng trabaho ko ay sumakay na ako ng tricycle papunta sa village nina Alex. Madali rin naman akong nakarating at naglakad na lang papasok sa village. Magaganda ang bahay dito at malalaki rin. Agad akong nagdoor bell ng makarating sa tapat ng mansion nila. Pinagbuksan naman ako ng katulong na madalas kong nakikita kapag pumupunta dito.

"Hinihintay ka po nila sa sala," sabi nito ng pagbuksan ako ng gate. Tumango naman ako at pumasok na. Tulad ng dati ay napakatahimik pa rin ng bahay nila. Nadatnan ko sila sa sala na nakaupo sa sofa. Si Alex ang unang nakapansin sa akin kaya tumayo ito at sinalubong ako.

"Hi Sister," nakangiting bati nito.

"Hi," simpleng bati ko sa kaniya na seryoso pa rin ang muka. Napatingin sa amin ang parents niya kaya inaya na akong lumapit sa kanila.

"Mom, Dad, she's Oie, my friend," pagpapakilala niya sa akin. Nagbow ako at nakipagshake hands.

"Magandang araw po," bati ko sa seryosong muka.

"Magandang araw din naman hija." Kung ako ay seryoso, si Mrs. Mysen naman ay todo ang ngiti. Maganda siya kahit may katandaan na. Matangkad din at muka namang mabait.

"Hahaha. Pasensya na kayo Mom, Dad, hindi talaga siya marunong ngumiti. Bilyon ang halaga ng ngiti niyan," tumatawang sabi ni Alex. Natawa rin naman sina Mr. and Mrs. Mysen pero seryoso pa rin akong nakatingin sa kanila.

"By the way hija, anong last name mo?" tanong ni Mr. Mysen. Matangkad at moreno. Makisig kahit na halata na ang katandaan nito.

"Santos po." Tumango-tango naman ito.

"So, kamusta naman itong si Alex sa school?" tanong ni Mrs. Mysen.

"Ayos lang naman po. Makulit po pero hindi naman nagpapahuli sa klase," sagot ko. Makulit naman talaga siya pero nakikipagsabayan rin naman sa school. Sa katunayan ay top 2 siya last quarter.

"Ay talaga lang. Napakakulit talaga niyan. Kung umasta ay kala mo laging bata," Mrs. Mysen.

"Mom naman," parang bata nitong sabi sa ina. "Huwag mo naman akong ibuking," sabi nito na ikinatawa ng mag-asawa. Natawa rin naman ako pero pinanatili ko na lang ito sa aking isipan. Masaya sila kahit na hindi sila madalas magkasama. Masaya talaga kapag may pamilya ka. 'Yong tipong kahit minsan lang kayong magkita at magkasama pero alam ninyong nandiyan kayo para sa isa't isa.

"Oh sige, maiwan na namin kayo para makagawa na kayo ng project," paalam ni Mrs. Mysen. "Padadalhan ko kayo ng merienda." Umalis na sila at naiwan na kaming dalawa dito ni Alex.

"Pagpasensyahan mo na sila Mom at Dad," nakangiting sabi nito sa akin. Tumango naman ako at inilabas na ang laptop ko.

"Ayos lang, nakakatuwa nga sila," sagot ko pero hindi naman ngumingiti.

"Sure kang natutuwa ka? Hindi ka nga man lang ngumiti eh," pagbibiro nito. Nagchuckle na lang ako at napailing.

Nagdala nga ng pagkain ang katulong gaya ng sabi ni Mrs. Mysen. Sinimulan na namin ang paggawa ng project dahil kaunti lang ang oras namin kasi baka gabihin ako ng todo. Makalipas ang halos isang oras ay nakatapos na rin kami.

"Hayysss. Natapos na rin sa wakas," masayang sabi ni Alex at nag-inat inat. Nag-inat na rin ako dahil sumakit ang likod ko. Ang tagal ko rin kasing naupo. "Tapos na natin ito kaya makakapagpahinga pa tayo bago ang presentation." Inayos ko naman ang gamit ko at sinilid sa bag.

"Kumain ka na muna Sister bago ka umuwi," alok ni Alex na tinanggap ko naman. "Gusto mo bang ihatid na kita?"

"Hindi na. Okay lang naman," tanggi ko. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa.

"Pano 'yan? Tapos na nating gawin ito, hindi ka na pupunta dito," malungkot nitong sabi kaya napatigil ako sa pagkain. Kita mo talaga ang lungkot sa muka n'ya.

"Magkikita pa rin naman tayo sa school. At isa pa, pupunta pa ako dito bago ang mismong presentation para aralin natin ang report natin," sagot ko sa kanya kaya umaliwalas ang muka n'ya.

"Yes! Pupunta ka ulit dito. Kapag nagpunta ka ulit dito ay magpapaluto ako ng madami. Hahaha."

"Bakit naman?"

"Wala lang, gusto ko lang. Hahaha. Tsaka  para makasabay ulit kitang kumain," nakangiting sagot nito. Natigilan na naman ako.

"Ilang beses naman na tayong nagkasabay sa pagkain, 'di ba?"

"Oo nga. Pero minsan lang naman mangyari iyon kaya pagpunta mo ulit dito, kakain tayo ng madami kaya ihanda mo na ang tiyan mo sa araw na iyon."

"Sige, aalis na ako," paalam ko. Sabay na kaming tumayo. Sakto naman na bumababa sina Mr. and Mrs. Mysen kaya nakapagpaalam ako.

"Aalis na po ako," paalam ko.

"Sige, mag-iingat ka. Ihahatid ka ba ni Alex?" tanong ni Mrs. Mysen.

"Hindi na po. Kaya ko na pong umuwi mag-isa," sagot ko. Kaya ko naman.

"Sigurado ka?" Mr. Mysen. Tumango naman ako kaya inihatid na lang nila ako sa gate.

"Mag-iingat ka Oie. Balik ka ulit dito," nakangiting sabi ni Mrs. Mysen. Tumango naman ako.

"Maraming salamat po," sabi ko at kumaway sa kanila. Kumaway rin sila pabalik kaya naglakad na ako paalis.

Panibagong tao na naman ang nakilala ko. Panigarudong mapapalapit sila sa akin dahil kay Alex.

Malalim na rin ang gabi kaya inaantok na rin ako. Nang makalabas sa vilage ay sumakay agad ako sa dumaang taxi. Another day had passed. I hope tomorrow will be a better day.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now