Chapter 8: Partner

4 3 0
                                    

"Magkita tayo bukas sa third floor. Room 1, after ng klase," sabi ni Guru na tinanguan ko lang at umalis na rin. Dumeritso ako kay Henry na niyakap ako pagkalapit ko. Hindi ko maiitatanggi na naging ama siya sa akin ng mawala sina Dad pero kahit sa kaniya ay ayaw kong mapalapit ng todo.

Maaga akong nagising kinabukasan. Halata pa ang ibang pasa ko sa katawan. Maging ang ang sugat sa labi ko. Nagsuot ako ng jacket para hindi makita ang mga pasa ko sa braso. Hindi naman masakit dahil ginamot ko na kagabi kailangan ko lang talagang magpahinga pero papasok pa rin ako sa school. Eto ang hindi ko pwedeng ipagpaliban. Nilagyan ko na lang ng Band-Aid para hindi ma-infection. I feel heavy but I still need to go to school

Bulungan ang narinig ko pagkapasok pa lang sa school dahil sa pasa ko sa pisngi at sugat sa may labi. Hindi ko na lang sila pinansin at deritso na sa room. Mga walang magawa kundi magbulungan kahit kaaga-aga. Tsk! Gulat na gulat ang mga kaklase ko pagkapasok ko pero wala akong pakialam. Isipin nila ang gusto nilang isipin,wala akong paki. Why do they always care about others life? They always gossip about other people.

"S-sister," nag-aalalang tawag sa akin ni Alex. Nag-aalinlangan siya kung hahawakan ba ako o ano. Halatang-halata sa kaniya ang pag-aalala. Maybe Iou would react the same if he's here. Tsk! "Ayos ka lang ba?" Tumingin ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin kaya napabuntong-hininga ako.

"Ayos lang ako," sagot ko ng hindi nakatingin. Binalik ito sa upuan at hindi na ako pinansin. Nakaramdam ako ng konting pangungulila. Hindi man lang n'ya ba ako tatanungin kong bakit ako may ganito? Tsk! Mas mabuti na iyong ganito, hindi ba? Lumalayo s'ya kaya hindi siya mapapahamak. 'Wag kang makalimot Oie. 'Wag na 'wag.

Maghapon akong hindi pinansin ni Alex pero ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. Parang binabantayan niya ang galaw ko. Para handa siya kung kailangan ko ng tulong that will not happen. I don't need his help. Hindi ko na lang siya pinapansin para hindi siya magkaroon ng dahilan para lapitan ako at muling kulitin.

"Okay class, you will have your project for my subject. This will be by partner and I will choose your partner." Ang galing din naman. Sana nga lang ay hindi sa dalawang tao na ito ang makapartner ko. Nagsimula ng magbigay ng partner si Miss. Ayos lang sa akin kung sino ang makapartner ko pero..... Haysssss..

"Sandra and Tylor." Isa na lang, I hope he's not.

"Alex and........... Alex and Oie." Shemay! Kung sinuswerte ka nga naman. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kaniya na saktong nakatingin din sa akin kaya napayuko ito. Okay lang. Okay lang. It's really okay. It's just a project.

"The deadline will be next month. So kahit next month pa, gawin ninyo na ngayon pa lang because I want an amazing work." Kanya-kanya na silang lapit sa mga partner nila pero hindi kami kumikibo. I didn't bother to move in my chair and he is too.

"Ahmm... Sa bahay na lang tayo gumawa," nahihiya niyang suggestion. Okay. One month lang naman pero sisiguraduhin kong walang pang one month ay tapos na ang project namin. Tumango ako sa kaniya. Hindi naman ako papayag na sa apartment ko kami gagawa.

"Bukas na lang tayo magsimula, may kailangan akong gawin mamaya," sabi ko.

"Okay."

Matapos ang maghapon ay deritso na ako sa RAO. 3rd floor, room 1. May sariling room ang bawat grupo. Room 1 sila dahil sila ang unang grupo. Mula ngayon, makakasama ko na sila ng madalas lalo na kung may mission kami. Nagkakaroon ng mission ang bawat narito para kumita ng pera. Kung may mga mayayamang nangangailangan ng tulong, tinanggap namin. They're accepting cases in exchange of money. Para sa iba, masama ang ginagawa namin. Masama naman talaga dahil illegal pero hindi naman sila pumapatay ng walang dahilan. As much as possible, hindi sila kumikitil ng buhay dahil iyon ang patakaran ng RAO. Kung buhay na namin o ng mga kasamahan ang nakasalalay, doon pa lang pwedeng pumatay. Kung may nahuli kaming tao, hinahayaan nmain ito sa police. We're on the authority's side, pero hindi nga lang batas ang pinapairal namin dahil inilalagay namin sa aming mga kamay ang batas.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now