Chapter 55: Gunshots

1 0 0
                                    

Kung saan-saan napupunta ang utak ko habang nakatingin sa mansion na binabantayan na siyang bahay rin pala ni Sandra. What if she's not innocent? What if she just approach us because since day one, she knows this plan? Makakaya ko bang makita ang kapatid ko na masaktan kapag nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Sandra? Kung sa akin ay ayos lang, madali lang sa akin na saktan siya pero magagawa ko ba siyang saktan kung kapalit naman niyon ay ang sakit at pighati sa mga mata ng kapatid ko? Magagawa ko ba?

Hindi. Hindi ko magagawa. Pero sana lang talaga mali ang mga naiisip ko Sandra. Sana mali ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkaharap na tayong tatlo. How can I point a gun to the person that my brother loves?

"Palabas na sila pero wala si Mr. Dyon kahit ang tatay nito na si Mr. Christopher," dinig kong sabi ni Simon sa earpiece namin. Agad kaming naalerto. Nagsisakayan na ang iba sa van at ang driver namin ay nakahanda na rin sa pagpapaandar ng sasakyan.

"David, with your team, maiwan kayo at halughugin ang buong mansion," sabi ni Sandro at magsimulamg paandarin ang sasakyan dahil lumabas na ang mga sasakyan mula sa mansion. Dalawang kotse at isang van ang magkakasunod na lumabas ngunti wala doon sina Dyon at Christopher. Isa lang ba itong patibong? Napakatalino naman niya kung gano'n. "Follow them," utos ni Sandro.

Kabadong-kabado ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil alam kong hindi ito makakatulong sa amin. Normal lang ang takbo ng sasakyan habang nakasunod sa tatlong sasakyan na umalis mula sa mansion. Malayo-layo na rin ang nagbabagtas naming daan ngunit hindi pa rin humihinto ang sinusundan naming sasakyan.

"Negative. Wala dito si Alex maging sina Dyon at Christopher. Tanging sina Maina Dalvi, ang may-ari ng bahay. Brian Dalvi, ang anak ni Maina at si Ms. Sandra Yara na siyang pamangkin ni Maina," imporma ni David muka sa akong earpiece.

"Okay, follow us," I said as I touch the earpiece in my ear. Mas naging seryoso ang hitsura ko. Who really you are, Sandra Yara? "Get information about them," I command the man in the shotgun seat who have a laptop with him. He immediately type fast in his laptop.

"They're going to the northern part," sabi ni Sandro na tutok ang mga mata sa daan.

"Isa lamang itong patibong. Kung wala sila sa mga sasakyan na iyan at wala rin sa mansion na iyon, maaaring gumamit sila ng ibang paraan. They just record it at iyon ang ginamit ng tumawag," sabi ni Venom na siyang ikinalingon ko sa kaniya. May katuturan ang mga sinabi niya. Maaaring iyon nga ang ginamit nila para linlangin kami. Napakatuso niya talaga. Oras na magkita kami ay hindi ko talaga siya buhuhayin.

"Mukang napansin na nila tayo. Bumibilis na ang takbo ng mga sasakyan nila. Natunugan na nila tayo," siyang saad naman ni Simon sa earpiece namin. Mas naging Alberto kami. Lalong dumilim ang aking tingin sa mga sasakyang iyon. Inilabas ko ang hawak kong calibre 45 na baril mula sa aking tagiliran. Si Venom ay naglabas din ng kaniyang baril maging si Sandro at ang lalaking nasa shotgun seat na patuloy pa rin sa pagpindot sa kaniyang laptop.

"Kier, unahan n'yo na sila at abangan sa kabila ng tunnel," utos nito sa mga nakasay sa unang van na bahagyang nauuna sa amin.

"Copy," sagot naman nito. Medyo bumilis ang kanilang takbo at ilang sandali ay mas nauna na sila mga sinusundan namin. Nagkakagirian na rin ang isa pa naming van at ang van ng mga kalaban. Gumegewang na ang mga ito dahil pakikipagsalpukan sa isa't isa.

Agad kaming napatungo ng magpaputok ang nasa pulang kotse. Mas mabilis na ang mga sasakyan namin at nakikipagitgitan na sa kanilang sasakyan. Nagpapaputok na sila at maging ang mga kasamahan namin. Malapit na rin kami sa tunnel kung saan naghihintay ang mga kasamahan namin.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now