Chapter 32: Second Mission

4 2 0
                                    

"Guru, ikaw ba magdadala no'ng sniper?"

Naghahanda na kami dahil mamayang gabi na namin sisimulan ang second mission namin. Hindi ko pa rin alam kung saan ang location. I didn't bother to ask. Hindi rin naman kami masyadong nag-uusap lalo na kami ni Venom. At mukang nakikisama naman iyong tatlo because they rarely talk. Sa halos lahat ng oras ay tahimik kami, kapag may itatanong lang, saka nagsasalita. Kapag nagtatama naman ang mga mata namin, we're just smiling to each other but when it comes to Venom, I immediately averted my gaze to him. Naa-alala ko pa rin kasi iyong mga pinagsasabi niya sa akin.

Sa tuwing maiisip ko ang mga sinabi niya noong nakaraan, sobrang saya ko pero agad din iyong napapalitan dahil ng lungkot. Agad ding nawawala iyong saya na nararamdaman ko dahil pumapasok sa isipan ko 'yong reason why I joined in this organization. Sa totoo lang, gusto ko na rin sabihin sa kanya those three words that I know will make him happy but I can't..... hindi ko pa kaya.... Ang hirap nang sitwasyon na meron ako but I can't do anything para padaliin 'yon.

Nagka-ayos na rin sina Venom at Warri. Hindi naman pala totoong galit si Warri, ginawa niya lang iyon para maka-amin na si Venom. Kaya pala nagtatawanan sila kahapon paglabas ko. Hindi naman sila nagtanong tungkol sa napag-usapan namin ni Venom. Nanahimik lang sila kahit alam kong kating-kati na silang magtanong.

"Oo, tsaka iyong pistol na rin," sagot ni Guru.

Kinuha ko ang isang Swiss knife at inilagay iyon sa garter na nakatali sa legs ko. I also bring two different guns and put on my waist. Inilagay ko naman sa isang bag ang mga dala kong bala. Magbabantay lang naman kami but we'll bring weapons to be prepared if ever may kalaban na dumating. Maigi na iyong handa kami.

"Let's go. Almost one hour din tayong magbibiyahe para makarating doon," Ice said. With all our weapons, we leave RAO's building. Kami lang ang ay may mission ngayon. And I'm thankful for that. Nagpunta na ako sa cemetery kahapon para magpaalam kayna Mommy at Daddy na hindi ko sila madadalaw bukas dahil nga may trabaho ako. I know they understand that.

Tahimik kaming pumasok sa van na ginamit namin last time. Sa huli ako pumwesto dahil matutulog ako sa biyahe namin. Ayoko namang maburyo dahil sa sobrang katahimikan nila dito. Kung dala ko ang libro ko ay baka hindi ako maburyo. Napatingin ako kay Venom when he enter the van. Our eyes met but he's the first one who avoid it. Ice is the one who's driving while Guru is beside him. Then the two is in front. As Ice start the engine, I put my headset and sleep.

"I texted our client that we're already here. Let's go to our post."

"Ayusin ninyo ang trabaho n'yo."

Napamulat ako ng makarinig ako ng mga nag-uusap. Napatingin ako sa labas ng bintana at madilim na. Narito na pala kami. Inayos ko muna ang sarili before going outside. Sa isang madilim na lugar kami bumaba para hindi naman kapansin-pansin kapag may kalaban sa paligid.

"Sa backdoor tayo dadaan. Bukas naman daw iyon sabi ng client kaya madali lang tayong makakapasok doon. Tanda naman ninyo siguro ang pwesto ninyo. Guru and Warri, sa likod kayong dalawa at sa harap naman kami ng bahay," sabi sa amin ni Ice. Napag-aralan na namin ang floorplan ng bahay. Medyo familiar iyon pero hindi ko na lang pinansin.

Tahimik kaming naglakad papunta sa likod ng mansion. Pagkapasok pa lang naman sa bahay ay may kakaiba agad akong naramdaman ng makita ko ang likod ng mansion. My heart beats fast. Hindi ko naman kasi masyadong maaninag ang kabuuan ng mansion dahil sa madilim dito at tanging maliit na poste ng ilaw at liwanag ng buwan lang ang nagbibigay ng ilaw. Iniwan na namin sina Guru at Warri sa likod at habang naglalakad papunta sa harap ng mansion ay para bang ang daming ala-alang bumabalik sa akin, ang daming pakiramdam na bigla ko na lang naramdaman. Hindi ko alam kung bakit.... kung bakit ko ito nararamdaman. Kung bakit bigla na lang pumasok sa isipan ko sina Mommy at Daddy. Napansin siguro nila na nahuhuli na ako sa paglalakad kaya tumigil sila.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now