"Hindi pa sila gumagawa ng hakbang," sabi ni Warri na nang tingnan ko ay nasa mismong tabi na ni Mrs. Ferry. Napatingin naman ako sa entrance ng may mga pumasok na mga lalaki na nakaitim.
"May limang lalaking pumasok," bulong ko. Sigurado akong mga kalaban ang mga lalaking ito. Iba kasi ang kutob ko sa kanila.
"Guru, bantayan mo ang limang lalaking iyan," utos ni Venom na nasa likuran ko. Tsk! "Huwag kang aalis sa tabi ni Mrs. Ferry, Warri. Sigurado akong hudyat na iyan."
"Okay," Guru at Warri. Nakita kong nakipagsayaw si Mrs. Ferry kay Warri. Marami ang nagsasayawan at kasama na doon ang mga kalalakihang dumating na nagsasayaw malapit may Mrs. Ferry. Kumunot naman ang noo ko ng maglahad ng kamay si Venom sa akin.
"Sumayaw tayo," sabi nito na ang tono ay nag-uutos kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Uy! Dumadamoves ah," pang-aasar ni Guru na nakikipagsayaw na rin malapit kina Mrs. Ferry.
"Manahimik kayo. Tara, kailangan nating bantayan si Mrs. Ferry," sabi nito na hinila ako sa gitna kaya wala na akong palag. Siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa balikat niya at napapitlag pa ako ng ilagay niya ang kamay sa bewang ko. Sumayaw nga kami malapit sa pwesto nina Mrs. Ferry at Warri. Nagtanguan sina Warri at Venom ng biglang mamatay ang ilaw kaya agad akong hinila ni Venom sa kung saan. Kinuha ko naman ang baril ko na may silencer na nakatago sa hita ko. Madilim kaya mahirap makita kung sino ang kalaban pero nagsanay na ako sa ganitong paraan ng pakikipaglaban. Sigawan ang mga tao ng may nagpaputok ng baril. Nagtatakbuhan ang mga bisita kasabay ng palitan ng putok ng mga baril.
"Kasama ko si Mrs. Ferry. Nandito kami malapit sa entrance," sabi ni Warri. Si Venom naman ay nasa tabi ko at nagpapaputok sa kung saan. Nagpapaputok na rin ako kung saan ko naririnig ang mga pagputok. Umalis na ako sa pwesto ko para mahanap pa ang iba pa. Madali lang naman makagalaw sa suot ko kay hindi na hassle sa pagtakbo ko.
"Where are you Diamond?" may pag-aalala sa boses ni Venom ng magtanong ito.
"Don't mind me. Intindihin mo iyang mga kalaban mo," seryoso kong sagot at nagpaputok sa lalaking papasok ng mansion. Palitan ng baril ang nangyari at bago pa man muling mabuhay ang ilaw ang ubos na ang mga kalaban. Nagsidatingan na ang mga pulis na siguro ay tinawagan ng mga bisita. Itinago kong muli ang aking baril at naglakad na papunta sa entrance. Gusto ko ng makalabas dito.
Sumabay ako sa ibang mga bisita na nagsisilabasan na ng gate. Agad din naman akong nakalabas ng gate ng hindi tinatanong ng mga pulis. Papasok na sana ako sa kotse ng may humila sa akin. Pagharap ko ay si Venom pala. May galit akong nakikita sa mata nito. Ano namang ikinagagalit nito?
"Bakit bigla kang umalis kanina? Paano kung napahamak ka?" bakas ang galit sa boses nito. Kumunot ang noo ko sa inasta niya.
"Malamang, kailangan kong hanapin iyong ibang kalaban. 'Yon naman talaga ang gagawin, 'di ba?" kunot ang noo pa rin na sagot ko dito. Ano bang ipuputok ng butsi nito?
"Paano kung napahamak ka, ha? Babae ka pa naman," sabi nito na lalong ikinaseryoso ko. Ano ba talagang problema nito?
"Baka nakakalimutan mong kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. At huwag mong idadahilan na babae ako dahil walang pinipiling kasarian ang kalaban," seryoso kong sagot at pumasok na sa kotse.
"Owss!! LQ," natatawang sabi ni Guru kaya naman inis kong tinagtag ang earpiece ko. Hindi ko na siya pinansin na nasa labas pa rin ng kotse at hindi pa pumapasok. Tsk! Eh ano naman kung babae ako? Nagawa kong patumbahin ang mga lalaking iyon. Huwag na huwag niyang idadahilan na babae ako dahil kaya ko siyang kalabanin para patunayang kahit babae ako ay kaya ko. At hindi naman siguro ako papasok sa ganitong sitwasyon kung hindi ko kaya. Kung hindi niya kayang pagkatiwalaan ang kakayahan ko, hinding-hindi kami magkakasundo kahit na ganito ang nararamdaman ko sa kaniya.
Matapos iyon ay bumalik na kami sa RAO. Iyong pera daw ay nailagay na sa ATM ng Philtrix kaya bukas ay makukuha ko na ang pera para makabili at makapagbayad na. Doon na rin ako natulog dahil sa pagod at wala rin naman akong masasakyan pa pauwi.
Kinabukasan ay maaga akong nagising pero paglabas ko ay gising na rin silang lahat. Si Guru ay nasa kusina at naghahanda ng almusal. Ang tatlo naman ay nanonood ng t.v. tungkol sa nangyari kagabi. Iniinterview ngayon si Mrs. Ferry.
"Good morning Princess," nakangiting bati ni Guru na siyang naunang nakapansin sa akin. Lumingon naman ang tatlo pero iniwasan kong makasalubong ang titig ni Venom. Nabwibwisit ako sa kaniya. Naaalala ko pa rin iyong mga pinagsasabi niya sa akin kagabi.
"Good morning Princess," bati din nina Ice at Warri.
"Good morning," bati ni Venom na hindi na tumitingin sa akin.
"Morning," simpleng sagot ko at pumunta na sa kusina. Naghilamos ako at tinulungan na si Guru na maghanda ng pagkain. Hindi man lang kasi tulungan noong tatalo ng matapos na agad at makakain na kami.
"Nga pala Princess, iyong pera mo ay nasa drawer doon sa may t.v.. 20,000 thousand 'yon, hating kapatid. Pero kung kulang ay pwede ka namang magsabi sa amin," nakangiting sabi ni Guru. Umiling na lang ako.
"It's okay. I'll take my part," sagot ko.
"Let's eat na," pag-aaya ni Guru kaya naglapitan na sila.
"Next month na daw ulit tayo magkakaroon ng mission. Nakalagay doon sa mission board," anunsyo ni Warri na tinanguan naming lahat. Kumain kami na tanging sina Warri at Guru lang ang nagsasalita. Sila ang maingay habang kumakain kami.
"Warri, tapos mo ng panoorin iyong pinasa ko sa iyong movie?" tanong ni Guru.
"Oo, ang ganda nga eh. Pasahan mo ulit ako. Gusto ang mga ganoong movie," sagot ni Warri.
"Madami pa ako. Punta ka na lang sa kwarto mamaya."
"Ang astig noong tumalon siya sa tren tapos pagbaba niya ay saka niya binaril iyong kalaban sa taas ng tren. Ang astig talaga nung part na 'yon," kwento pa ni Warri.
"Astig din noong tumalon siya sa tubig. Ang galing din niya sa part na 'yon."
Patuloy ang kwentuhan ng dalawa at kami naman ay nakikinig lang sa kanila. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako mahilig manood ng movie.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
РізнеOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...