"Sisterrrrrr!!!!!!" Napatakip ako ng tenga ng sumigaw si Alex na kakarating lang. Kaaga-aga ay napakaingay na agad ng lalaking ito. Nakakasira siya ng eardrum. Ngiting-ngiti itong lumapit sa akin at iniabot ang isang box. Kunot ang noo kong pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa box.
"Pinabibigay ni Mommy. Nakarating na sila," masaya nitong sabi. Napatango naman ako saka binuksan ang box. Cookies ang laman nito at sa tingin pa lang ay alam kong mahal ang halaga nito at masarap din.
"Salamat," sabi ko at sinaraduhan na ang box. Inilagay ko ito sa bag ko dahil ayaw kong magbitbit. Nakangiti pa rin siya ng umupo na sa upuan.
"Ipapakilala kita mamaya," bulong nito sa likuran ko. Tumango na lang ako. Pupunta ulit ako sa bahay nila mamaya para i-finalize iyong report namin. Tapos na naming gawin kaya naman okay na. Makakapagpahinga na ako pagkatapos ng part time job ko.
"Ipapaalala ko lang sa inyo. Last two weeks na lang ang natitira sa inyo para sa project n'yo. Binigyan ko na kayo ng sapat na oras kaya siguraduhin ninyong maayos ang mga gawa n'yo. Sino ba sa inyo ang tapos na?" tanong ni prof.
"Ipa-finalize na lang po Sir," sagot ng class president namin.
"Kami rin po Sir," sagot din ng isa.
Marami pa ang nagsabi na malapit na silang matapos. Talagang pinaghandaan nila ang project na 'yon. Mabuti na lang talaga at sinimulan agad namin. Baka kung hindi ay gumagawa pa rin kami hanggang ngayon. Time management lang talaga.
Mabilis na dumaan ang maghapon. Sa maghapon ring iyon ay palagi na naman akong kinukulit ni Alex. Hindi na naman siya tumitigil sa pangungulit. Si Sandra naman ay nabalitaan kong naging exchange student kaya pala ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita.
4:00 ang labasan namin sa school so deritso na agad ako sa trabaho ko at hanggang 6:00. Pagkatapos doon ay pupunta na ako sa bahay ni Alex para sa project namin. Ang isang iyon ay kinukulit pa ako na hihintayin daw niya ako at doon magtigil sa Jollibee pero hindi ako pumayag. Baka kung ano pang isipin ng magulang niya dahil pinaghihintay ko siya sa trabaho ko at isa pa, siguradong hindi iyon mananahimik doon. Napakagulo noon. Maabala lang ako sa trabaho ko.
Agad kong pinalitan si Anne sa counter ng makarating ako. Medyo madami ang customer ngayon kahit weekday. Iyong nangyaring pagpunta nina Venom dito, nakapag-usap kami ay kinabukasan na. Hindi kasi ako nagpunta sa RAO pagkatapos ng trabaho dahil napagod ako. Inis na inis nga ako sa lalaking 'yon.
Sunday ng umaga ay nagpunta muna ako sa RAO bago nagpunta kina Alex kasi tumawag si Venom na pumunta daw ako doon. Hindi ko alam kung anong meron dahil sa pagkakaalam ko naman ay wala naman akong dapat na gawin sa RAO. Wala namang mission. Hindi pa rin naman araw para sa report. Ewan ko ba sa mga 'yon.
Pagpasok ko sa headquarter namin ay tahimik. Parang walang tao. Malinis ang paligid at maayos lahat ng gamit. Tiningnan ko ang kwarto ni Guru pero wala naman siya doon. Bwisit! Pinagtitripan yata ako ng mga 'yon.
Bwisit kang Venom ka. Kapag nakita talaga kita ay masasapak kita.
Inis akong tumalikod at bubuksan na ang pinto ng may humawak sa bewang ko. Agad akong napapitlag dahil doon. Agad na bumilis ang tibok ng puso at tila ba ay nawala na ang inis na nararamdaman ko kanina. Nang matauhan ay saka pa lamang ako nakapag-isip ng gagawin. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa bewang ko at humarap saka siya sinapak. Hindi man lang siya umiwas. Sigurado naman ako na alam na sasapakin ko siya pero hindi man lang umiwas kaya may sugat at pasa ang gilid ng labi niya. Bakit naman hindi dudugo, ang lakas ng pagkakasuntok ko. Nakatagilid ang muka nito dahil sa impact ng suntok ko. Walang imik niyang hinawakan ang sugat at napadaing ng lumapat ang daliri niya doon. Nakonsensya naman ako sa ginawa ko. Tsk! Kasalanan naman niya kung bakit ko ginawa iyon. May pahawak-hawak pa kasing nalalaman. Bakit ba nakokonsensya ako sa lalaking ito? At saka bakit ba hindi siya umiwas?
Inis akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang medicine kit. Bwisit kasi ang lalaking 'yon. Ang dami kong gagawin, dumagdag pa siya. Inis ko siyang hinila papunta sa sofa at binuksan ang medicine kit. Tahimik lang naman siya doon at pinagmamasdan ang ginagawa ko. Tsk! Dahil nabwibiwisit ako ay alcohol ang gagamitin ko.
"B-bakit alcohol?" nag-aalinlangan niyang tanong. Napangisi naman ako isipan ko. Takot sa alcohol.
"Bakit? Natatakot ka sa alcohol?"
"H-hindi. Bakit naman ako matatakot sa alcohol?" tanggi nito pero nakita ko na napalunok ito ng matapos akong maglagay ng alcohol sa bulak. Ilalapat ko na sana sa labi niya ng pigilan nito ang kamay ko. "Pwedeng 'wag ng lagyan ng alcohol. Okay lang naman ako," pilit sumeseryoso kahit halata naman na takot siya sa alcohol.
"Anong huwag na? Gusto mong sapakin ko ang kabila para magpantay, ha?" banta ko dito at inilapat na ang bulak sa labi niya.
"Arayyy!!!" napasigaw ito na akala mo ay inaapi. Gago. Kalalaki mong tao ay takot sa alcohol. Mas masakit pa nga dito ang tama ng baril.
"Manahimik ka nga," inis kong sabi dahil nakakarindi na siya. "Hindi ka takot na pumatay pero sa simpleng alcohol lang ay takot na takot ka," pang-aasar ko dito pero seryoso pa rin ang muka. Pinipigilang mangiti sa hitsura niya.
"Hindi ako takot," tanggi pa nito kahit halata naman na.
"Hindi takot? Eh bakit nakakapit ka sa kamay ko?" Kapit niya ang kamay ko na gumagamot sa sugat niya. Napabitaw naman siya pero agad ding binalik ng muli kong ilapat ang bulak. Matapos lagyan ng alcohol ay betadine naman ang nilagay ko. Ibinalik ko na sa kwarto ang medicine kit. Pagbalik ko ay nandon pa rin siya at nakasandal ang ulo sa sofa at nakapikit.
Pinagmamasdan ko ang muka niya. Gwapo pala talaga siya.
Ano bang meron sa iyo para maramdaman ko ito?
Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito sa gitna ng napakarami kong problema?
Bakit ngayon ka dumating? Pwede namang pagkatapos na ng lahat. Alam kong kaya mong ipaglaban ang sarili mo pero hindi ko kayang may taong mapahamak nang dahil sa akin. Tatapusin ko ang lahat ng ito at kung pagkatapos ng lahat ng iyon ay narito pa rin ang nararamdaman ko para sa 'yo, pagbibigyan ko ang sarili kong mahalin ka ng buo at walang pag-aalinlangan. Babalikan kita sa oras na mahuli ko na ang taong pumatay sa mga magulang ko.
"Stop staring," sabi nito na nakapikit pa rin. Bumuntong-hininga ako at naglakad na papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto pero nagsalita siya.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Wala ka ng pakialam," seryoso kong sagot na hindi tumitingin sa kaniya. Tuluyan na akong umalis. Sa ngayon, pipigilan ko na muna ang nararamdaman ko. Mahirap man pero kakayanin ko. Lalayo na lang siguro ako sa kaniya para hindi na masyadong lumalim ang nararamdaman ko.
Right person on the wrong time.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
De TodoOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...