Chapter 44: Bad News

1 0 0
                                    

"Sister, pwede ka bang pumunta dito sa bahay?" malungkot na sabi ni Alex sa kabilang linya. Agad naman akong kinabahan dahil kakaiba ang boses niya sa cellphone. Hindi pa man tapos kumain ay tumayo na ako at nagmamadaling umalis.

"Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko. Baka may nangyari na. Lagi siyang masaya kapag tumatawag sa akin at ngayon lang siya tumawag na ganoon ang boses. Tumatawag iyan para manggulo pero iba ngayon. Napatigil ako ng hilahin ako ni Thudrixx pabalik. Oo nga pala, may mga kasama ako. Nagtataka silang nakatingin sa akin.

"What happened?" nagtatakang tanong nito.

"I need to go somewhere," sagot ko dito saka muling kinausap si Alex sa cellphone. "I'm coming. Wait me there," sabi ko dito saka pinatay ang tawag.

"I'll come with you," he said. Lumingon naman ako sa mga kasama pa namin na tumango lang sa akin. Napabuntong-hininga ako at tumango na rin. Dali-dali kaming umalis. Sumakay kami sa taxi at agad kong binigay sa driver ang address.

Everytime Alex is calling me, he is always happy and teasing me endlessly. I'm always ending the call but this time is different. By his voice, he's  sad and I don't know why. Kailangang makarating na ako doon dahil alam kong kailangan ako ng kapatid ko ngayon.

Agad din kaming nakapasok sa village dahil kilala naman na ako ng guard. Sa malayo pa lang ay tanaw ko na si Alex na nakaupo sa curb sa harap ng bahay nila. Nakapatong ang mga pisngi sa palad at nakatukod ang siko sa kaniyang hita. Kahit nakapikit ay kitang-kita ang lungkot sa kaniyang muka.

Agad akong lumapit sa kaniya saka naupo sa kaniyang tabi. Nagmulat siya ng mata at agad na napayakap sa akin ng makita ako. I hugged him too and caress his back. I looked at Thudrixx who sit besides me silently. If you're confused on what I'm calling to him, we call each of us in our real names if we're out of the RAO.

"Are you okay?" I ask Alex who's still hugging me. I heard him sob kaya naman mas lalo akong nag-alala. "What happened?" I ask him again. Humiwalay siya sa pagkakayakap at malungkot na ngumiti sa akin.

Inaya ko siyang pumasok sa bahay nila kasunod namin si Thudrixx. Tulad dati ay napakatahimik pa rin ng mansion. Parang walang taong jakatira dito. Pare-pareho kaming umupo ng makapasok. Nanatili ako sa tabi ni Alex na nagpupunas ng kaniyang luha.

"Ano bang meron? Bakit ka umiiyak?" tanong ko dito.

"Umalis na naman sina Mommy. Mag-isa na naman ako," lumuluhang sabi nito. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Alam kong tanggap niya ang hindi laging kasama ang parents niya pero alam kung namimiss na niya sila. "Lagi naman silang umaalis. Lagi naman akong naiiwan mag-isa dito pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko na laging umiyak tuwing umaalis sila," ani nito na patuloy sa pagpunas ng luha sa muka niya.

"Stop crying. I'm here for you," sabi ko dito at niyakap siya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Kung nandito lang sina Mommy at Daddy, hindi niya nararamdaman ito. At kung sana alam lang niya na ako ang kapatid niya, sana hindi na siya malungkot.

"Sana talaga kapatid na lang kita Sister para hindi na ako nag-iisa kapag umaaalis sila," lumuluha pa ring sabi nito. Lalo lamang akong naantig sa sinabi niya. Parang dinudurog ang puso ko. Kung alam mo lang Alex, kung alam mo lang. Gustong-gusto ko ng magpakilala sa iyo bilang kapatid mo pero hindi pa ito ang tamang panahon.

"Just remember that I'm always here for you. I'll be by your side no matter what," sabi ko dito habang yakap siya. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay. Just wait for a while and soon you'll never feel alone again. Naghintay pa ako ng ilang minuto para mahimasmasam siya. Nakainom na rin siya ng tubig kaya umayos na siya. "By the way, this is Thudrixx.... ahmmm... my friend," pagpapakilala ko kay Thundrixx. Hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Ano sasabihin ko? Manliligaw? Kagrupo sa RAO?

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now