Chapter 16: Head on Lap

3 2 0
                                    

Masaya ang party na naganap sa orphanage. Madali ring napalapit ang mga ito sa akin kaya nakakaramdam na naman ako ng pangamba. Dumadami ang mga taong napalapit sa akin.

Mas napapalapit ako sa mga tao, mas lumalaki ang pangamba ko.

Nakatulala ako habang marami ang gumugulo sa utak ko ngayon. Nandito ako sa lobby ng RAO. Marami rin ang nakatambay dito, maaliwalas kasi sa lugar na ito. Medyo maingay nga lang pero okay na rin naman para hindi ako mabingi sa katahimikan.

"Hi Diamond." Nabalik ako sa wisyo ng may bumati sa akin at naupo sa katapat kong sofa. Namumukhaan ko ang babaeng ito pero hindi ko matandaan kung kailan ko siya nakita. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya at hindi umiiimik. "By the way, I'm Natasha, code name ko dito. Hindi mo siguro ako nakikilala pero isa ako sa mga nakalaban mo sa first round," sabi nito. Ahh. Kaya pala familiar siya. Tumango naman ako pero seryoso pa rin. Kita ang pagkailang nito dahil sa inasta ko. Mabuti na iyon para manahimik siya. Ayaw ko ng kausap ngayon, gusto kong mag-isip. Marami akong kailangang isipin.

Ang hitsura ay mapanlinlang kaya wala akong dapat pagkatiwalaan sa lugar na ito, maging ang mga kagrupo ko. Sarili ko lamang ang maaari kong pagkatiwalaan. Ang lahat ng tao dito ay may kani-kaniyang lihim na itinatago at nasa kanila na iyon kung ipagkakatiwala nila sa ibang tao. Walang nakakaalam na baka ang taong pinagkakatiwalaan mo ay siya na palang traydor na unti-unting sumisira sa iyo.

"Hellllooooooooo!!!!!" umalingawngaw ang boses na iyon sa buong lobby. Jusme! Kahit saan talaga ay napakaingay ng lalaking iyon. Ang lahat ay lumingon sa kanila ng pumasok sila sa lobby. Akala mo ay mga Hari kung makaasta.

"Hi!" may iilang bumati sa kanila at si Guru naman ay parang kandidato na kumakaway sa mga nadaraanan nito. May ilang pang mga babae na lihim na tumitili habang sinusundan sila ng tingin. Napatingin ako sa mga mata ni Venom na nakatingin rin sa akin kaya naman napaiwas ako dahil sa nararamdaman. Kailangan ba ito titigil? Nakakainis na talaga itong nararamdaman ko. Kahit anong pilit kong pigilan lalo lang yatang lumalala.

"Hi Princess," malakas na bati ni Guru. Tsk! Karindi talaga ang bibig ng lalaking ito, dinaig pa ang babae sa ingay.

"Princess?" bulungan ng mga nakarinig.

"Yes. She is our Princess. So don't you ever mess with our Princess," pagbabanta ni Warri. Okay. He sounds like a over protective brother. I'm little bit touched.

Naupo sila at sa tabi ko pa talaga naupo ang lalaking ito. Mas lalo lang tuloy akong kinakabahan. Nakakainis! Bakit kasi kailangang pang kabahan ay siya lang naman iyan? Nabwibwisit na talaga ako sa nararamdaman ko. Gusto ko ng mawala ito para matapos na.

"Nakasimangot ka Princess, may problema ba?" tanong ni Ice pero inirapan ko lang siya. Huwag nila akong kausapin at ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Ang dami-dami naman kasing pwedeng upuan sa tabi ko pa talaga.

Teka Oie, bakit ba reklamo ka nang reklamo? Pwede ka namang umalis na lang, 'di ba?

Oo nga naman. Bakit hindi ko naisip agad 'yon.

Gusto mo rin naman kasi siyang makatabi.

Tumayo na ako pero agad ding napaupo ng may humila sa braso ko. Inis kong nilingon ang lalaking ito nakasandal sa sofa at nakapikit.

"Anong problema mo?" inis kong tanong. Hindi naman siya gumalaw kaya mas lalo akong nainis. Tumayo ulit ako pero hinila na naman niya ako. Nakuyom ko ang palad ko sa sobrang inis. Problema ba ng lalaking ito?

"Ano bang problema mo?" Napalakas ang boses ko kaya napatingin na ang iba sa amin. Tutok na tutok na akala mo'y nanonood ng isang pelikula.

"Huwag ka munang umalis," sagot nito na nakapikit pa rin at hawak ang palapulsuhan ko. Inis kong hinagod ng kamay ang buhok ko. Ano bang problema niya?

"Eh ano bang pake mo kung umalis ako?" Gusto ko ng sapakin ang lalaking ito. Ang tatlo naman at ang ibang mga narito ay nakatingin na sa amin, para silang nanonood ng pelikula. Live!

"Huwag," tanging sagot nito kaya naputol na ang napaka-iksi kong pasensya. Hinablot ko ang braso at sinuntok ko siya pero nasalo niya ito. Naging dahilan niya iyon para hilahin ako papaupo saka siya umunan sa lap ko. Putik naman oh.

"Inaantok ako, huwag kang malikot," nakapikit na sabi nito kaya naikuyom ko mga palad ko. Putik na dahilan iyan. Unan ba ang lap?

"Eh bakit hindi na doon sa kwarto mo natulog at kailangang sa akin ka pa umunan?" inis na inis kong tanong. Nanggigigil na talaga ako sa lalaking ito. Sarap bugbugin.

"Tinatamad na akong maglakad. At isa pa, inaantok na talaga ako," sagot nito. Gusto ko na talaga siyang sapakin. Tumingin naman ako sa mga kasamahan ko para sana humingi nga tulong pero pare-pareho silang may nang-aasar na tingin. Inis kong dinampot ang sapatos ko at binato sa kanila pero naiwasan ng mga ito.

"Pahiga nga rin ako sa lap mo Warri," nakangiting sabi ni Guru at umunan nga kay Warri. Tsk! Mga siraulo. "Ikaw Ice, gusto mo rin?" tanong ni Guru at pinaunan si Ice sa kanyang tiyan. Mga siraulo talaga. May mga saltik.

Hindi ko akalaing doon na pala tuluyang magsisimula ang lahat.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now