Ako talaga?
Tahimik lang kami. Ilang minuto na ang lumipas simula ng lumabas ang tatlo pero hindi man lang kami nag-uusap. Ano bang pag-uusapan namin? Pero ako talaga ang dahilan? Sila kaya because they're the one who started it. Pero first time lang talaga nilang nag-away sa harap ko. Malay ko ba kong nag-away na pala sila dati.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko kasi ako, wala akong sasabihin. Pero siya, mukang meron. Tumingin lang siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napaiwas naman siya ng tingin. Ganoon lang iyon?
Few more minutes had passed but still no one talks. Sobrang tahimik talaga. Nakakabagot naman dito. Hindi rin naman siya magsasalita, mabuti pang umalis na lang ako. Pupunta na lang akong mall to buy a book.
"I love you."
I stiffened when I heard what he says. Hindi ko magawang makagalaw sa kinatatayuan ko to leave or even to look at him. Nakuha ko kung anong ibig sabihin ni Warri kanina pero.................. iba pa rin pala kapag sa kanya ko na mismo narinig. Iba iyong pakiramdam. It's like my heart stop beating for a moment then suddenly beats fast. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Tama naman iyong pagkakarinig ko, 'di ba? Malinaw pa sa malinaw na narinig ko ang sinabi niya. First time in my life that someone confess about their feeling towards me. And one more things is, he's also the one I love. The man I love, loves me too. Alam n'yo iyong pakiramdam na parang hindi totoo. It's like, it's just dream or hallucinations. The feeling is surreal. But I really heard it right, he said he loves me. Pero.........
"I'm serious when I said that I like you on the first day we met, on the first day we fight. I was serious that I loved you for the first time we fight. I love you from that moment until now. And I'll continue to love you tomorrow, the day after tomorrow, the day after that, and so on," sabi niya. It's so heartwarming. I feel so loved because of what he said. I feel so special. I never thought that he'll love me back. Pero 'yon na nga.......
Even he love me and I love him too, we can't be together for now. Now that he told me his feelings, I also feel scared because of the things behind me. Hindi ko kayang i-take 'yong risk na masaktan siya ng dahil sa akin. Hindi ko kayang i-risk ang safety niya para lang sa pansamantalang kasiyahan. I love him but I'm not yet ready to be with him because kapag siya na ang nawala, baka hindi ko na makaya. It's my first time to fall in love kaya hindi ko kakayanin if I'll lost him. I know that he can protect himself but I can't see him hurting because of me. I can't.
"Thank you for loving me. I appreciate it so much. Pero......... Masyado pa kasing magulo ang buhay ko and ayoko na masali ka dito.... Ayoko na madamay ka at s'yempre... ayokong masaktan ka. Aaminin ko, mahalaga ka sa akin pero hindi ko kasi kaya na madamay ka. Pasensya na kung magulo pero sana intindihin mo pa rin," sabi ko na hindi pa rin makatingin sa kanya. Hindi ko kasi kaya na sabihin iyon sa kanya while looking at him. Ayokong makita niya na nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa katotohanang kahit natagpuan ko na ang mga taong magpapasaya sa akin, hindi ko pa rin naman sila makakasama ng masaya because of the danger following me. Masakit ang katotohanang iyon. Sobrang sakit.
"I understand. Pero..... sana hayaan mo akong manatili sa tabi ko. Hayaan mo sana ako na iparamdam sa iyo ang pagmamahal ko. Kung hindi ka pa handa sa isang relasyon dahil sa natatakot ka sa kung ano mang dahilan, hayaan mo lang ako sa tabi mo. Hayaan mo akong manatili sa 'yo," sagot nya. Napapikit ako ng mariin. Bakit ang hirap naman nito?
"Kung manatili ka sa tabi ko... madadamay ka lang... masasaktan ka lang at ayoko iyong mangyari. Ayokong madamay ka sa kung anong meron sa nakaraan ko na patuloy akong hinahabol. Isa ka sa mga taong ayaw kong masaktan ng dahil sa akin. Nawalan na ako ng mga mahal sa buhay at kapag nangyari pa ulit iyon..... baka hindi ko na makaya. Baka mabaliw na ako sa sakit.. kaya sana maintindihan mo," sabi ko at hindi ko na napigilan ang mga luha. Ang sakit lang kasi. Nandiyan na iyong mga taong magpapasaya sa akin pero bakit ganito? Bakit? Kailan pa ba ako magiging masaya?
"Simula ng minahal kita, tanggap ko na kung anong meron ka kahit hindi pa kita lubos na kilala. Pinangako ko kasi sa sarili ko na tatanggapin ko ang lahat sa iyo kasi nga mahal kita........ Sa buhay natin dito sa RAO, sa dami ng mga taong nakalaban natin na maari tayong balikan, lagi akong handa para doon. At magiging handa rin ako na harapin lahat ng kinatatakutan mo mula sa nakaraan mo. Handa akong masaktan para sa 'yo basta hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo. Hayaan mo akong mahalin ka at iparamdam ito sa iyo. Ikaw pa lang ang babaeng minahal ko ng ganito na handa akong masaktan, na handa akong mahirapan para lang sa 'yo," sabi niya. Alam kong umiiyak na rin siya dahil sa pagsinghot niya. Bakit ba ang hirap?
'Yon na nga eh. Handa siyang masaktan, handa siyang mahirapan para lang sa akin. Pero ako.... hindi ako handa na mangyari iyon. Hindi ko na kaya ulit makitang nasasaktan ang mga taong mahal ko. Nakita ko kung paano nabaril ang mga magulang ko. Nakita ko paano sila nagmakaawa para sa buhay nila bago sila mamatay. At ayokong muling makita iyon. Ayoko kong muling maranasan iyon. Ayoko na.... dahil sobrang sakit na wala akong nagawa para iligtas sila. Ang sakit-sakit.
"Aalis na muna ako. Magkita na lang tayo ulit kapag pareho na tayong okay. Pag-isipan mo iyang mga sinasabi mo at ang mga sinabi ko," sabi ko at lumabas na ng headquarter na hindi siya tinitingnan. Dumeritso ako sa c.r para tingnan ang hitsura ko. Hindi naman gano'n kahalata na umiyak ako. Naghilamos lang ako at saka sinuot ang hood ko.
Deritso lang ako sa paglabas ng RAO. Nakita ko pa iyong tatlo na nagtatawanan like there's nothing happened in the headquarter earlier.
Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil mahal din ako ng taong mahal ko pero nandoon talaga ang takot. Takot na baka mawala din siya sa akin. Takot na baka kunin din siya sa akin. Takot na maging miserable ulit ako. Ang dami kong kinatatakutan pagdating sa mga taong mahalaga sa akin. Ang daming nangyari simula kahapon. Nakita ko na si Iou though wala pa rin akong proof pero sure akong siya iyon. Tapos kanina naman ay iyong kay Venom. Parehas ko ng natagpuan ang mga taong magpapasaya sa akin. Pero bakit ngayong natagpuan ko na sila, hindi pa rin namin magawang magkasama ng masaya? Bakit ba ganito ang buhay ko? Alam ko kung sino ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung bakit ganito ang nararanasan ko. It's because of that bastard. That bastard that kill my parents why my life now is miserable.
I will never stop to hunt you until you pay for all your sins. I will hunt you.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
AcakOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...