Chapter 15: Orphanage

4 2 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa plano namin Alex. Bago naman umalis ay nagbayad muna ako ng renta kay Aling Minerva. Hindi ko na pinatagal sa kamay ko ang pera at ibinayad na agad iyon.

"Salamat Oie. Nagkataon din na kailangan na kailangan ko ng pera para sa project ni Mikay," sabi nito na ang tinutukoy ay ang anak nitong nasa highschool. Tumango ako at nagpaalam na. Sinundo ako ni Alex sa park na medyo malapit sa apartment ko. Gusto niya sana na sa missing apartment ako sunduin pero hindi ako punayag.

Nakangiti ito ng makapasok ako sa loob ng kotse nito. Masayang-masaya ang muka nito marahil ay muling makakarating sa lugar na iyon.

"Let's go," nakangiting sabi nito at pinaandar ang sasakyan.

Masaya ako kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay nagagampanan ko ang isang bagay na hindi ko nagawa sa tunay kong kapatid. Ayaw ko mang may mga taong napapalapit sa akin pero hindi ko na siya pipigilan. Napapamahal na rin siya sa akin kaya gagawin ko lahat para protektahan siya. Hindi ako makakapayag na masaktan siya. Hindi ko nagawang protektahan ang kakambal ko noon, ngayon, sisiguraduhin kong hindi siya masasaktan.

"Mukang malayo ang iniisip mo ah. Nauna pa yatang nakarating sa pupuntahan natin. Hahaha." Napalingon ako sa kaniya na sobrang aliwalas ng muka. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Deristo ang tingin niya sa daan kaya napagmasdan ng ilang minuto. Napakaamo ng muka niya.

"Nauna na nga yata ang utak ko doon. Pagagalitan ko nga mamaya kapag nakarating na tayo doon," pagbibiro ko na ikinatawa naming dalawa. Hindi rin pala masama ang ngumiti at tumawa minsan, nakakagaan ng pakiramdam. At sa kaniya ko lang ito naramdaman. Kapag kasama ko siya ay parang hirap akong pigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko malaya ako kapag kasama ko siya.

"Alam mo Sister? Ang ganda mo lalo kapag lagi kang nakangiti. Lagi ka na lang kasing seryoso kapag nasa school tayo," sabi nito na nagpapawi sa ngiti ko. Tumingin na lang ako sa labas ng kotse at hindi na nagsalita.

Ilang minuto ay nakarating na rin kami sa orphanage na sinasabi niya. Maganda ang lugar, actually ay wala ito masyadong kalapit na mga bahay. Ang pinakamalapit ay mga isang kilometro ang layo mula dito. Mga palamuti na nakasabit sa mga puno na nasa gilid ng bakod ng orphanage. May iilang bata akong nakikita na naglalaro at ang iba naman ay tumutulong sa paghahanda. Magkasabay kaming pumasok ni Alex at halos matumba na siya ng dumugin ng mga bata.

"Kuya Alex!!"

"Bumalik ka ulit kuya Alex."

"S'yempre naman," nakangiting sagot ni Alex na nakaupo na sa damuhan at nakapalibot na sa kaniya ang mga bata.

"Kuya Alex, may sasabihin ako sa iyo," sabi ng isang bata na mukang excited sa ikukuwento niya. Ang saya nilang tinggnan. Kita ang sobrang kaskyahan sa muka ni Alex habang nagkukuwento ang mga bata sa kaniya.

"Ano naman 'yon?"

"Pinasali ako ni teacher ko sa quiz bee tapos nanalo ako. May medal siyang ibinigay sa akin," bibong kwento ng bata.

"Wow! Ang galing mo talaga. Congratulations," papuri niya sa bata at ginulo ang buhok nito. Kani-kaniya silang kwento ng mga nangyari sa kanila.

Sa araw na ito, hahayaan ko lang sarili ko na ngumiti, maging masaya at walang ibang pino-problema. Today, I will not think of revenge. I will let myself to be free from all the vengeance I have.

"Kuya, sino siya?" Sa wakas ay may nakapansin na rin na narito ako. Ngumiti ako sa kanila. Totoong ngiti ang mga iyon, walang halong pagpapanggap.

Love At First Fight |ON-GOING|Where stories live. Discover now