We sat on the sofa in the living area waiting for the the family to come out. We are all silent waiting for them. Venom sat on my right side while Ice is on my left side. The other two is on the other sofa. Venom was playing my left hand, squeezing it making me feel comfortable. And I saw them suspiciously looking at it.
"By the way, Merry Christmas guys," nakangiting bati ni Guru sa aming lahat.
"Merry Christmas," bati rin namin pabalik at muli na naman kaming natahimik. Mayamaya pa ay nakita ko namin ang isang matandang babae na pababa ng hagdan. Maputi at kulubot na ang mga balat. Maikli ang maitim niyang mga buhok na gupit panlalaki. Nakasuot rin siya ng saya na mukang mamahalin.
"Magandang umaga po." Sabay-sabay kaming tumayo at binati ang matandang babae. Ngumiti ito sa amin at tiningnan kami isa't isa.
"Magandang umaga din sa inyo. Merry Christmas. Maupo na kayo," sabi nito at naupo na rin sa isang sofa. Nagsi-upuan kaming muli at tiningnan lamang ang matanda. "Nasa itaas pa sila. Bababa na rin ang mga iyon," dagdag pa nito. Tumango na lang kami.
Kinakabahan ako. Makikita ko ang lalaking nakausap ko nang ipinagbili ko ang bahay na ito. Baka masabi niya ang tunay kong pangalan at magtaka ang mga kasama ko. Ayoko pang sabihin sa kanila baka maging mitsa pa iyon para masangkot sila sa gulo ko.
Mayamaya pa ay nagsibabaan na ang buong pamilya. Isang matandang lalaki ang siyang nangunguna sa paglalakad na sa tingin ko ay siyang asawa ng matandang ito. Dalawang dalagita na parehong maaliwalas ang mga muka. Isang mas matandang lalaki. At ang lalaking nakausap ko noon katabi ang babaeng sa tingin ko ay ang kaniyang asawa.
Agad nanlamig ang mga kamay ko ng magtama ang mga mata ng lalaki at isang malaking ngiti ang binigay nito ng mamukhaan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagkurot sa mga daliri ko na nakalagay sa aking likuran. Sana naman ay huwag niyang mabanggit sa kanila ang apelyido ko.
I feel something in my hand. It's Venom's hand holding my hand and caressing it. I look at him and he give me a small smile. Napakaswerte ko talaga na nandito siya sa tabi ko ngayon. Napapakalma niya ako at ipinaparamdam niya talaga sa akin na nandiyan siya para sa akin.
"Long time no see Miss Callipor," nakangiting bati ni Mr. Edmon, ang taong bumili ng mansion na ito. Agad akimg namutla. Ramdam ko ang biglang paglingon nila sa akin ng apat. Si Venom na mukang nagulat at ang tatlo na mukang nagtataka sa tinawag sa akin ni Mr. Edmon. Hindi ko alam kung may kilala ba sila na Callipor. Nagtataka lang siguro sila kung bakit iyon ang itinwawg sa akin gayong Santos ang pakilala ko sa kanila. Pero ang reaksiyon ni Venom, bakit siya nagulat? Kakilala niya kaya ang parents ko? O baka of iba oang dahulan kung bakit siya nagtataka.
"Magandang umaga po," tanging naisagot ko kay Mr. Edmon. Hindi na rin namang nagtanong ang mga lalaki about sa last name ko pero sigurado akong magtatanong sila kapag natapos na ang mission na ito.
"Halina kayo sa dining area, doon ko na lamang sasabihin kung bakit ko kayo ipinatawag," nakangiting sabi ni Mr. Edmon.
Sumabay kami sa pagkain nila ng umagahan. Masaya naman pero bumabalik sa alaala ko ang mga memorya namin ng pamilya ko. Nakikita ko ang sarili at pamilya ko habang masaya kaming ng handa namin noon. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa mga ala-alang nagsisibalikan sa akin. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko na huwag umiyak sa harap nila.
Napalingon ako kay Venom nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Napansin niya siguro ang hindi ko masiyadong paggalaw ng pagkain ko.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
AléatoireOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...