Kagabi ko pa iniisip, kagabi pa gulong-gulo ang utak ko sa dami ng naiisip ko. Muli akong nagsaliksik ng tungkol kina Dyon at Christopher at marami talagang nagbago simula noong naaksidente siya. Hindi lamang sa pamilya na tulad ng sabi ni Thundrixx, maging sa business at kung ano mang may kinalaman kay Dyon.
Tumawag na rin ako sa kakilala kong investigator para malaman ang mga pangyayari ng araw na iyon. Kailangan kong malaman ang buong katotohanan sa likod ng lahat ng ito at kung bakit ako, kami ng kapatid ko ang ginugulo ng taong ito. At anong dahilan ng pagpatay sa mga magulang namin.
Mabilis pa sa alas kwatro akong napatalon sa kama ng tumunog ang aking cellphone at makita kung sino ang tumawag doon. Mabilis ko iyong dinampot at saka lumabas ng headquarters bago ko sinagot ang tawag. Mabilis ang lakad ko patungo sa computer room at halos kasabayan ko lang ang iba sa kanila na pumasok doon.
"USB kapalit ng kapatid mo," bungad nito ng sagutin ko ang tawag. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Agad akong napalingon ng pumasok si Lolo. Agad ko ding ibinalik ang atensyon sa kausap. Anong USB? Aling USB? Ano namang gagawin niya sa USB ko na puro files ng mga project sa school ang laman?
"Anong USB?" naguguluhan kong tanong dito. Wala akong alam sa USB na pinagsasabi niya. Iisang USB lang ang meron ako at sigurado ako na wala namang ibang bagay doon na pagkakainteresan niya bukod sa mga files ko.
Humalakhak ito sa kabilang linya na ikinainis ko. Puno ng sarkasmo ang tawa nito. "Alam kong nasa iyo iyon. Hinalughog ko lahat kay Henry pero wala. Mas lalo naman sa kapatid mo. Kaya alam kong nasa iyo ang bagay na iyon. USB kapalit ng kapatid mo," saad nito. Teka! Henry?
"Anong ginawa mo kina Henry?" puno ng galit na tanong ko. Hindi ko na inabala pa si Henry para dito dahil alam kong mapapahamak ang pamilya niya tapos ito ang gagawin niya ngayon. Muli na naman itong humalakhak sa kabilang linya at magawa long ilayo sa tenga ko ang cellphone. Mahigpit kong ikinuyom ang kaliwang palad ko dahil sa sobrang inis, at mas lalo lamang nadadagdagan ang galit ko sa kaniya.
"Uulitin ko, USB kapalit ng kapatid mo."
"Wala akong..... Hello! Hello!" Pigil na pigil ko ang inis ko ng patayan niya ako ng tawag. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at mahigpit ang pagkakakuyom sa palad ko. Kagat ko ang labi ko sa sobrang inis. Magkikita rin tayo. Magkikita rin tayo. Sigurado ako.
"Nalocate n'yo?" tanong ni lolo. Nabaling na rin sa kanila ang atensyon ko ngunit naroon pa rin ang sobrang pagkainis at pagkalito sa kung anong hinihingi ng matandang iyon.
"Nalocate namin. Ngunit parang alam nila na sinusubukan natin silang i-track dahil iba naman ngayon ang kaniyang location at nasa public places na naman. Nasa Sandaga Mall sila ngayon. Sinubukan na naming i-hack ang mga cctv sa mall pero planado nila lahat, the footages are gone," sagot ni Simon.
Galit na nasuntok ko ang pader sa katabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang naroon pa rin nakadikit sa pader ang kamao ko. Ramdam ko ang kirot sa aking kamao Pero hindi ko iyon pinansin. I'm very frustrated right now. Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng matandang iyon. Hinihingi niya ang isang bagay na hindi ko alam kung anong kinalaman niyon sa lahat ng ito.
He's really a shit.
"Kiel, pumunta kayo sa mall," utos ni Lolo sa tauhan niya na agad din naman nitong sinunod.
Tandaan n'yo Dyon, Christopher, magkikta din tayo. At sa pagkakataong iyon, sisiguraduhin kong ibubuhos ko lahat ng pagtitimpi, inis at galit ko sa loob ng mahabang panahon. Pagbabayaran kita sa lahat ng sakit at pahirap na nangyari sa akin, sa amin ng kapatid dahil sa 'yo.
YOU ARE READING
Love At First Fight |ON-GOING|
AcakOie Tryxyn, isang babaeng binago ng mga pangyayari. Binalot ng galit ang puso para sa mga taong sumira sa kanyang pamilya. Handa kaya siyang magpatawad? Thundrixx Erox, isang lalaking hinahangaan ng lahat dahil sa angking kagwapuhan. Ano ang kaya ni...