Yannah's POV
Nadatnan namin si Kymberlie na umiiyak. Grabe affected much. Akala niya naman magiging sila ni sehun. Patayin ko pa yun eh.
"Oi wag ka ngang umiyak" sabi ni Athena. Para talaga siyang buang iniiyakan yung taong hindi naman sa kanya. tsk tsk. May tama na to'
"Oi yannah, Anong sasalihan mong club??" tanong ni Jaycob.
"uhmm tennis,Why??" sabi ko. Malambing ako ngayon dahil nasa mode akong makipagusap ng matino. ahaha.
"aaah,wala" sabi niya sabay walkout na naman. Ano kayang trip nitong lalaking to'
Nagdaldalan lang kami buong klase hanggang..
*kriiiiiiiiiiing*
Yehey!! Makapagpapahinga na ako.Tulog tulog time na hahaha.
"Oi Yannah. Tara na, baba na tayo baka maunahan tayo ng mga ibang section" sabi ni Madison. Hala.. Hindi naman tayo mawawalan ng lugar. Ako yata ang dating panlaban ng school sa tennis kaya di ako mauubusan ng lugar dun.. Powerful ata 'to.
*Field*
Andaming tao kainis. Feeling ko mahihimatay ako dito.
"Miss, pinapatawag ka po ni Ma'am Lee" Hala. bakit may ginawa ba akong masama??
Pumunta na ako sa MAPEH center.
"ma'am bakit po??" bungad ko agad. Wala ng paligoy ligoy pa, kinakabahan ako eh.
"Uhhmn, gusto ko sanang ikaw ang magtrain sa mga newbie sa tennis, pwede ba??" sabi ni Ma'am Lee. Hala..busy ako, busy talaga ako. Busy matulog buong maghapon tapos ako pa. Ako pa talaga, hindi nga ako umaatend sa practice tapos ako pa. Tsk tsk.
"ano payag ka?? may extra credit to" so what?? Ma'am wala nga akong pakielam sa grade ko eh kasi mataas naman na hehehe.
"ui ano?? payag??" ulit ni Ma'am. Hindi, hindi talaga ako papayag. Hindi hindi.
"oh,sige po" sabi ko. Hindi eh. Bakit ka pumayag?? Ha? Ha?
Pucha wag nga kayong magaway dyan mga konsensya. Sasapakin ko kayo.
"kung masasapak mo kami??" Puchang gala naman oh. Hindi kayo titigil?? Pumayag na nga ako di ba?? di ba??.
Nang bumalik na ko sa sarili kong mundo.Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng center. Ang galing hehehe.
Uhh. Wait may nakalimutan akong tanongin. Tumakbo ako papuntang MAPEH center ulit.
"Ma'am!! Ibig sabihin pala nun hindi na ako magreregister??!!" medyo pasigaw kong tanong. Tumango naman siya bilang sagot. Heheh yehey makakatulog na rin ako. Nagagaya na ata ako kay kym nagiging slow kailangan magbago na ako. Kailangan ko ng iupdate ang utak ko.
Pumunta ako sa dorm at natulog...
ZzzzzzzzzzzzZ
------------
Maddison's POV
"lalalalalal laala" kanta ni April kasama ko magregister.
"Oi Kym" sabay siko sa kanya. Anlungkot lungkot niya Kasi eh. Purque lang may girlfriend na si sehun ganyan na siya. Grabe makareact. Hindi pa naman magpapakasal si sehun. Kung ako sa kanya iyakan niya kapag pinatay ni Yannah yung sehun niya hahaha.
"bakit??" malungkot niyang sagot.
"bakit kasi hindi mo magawang mahalin si Jaycob??" pangaasar ko. Hahaha masarap tong asarin eh.
"ewan ko sayo, bahala ka diyan!!" padabog na umalis. Hahaha cute. Naglalakad ako habang may hinahanap sa bag. Nasaan na kasi yun?? yung ballpen ko?? Ballpen na nga Lang naglalakad pa.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...