PATHWAY ver. 4

84 6 2
                                    

Kymberlie's POV

Hay!! ang aga kung nagising kasi kailangan. Monday ngayon. Flag Ceremony kaya kailangan talagang magising ng maaga. Nagmuni-muni muna ako sandali pagkatapos naghanda na ako ng tuna sandwiches na babaonin namin. Hindi pa rin sila gising kainis. Maliligo na nga lang ako. Hayaan ko silang magising dyan. Hehehe para late sila, kapag late sila may detention, kapag may detention makakapagsolo ako sa dorm. Hahaha brilliant idea Kym. Congrats hehehe.

Naligo na ako at nagising na rin si Athena. Siya pa lang nagising. Tinignan ko ang relo ko 5:44 palang. Maaga pa.

"good morning" bati sa akin ni Athena. Halatang kakagising lang kasi nakapikit pa pumasok ng banyo.

"morning, kumain ka na dyan. Aalis na ako" paalam ko. Bubuksan ko pa lang ang pintuan, napahinto ako dahil tinawag ako ni Athena.

"alis ka na agad? maaga pa"

"aah. May kailangan pa kasi akong gawin sa baba kaya sige alis na ako"

Actually wala talaga ako gagawin sa baba. Gusto ko lang bumaba.

***

Nasa court ako ngayon hinihintay ko na lang na magsimula ang Flag Ceremony.

Iiihhh ang bagal naman magsimula gusto ko ng matapos ang klase ngayon Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung paano ako makakatulong kay Mac.

By the way nakalimutan kong sabihin sa inyo kaya ako pumayag kay Mac na tulungan siya manligaw. Hindi dahil gusto ko magkaroon na ng boyfriend si Yannah kundi sa lentek na utang na loob na yan. Hindi niyo alam na ngayon ko na lang nakausap ng ganito si Mac simula ng nagtagpo kami dito sa school na 'to.

Flashback.....
Bata pa ako nun ng palagi ako inaapi ng mga classmate ko.

"alam mo Kym hindi ka bagay dito. Ang paaralan na ito ay nababagay lang sa mga magagandang katulad namin kaya umalis ka na" sabi ni Andrea habang hawak hawak ang buhok ko. Iyak lang ako ng iyak. Huhuhu mama nasaan ka na ba??

"Dea, ano ba tama na yan?" awat ni Louise.

"ano ba louise!!" sabi ni Andrea sabay tulak kay Louise.

"Hoy kym isa kang basura dito sa eskwelahan na to kaya pwede ba umalis ka na"

Mas lalo akong naiyak dahil ang higpit na ng hawak ni Andrea sa buhok ko feeling ko makakalbo ako. Nagulat ako ng binitawan na ako ni Andrea pero ang mas ikinagulat ko ay hawak na ng isang lalaki ang kamay ko at nilalayo kay Andrea.

"Ok ka lang??" tanong ng kasing edad kong lalaki. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

"tahan na. Hayaan mo ako na bahala sa kanya kapag inaway ka pa niya" sabi niya sabay alis

Tahimik lang ako sa isang tabi. Tumahan na rin ako sa pag-iyak. Ilang sandali nilapitan ako nila Loraine at Andrea.

"alam mo ang landi mo!!" sabi ni Loraine. Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanila??.

"oo nilalandi mo si Mac" sang-ayon ni Andrea. Tumayo ako at aakma na aalis na pero hinawakan nila ang braso ko. At biglang tinulak.

"bagay lang sa iyo yan"

Tumayo ulit ako. Naiiyak na naman ako. Huhuhu. T.T. Itutulak na sana nila ako pero may pumigil sa kanila.

"ano ba kayo?? Bakit niyo ba inaapi ang kaibigan ko."pagtatanggol ni Mac.

"malandi siya Mac" -andrea.

"kayo ang malandi. Bakit niyo ba inaapi si Kym wala naman siyang ginagawang masama sa inyo ha?? Subukan niyo lang na awayin pa siya.Isusumbong ko na kayo kay mama nang makick out kayo sa eskwelahan na 'to" -mac.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon