Yannah's POV
Masama pa rin ang pakiramdam ko. Nasa court ako ngayon. Tumatambay ako dito palagi dahil Hindi na ako umaatend ng practice sa tennis. Wala na rin namang ganap na sports events dito kaya ayos lang na wala na akong practice. Malapit na rin magbakasyon ang mga estudyante at syempre kasama ako dun. Inaasikaso ko na rin ang gaganapin na race car event ng CJM company. Nagpasa na ako ng requirements kaya automatic na kasama na ako sa isa sa mga lalaban.
"Yannah, sama ka sa amin? kakain kami sa labas" aya sa akin ni Kurt.
"Sige lang"
Wala naman din akong magagawa dahil wala naman akong makakasama sa bahay kapag tinanggihan ko ang alok ni Kurt. Sasama si Athena sa boyfriend niya, syempre tropa tropa yan noh. Si Madison din sasama yan dahil kasama si Arkin. Ewan ko ba dun sa dalawa Hindi ko malaman kung sila ba o hindi. Nagkaayos na din naman kami ni Madison. Ewan ko kung paano nangyari. Kinausap ko lang siya isang araw tapos OK na.
Nakalimutan ko na isasama pala nila si Joshua. Ang taong iniiwasan ko. Babawiin ko pa sana yung pagpayag ko kaso wala na pala sila sa court. Nauna na siguro. Mga ulopong na yun. Hindi man lang ako inaya.
Lumipas ang oras na wala akong ginagawa. Nakahilata lang ako sa higaan ko at pinagmamasdan ang kisame.
'Ano kayang pwedeng gawin?' tanong ko sa sarili ko.
Napukaw naman ang atensyon ko Kay Madison na patuloy pa rin hinahalukay ang mga damit niya. Ang kalat kalat na nga ng room namin. Mas lalo pang kumalat dahil sa mga damit niyang isinukat.
Napabuntong hininga naman ako.
"Ano bang ginagawa mo?" buryo kong tanong. Para kasi siyang aligagang aligaga na naghahanap sa damitan niya. May diamante ba dyan? Kung bakit ganun na lamang ang paghahalukay niya?
"Naghahanap ako ng damit. Hindi mo ba nakikita?" irita niyang sabi habang hinahalukay ang pinakadulong parte ng aparador niya.
Maya maya napangiti siya ng makita niya ang damit na hinahanap niya. Baliw ata tong babaeng to eh. Psh.
Napaharap naman ako sa kaliwa ko. Nakita ko naman si Athena na tinitignan ang tatlong damit. Magkakaiba ang disenyo pero para sa akin magkakapareho lang naman silang damit. Pinapanood ko lang siyang mairita. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako na parang nanghihingi ng tulong.
"Bagay ba??" tanong niya sa akin. Tinignan ko naman ang damit na iniharap niya sa katawan niya.
"Ewan ko. Wala akong alam dyan sa mga damit damit na yan"
"Basshhiieee!!! Mas bagay to sayo" sabi naman ni Madison sabay pulot ng damit na nagustuhan niya.
"Seryoso?" tanong ni Athena. Maganda naman yung damit kaya ayos na rin. Tumango naman si Madison.
Natuwa naman silang dalawa dahil may napili na silang damit na susuotin.
"Okay na kayo? So pwede niyo ng iligpit yang mga damit na yan? " sabi ko sa kanila. Sobra na kasing kalat. Pati harap ng cabinet ko may kalat na rin eh.
Naligo na silang dalawa at ito ako inililigpit ang mga kalat nila. Badtrip!! Inaalis ko kasi ang mga damit nila na nakakalat sa cabinet ko. Mamaya maghalo halo ang mga gamit nila sa gamit ko tapos hahanapin nila sa akin. Ayoko pa man din ginagalaw ang mga gamit ko.
Habang inaayusan nila ang sarili nila. Naligo na ako at nagsuot ng pantulog. Hindi na ako sasama sa kanila. Tsk, maglalaro na lang ako dito ng LOL sa room.
Ayos na sila lahat lahat at hinihintay na lang nila ang mga jowa nilang sunduin sila.
"Oi Madison, Ano bang relasyon niyo ni Arkin?" tanong ni Athena habang inaayos niya ang sling bag niya.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Novela JuvenilMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...