Lambingan moments

10 0 0
                                    

Yannah's POV
Nagising ako sa mga click ng camera na naririnig ko at mga ngisian na mula sa mga ulopong kong kaibigan. At naramdaman ko din ang bigat ng bandang braso ko dahil sa may nakapatong pang braso. Pumikit lang ako para hindi nila mahalata na nagising na ako. Badtrip!!  Ano na naman bang Kalokohan ang ginawa ko kagabi? Bakit magkayakap kami ni Joshua?

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Joshua sa akin. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakaharap ako sa dibdib niya. Kausapin ko kaya 'tong dibdib niya, sasagot kaya 'to?

"Oi pre,  kayo na??" rinig kong tanong ni Jaycob kung hindi ako nagkakamali sa kanyang boses yun.

Wala namang sinagot si Joshua at naramdaman kong umalis bigla ang mga taong chismoso. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin at bumaba siya ng kaunti para magkaharap kami. Hindi ko naman pwedeng sabihin na gusto niyang masilayan ang maganda Kong mukha dahil Hindi ko naman hawak ang utak niya noh. Malay ko bang pinagtritripan lang ako nito.

Nang magkaharap na kami. Nararamdaman ko talaga ang lapit niya sa akin. Face to face kami. Kulang na lang idikit niya ang ilong niya sa ilong ko. Sa sobrang dikit niya sa akin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba ganito?  Inaatake na ba ako sa puso o may sakit na ako sa puso?  Pero teka lang ano bang ginawa ko kagabi? 

Habang pinipilit ko ang utak kong alalahanin ang naganap kahapon. Wala talaga at napapikit ako ng madiin dahil sa pagpitik ng ugat sa utak ko. Sheeeetssssss, hang over. Tuta. Ang sakit ng ulo ko huhuhu. Naramdaman ko naman ang palad na dumampi sa pisingi ko na hinahaplos ako. Napadilat ako sa ginawa niya.

Ngayon hindi nakakakita na ako, Hindi na puro pakiramdam. Char~. Nakita ko ang malalim niyang mata. Matangos niyang ilong. Tapos yung labi niyang ma --

Hindi ko natuloy ang paglalarawan sa pagmumukha niya dahil bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko.

"I love you too"

Agad naman akong umalma. Bakit niya ako sinabihan ng ganun?

"Nababaliw ka na?" tanong ko sa kanya at abah! Si ulupongers, ngumiti.

"Oo,  sayo"

Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagtritripan ako nito eh. Sinamaan ko talaga siya ng tingin dahil sumasakit na talaga ang ulo ko at mukha pang aso ang katabi ko.

"Wala ka bang naaalala sa nangyari kagabi? "

"Wala?! At ayaw ko ng alalahanin pa" sabi ko. Mas okay ng hindi ko maalala ang nangyari kagabi dahil alam ko na, na may kahihiyan na naman akong ginawa. Kilos pa lang ng ulopong na to.

Hihiwalay na sana ako sa yakap niya kaso hindi ako makaalis sa bisig niya.

"Ano ba yun?! Bitawan mo na nga ako" irita kong sabi sa kanya.

"Pahingi nga ng isa" nakangiti niyang sabi. Para talagang sira 'to.

"Anong isa??" nakairap kong tanong.

"Ito oh, isa" sabi niya sabay halik ng mabilis sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya sinipa ko ang ano niya.

Nakahiwalay naman agad ako sa kanya at tumayo na. Lintek lang ang walang ganti. Ha?! Akala niya ah. Umalis na ako sa sala at dumiretso sa kusina. Nakita ko naman sila na kumakain. Pumunta muna ako sa banyo at ginawa ang ritwal ko para mas lalo akong gumanda. Pak ganurn.

Pagkatapos kong gawin ang ritwal ko. Lumabas na ako ng banyo. At dahil kumakain sila, kakain na rin ako.  Hehehehe. Ayokong walang kasabay sa pagkain noh. Kumuha ako ng isang plato. Umupo na ako sa bakanteng upuan at nakita ko naman si Joshua na pumasok sa kusina. Tinignan niya ako ng masama at nginitian ko lang siya. Napakunot naman ako sa nakikita ko.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon