Kymberlie's POV
Lumipas ang ilang araw ay nagsimula na ang Green Land High na gumawa ng mga aktibidades sa eskwelahan. Ngayon ay T.L.E month. Ano kaya ang sasalihan kong contest???Makapagisip nga.....
Magfruitcarving na lang kaya ako o kaya quiz bee?? ano kaya??
"oyy!!" sigaw sa akin ni Madison. Muntanga lang eh. Yung pasyente ko talaga lumalala na kailangan ko ng makapagtapos para magamot ko na ang mga to.
"bakit lutang ka na naman?" lutang? di ako lutang. Palagi niyo na lang sinasabi na lutang ako pero hindi naman talaga. Nakakabwisit kaya yun. Madami lang akong iniisip kaya Hindi ko nasasagot ng matino ang mga tanong niyo. Magkaiba ang madaming iniisip sa lutang not?! Inirapan ko na lang siya, bahala siya dyan.
"wow umiirap si lola" ano ba? Hindi ako Lola noh?! Mas bata pa nga ako sayo.
"maghanap ka nga ng kausap mo" sabi ko. Makabalik nga sa pagiisip.
"Yannah!!!!" sigaw ni Jaycob na lumapit naman agad kay Yannah at inakbayan pa. Mukhang makakanood ako ng action movie ngayon ah. Natawa naman ako ng payak.
At ayun nga tulad ng sinasabi ko hinawakan ni Yannah ang braso ni Jaycob at nilagay sa likod ng lalaki. Then tulak sabay sipa pa ng babae sa pwet nung lalaki. Hahaha, panes galing ni bespren. Nababadtrip na naman kasi ang babaeng yan dahil sa inosenteng uniform na suot suot niya. Tsk Tsk kawawang uniporme mimurder na sa isipan ni Yannah. Ayaw niya kasi ng maiikling damit.
"Oi yannah, anong activity yung sasalihan mo ngayong month??" tanong ni Madison. Makalapit nga baka makakuha ako ng idea kung saan ako sasali.
"WALA" tipid niyang sagot.
"WALA?!" ulit namin ni Madison. Wala siyang sasalihan?! Sayang naman ang + grade kapag sumali ka sa mga contest.
"oo, wala naman akong kaalam alam sa mga yan. Quiz bee? Anong isasagot ko din. Ni hindi ko nga alam Kung ano ang pagkakaiba ng vitamin A-Z. Kung meron bang vitamin M? Fruitcarving?! Nako baka mamurder ko Lang yung prof na nagpapacontest nun. Cooking contest? Huh?! Magaling ako dyan. Magaling manira ng taste buds ng mga judges" sabi ni Yannah. Hahaha. Palibhasa kasi nakahilata lang siguro to nung nagturo ang teacher sa T. L. E. Sitting pretty lang tas kumakain Lang siguro yan kapag cooking session na ng subject na yun. Naaawa tuloy ako sa mapapangasawa niya.
Napailing na Lang kaming dalawa ni Madison. Kahabag habag naman si Yannah.
"kailan ang quiz bee??"tanong ko. Lahat na lang sasalihan ko para walang problema.
"sa Thursday" sabi ni Madison habang nakatingin sa schedule ng T. L. E month.
Pagkatapos ng matagal tagal na daldalan. Pumunta na kami sa cafeteria.
"si Athena??" tanong ni Madison. Oo nga, nasaan na yung babaita na yun kanina pa siya wala. Kagabi Di ko rin yun nakita dahil tulog na siguro ako ng dumating siya.
"nasa music room nagprapractice para sa club nila" sagot ni Yannah.
"ano ba yan? kaaga aga busy na agad si Athena"komento ko. Buti pa kami petik petiks lang hahaha malayo pa ang intrams. Minsan nga Hindi na ako umaatend ng practice dahil masyado pang basic ang ginagawa.
*kriiiiiiiiiiiing*
Math na naman, nababadtrip talaga ako kapag math andaming numbers. Magagamit ba namin yan sa pangaraw araw na buhay namin? Aanhin namin si X at Y kaya ang daming naghuhugot diyan sa dalawang variable na yan. Nagpapahanap pa Kasi. Badtrip.
"asdfghjklpoiuytrewqzxvvcbnm" yan, yan ang naririnig ko sa teacher ko. Wala akong maintindihan parang yung prof namin nagsasalita ng ibang lengwahe. Hindi ko na maintindihan. Mulat ang mata ko pero tulog ang utak ko.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...
