Madison's POV
Matapos ang ilang araw na palagi kong kasama si Arkin. Nakalimutan ko na rin. Nagkausap na rin kami ni Lance eh. Sainabi ko sa kanya na Okay na ako.Yun lang,mahirap na baka bumukas na naman ang topic na ayaw na ayaw ko.
"ui maddison, kumain ka na??" tanong ni Kym sa akin. Umiling na lang ako at hinila siya, wala pa namang bell eh.
"anong kakainin natin??"-kym
"malamang pagkain" bara ko sa kanya. Ang sarap talaga mang asar ngayon.
"alam kong pagkain. Ano ko tanga para hindi malaman na pagkain ang----" pinutol ko na ang sasabihan niya.
"bakit ka pa nagtatanong kung hindi ka tanga?"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng may nakita akong babaeng napakaganda. Pucha natitibo ako.:-)
"Oi Kym ang ganda oh" sabi ko kay Kym.
"hmmp mas maganda pa ako dyan" sabi niya. Mukha mo!!!! may shape kaya yung babae eh, ikaw???
Matapos kumain nagkulong na kami sa room. Para kasing rehas ang room namin may mga bakal na parallel.
"GOOD MORNING CLASS!!!" sigaw ni Ma'am na kararating lang. Pucha para naman nakalunok ng mic si Ma'am. Pasalamat siya hindi speaker yung diniscribe ko.
Nag-ayos na ang lahat dahil nandyan na si Ma'am halimaw. Sino ba naman di aayos dyan kung makapagparusa, ang hirap.
"OK CLASS NOH. OUR TOPIC FOR TODAY NOH IS ANG PAGGAWA NG PROPAYL" habang nagsasalita si Ma'am, nagiingay kami kaya sumigaw siya ng
"HOY STUPID PEOPLE NOH"
Lahat kami tawa ng tawa dahil sa pagsasalita niya. Hahaha kaloka ka Ma'am. Pwede bang alisin ang noh sa pagsasalita???
Nagdiscuss lang sya kung paano ang gagawin sa propayl na sinasabi niya. Alam niyo yung nakikita nyo na parang clown ang teacher dahil halos lahat kami tumatawa kapag nagsasalita siya.
"Ok class dismiss"
Nagdaldalan lang kami sandali dahil dumating na ang teacher namin na inlove na inlove kay sir ngayon. Sa pagkakaalam ko bawal magPDA ang mga teacher na magkarelasyon. Eh bakit sila?? hinahatid pa ni sir si Ma'am??. Tsk tsk report ko yan sa DepEd eh. Bawal yan eh.
"Good morning class" bati niya sa amin.
"Good morning ma'am" bati rin namin sa kanya. Ano naman kayang topic?? sana matino.
"ok class ang paguusapan natin ngayon ay ang love pero bago yun. Sino muna ang NBSB sa inyo??"
Seriously? yan ang topic namin??. Pucha alam namin inlove ka, wag mo kaming idamay bata pa kami.CHOS hehee.
"Oi kym taas ka na??" pilit ni Yannah sa kanya. Ano na naman bang kalokohan yan?? Ang pagkakaalam ko si Yannah ang NBSB sa aming apat ah.
"Ikaw kaya magtaas, wala ka pa ngang boyfriend since birth eh" laban naman ni Kym.
"Ahh ayun ba ang ibig sabihin nun akala ko No Boobs Since Birth pfft---hahahahaha" -yannah.
Pucha napatawa na lang ako. Grabe naisipan pa talaga niya yun ah. Buong klase nagsitawanan hahahah kaya yung mga boys inaasar ang mga flat chested sa room. Woooo ang saya ng topic na 'to.
"The best topic 'to Ma'am" sabi ng isa naming classmate.
Sumeryoso si ma'am at nahalata namin na galit na siya kaya tumahimik na kami.
"please, stand up Miss Rodriguez" sabi ni Ma'am.
Hala lagot hahahahaha ngayon ikaw naman ang pagtatawanan namin.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Novela JuvenilMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...