Guys tuesday na ang day nito ah...
Joshua's POV
Nandito ako ngayon sa labas hinihintay ang co players ko. Lalaban kasi kami sa ibang school. Ang aga ko ngang magising eh. Kainis tapos maghihintay lang ako dito. Abah matinde.
"Oi Joshua umakyat ka na nga dito" aya sa akin ni Arkin.
"tss" sabay akyat ko sa bus. Magkakasama ang volleyball, basketball at tennis players sa iisang bus. Pumwesto ako sa gitna ng bus at sa malapit sa bintana. Makatulog nga muna. Ang babagal kumilos ng mga babae eh. Naglagay ako ng earphones sa tenga ko. Hindi pa nagiinit ang pwet ko, may nagpapaalis na agad sa akin. Tss tinignan ko si Yannah.
"ako dyan" tipid niyang sabi. Abah ano ka sinuswerte?? tinitignan ko lang siya.
"sige na please" pagmamakaawa niya.
"tss marami namang vacant sit dyan ah" reklamo ko. Ang dami dito pa talaga balak umupo.
"ayoko dun, sige na" Hayy nakakainis naman. Pasalamat talaga siya gentleman ako kung hindi naku. Tumayo na ako at padabog na lumipat sa upuan na katabi niya. Pwede naman siyang tumabi sa akin eh kaso pinaalis ako sa pwesto ko.
Tinitignan ko pa rin siya. Ano kayang problema nito?? Balot na balot. Nakat-shirt na makapal tas samahan mo pa ng makapal rin na jacket. Ang ginaw ba ngayon? bat di ko ramdam??.
"anong tinitingin tingin mo dyan??" mataray niyang sabi. Meron ba to??
"wala sabi ko malamig ngayon" bulong ko sa sarili ko. Buti di niya narinig. Makapagsoundtrip na nga lang. Pagpasok ni Yannah dumami na ang tao sa bus. Nagkalaman na rin ang mga vacant sit kaya umandar na rin ang bus.
Pupunta pala kami sa dating kong school para makipaglaro. Ayaw ko sana sumali dito kaso kailangan eh. Ayoko na kasi balikan ang mga alaala na dapat kinakalimutan na. Lumipat ako ng school para lang makalimutan siya.
Nagulat kaming lahat ng biglang nagbreak yung driver. P*ta.
"Takteng iners naman oh" sigaw ng katabi ko. Nauntog yata.
"ano ba yun kuya??" tanong ng nasa harapan.
"yung pusa kasi tumawid" sabay kamot sa batok ni kuyang driver.
"putspa, nadagdagan ata sakit ng katawan ko" bulong ng katabi ko at hinawakan ang masakit sa kanya.
"Oi ok ka lang??" tanong ko sa kanya. Hindi na maipinta ang mukha sa sobrang sakit.
"sa tingin mo ok lang ako??" Abat binalik niya lang ang tanong ko ah. Hindi na nga lang ako umimik. Mabadtrip pa ako sa kanya.
"Guys para naman hindi boring dito. Laro na lang tayo" aya ni Jaycob sa amin. Nagsitinginan naman sila at tumango na parang sang ayon.
"manahimik ka na lang dyan Jaycob gumagawa ka lang ng ingay" bulyaw ni Yannah kay Jaycob.
"tss KJ mo!! sino sasali??!!" pagpapatuloy niya. Nagsitaasan naman ng kamay ang mga iba.
"ano bang laro???" tanong ni Louise
"tagu taguan" pabirong sabi ni Jaycob. Natawa na lang ang mga kasama namin sa kanya.
Natahimik ang lahat ng biglang tumayo si Couch at nagsimulang nagsalita.
"Kailangan mapanalo~" hindi na ni Couch natuloy dahil nagsipikitan na parang natutulog na.
"mamaya na lang Couch inaantok na kami" sabi ni Jaycob. Makatulog na nga lang rin mamaya ako pa ang kausapin ni Couch eh, non sense yan kausap eh. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga estudyante sa Greenland kaya mabilis naging komportable ako dito. Konti pa lang ang mga kaibigan ko dito pero alam ko darating ang araw na dadami rin sila.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Novela JuvenilMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...