Athena's POV (Ito'y kasabay lang ng POV ni Madison)
Nasa mall ako ngayon at nagwiwindow shopping. Woahh ang ganda nung damit na yun. Bagay siya sa akin. Ang cute ng bag. Naglalakad ako ng may makita akong kpop store.
Ang ganda talaga. Mas maganda ang Miss A kaysa sa mga Girls Generation. Joke parehas lang sila maganda hehehe. Parehas din naman Kasi silang koraeana kaya magaganda sila pero mas maganda pa rin ako.
Ayokong magkagulo ang industry ng mga kpop ng dahil sa akin. Magulo na nga guguluhin ko pa. Madam kayang immature fans sa panahon ngayon. Akala mo naman avid na samantalang 2months pa Lang sila fan.
Nagtingin tingin pa ako ng mga kpop items. Ang gaganda lahat mga hikaw,necklace,at sing sing. Hindi na ako nagtataka kong bakit gusto na gusto namin ang kpop.
Pagkatapos kong magtingin tingin, bumili ako ng apat na dogtag. Dalawang kandado at dalawang susi. Hahaha cute ng design. Mahilig Kasi ako sa mga bagay na maliliit tapos may mga disenyong detalyado. Simple at may dating para sa akin ang mga ganun. Siguro kay Yannah at akin yung susi tas Kay Madison at Kym ay yung kandado. Kasi favorite ko yung susi eh.
Naramdaman ko ang gutom habang nagshashopping ako kaya pumunta ako sa isang fast food chain na una kong nakita. At magoorder na Sana ako pero may biglang umakbay sa akin.
"hey Athena" bati niya. Naramdaman ko ang braso niyang napakabigat at basang basa ng pawis. Kadiri naman nito.
"bitawan mo nga ako. Kadiri" sabi ko. Ito may atraso ka pa nga sa akin eh. Hindi niya pa kasi ginagawan ng beat yung kakantahin namin sa araw ng presentation namin sa Club. For sure, madaming manonood.
"tss. Libre kita" sabi niya. Talaga?Sorry, hindi ako tumatanggap ng suhol.
"No thanks na lang" sabi ko.
"tss. Ang Kj mo" sabi niya. "Birthday ko pa naman ngayon" dagdag niya sabay simangot.
Huh? Bithday niya ngayon? Woahh Happy Birthday kaso di tayo close.
"Alvin! Ang tagal mo" sabi ni Yannah. Bakit nandito si Yannah? Totoo bang Birthday niya? Napatingin si Yannah sa akin.
"oh anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Kadiri naman din 'to pawisan pa. Ginawa nilang bahay ang mall. Ang dudugyot. Hindi man Lang nagbihis
"Di ba dapat ako nagtatanong niyan sayo?" tanong ko. "at tsaka kadiri ka ganyan suot mo nasa mall ka" komento ko.
"tss pinilit kasi nila ako kaya wag kang maginaso diyan. Tsaka Ano bang paki ng mga tao dito? May sari sarili silang dapat pagkaabalahan kaya Hindi na nila yan mapapansin" sabi niya
"By the way. Ano bang gagawin niyo dito?" tanong ko. Hindi naman siya mahilig magmall eh at Kung bakit ang dudugyot nilang pumunta ng mall. Pwede namang magpadelivery na Lang sila.
"Kasi talo sila sa laro , kami panalo kaya kami nandito. At kailangan nilang gawin ang dare" explain niya.
"eh anong yung dare?" tanong ko.
"manlilibre siya" sabi niya. Hindi niya ba alam na birthday ni Kent kaya siya manlilibre. O baka nagsisinungaling lang talaga sa akin si Kent.
"sige na balik na ko sa upuan namin" sabi niya sabay alis.
"ano? sama ka sa amin?" tanong naman ni Kent.
"hindi ba nila alam na birthday mo?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. Baka talagang ang alam nila ay manlilibre lang talaga siya. Kawawa naman.
"sige sama na ako. Saan ba kayo pupunta??" tanong ko at bigla siyang ngumiti. May topak para tuloy siyang joker sa ginawa niya.
"aah dito lang tayo dahil alam kong si Yannah hindi papayag na ikotin ang mall ng ganun ang kanyang suot" sabi niya. Nagtungo na kami sa counter para umorder.
BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Подростковая литератураMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...