SUNDAY

182 14 1
                                    

Kym's POV

Napabuntong honing na naman ako. Nakakaboring sa bahay na walang kabuhay buhay. Dapat pala hindi na lang ako umuwi. Naboboring ako dito sa bahay, lahat sila may sari-sariling mundo. Makapagbukas nga ng T.V.

"ate wag mong buksan ang T.V,  maingay" sabi ng kapatid kong babae na kasalukuyang nagbabasa ng kung ano.

"Pumunta ka ng sementeryo Kung ayaw mo ng ingay" inis kong sabi . Kainis siya palibhasa matalino kaya nagkakaganyan. Matalino rin naman ako kaso mas matalino siya. He he he.

Nonood ako. Pinanonood ko yung mga kaechosan ng mga koreana.

"ano ba yan mas maganda pa ang komersyal kaysa sa palabas" bulong ko.

Andami kasing alam ng palabas. Buti pa ang komersyal nakikita ko ang baby sehun ko. Kaso binabalita naman yung tungkol sa karelasyon niya. Bwisit man pero mahal ko pa rin siya.

"annyeonghaseyo" sabi ng isang kpop na gwapo rin. Woaaahhhhh. Ang wafu niya. Siya na ata ang future husband ko.  Geush. Pinanood ko ang Show nila at pagkatapos ay pinatay ko na rin ang T. V. Masyado na akong natutuwa sa mga koreano kaya Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Annyeong lang ang naintindihan ko. Minsan pa nga wala pang annyeong eh hanggang sa Hindi ko na talaga maintindihan.  Nagiging alien talk na sila para sa akin.

Itetext ko na nga lang ang mga may topak kong kaibigan. Ay!! hindi ko na lang sila itetext, tatawagan ko na lang sila total mayaman naman ako charot para naman marinig ko rin ang mga boses nila. Nakakamiss eh.

Isang ring pa lang sinagot na agad ni Madison. Hindi halatang miss niya ako. Ang bilis sumagot eh.

"oi hi Kym!! Miss na kita!Nakakaboring dito sa dorm!promise!" bungad niya. Grabe wala lang siyang mapagtripan kaya niya ako namimiss eh. Wala din siyang kasama minsan at ako Lang ang nagtyatyaga sa kanya Kasi alam niyo naman may sakit 'yang  tinatago na Hindi nila maintindihan at ako Lang ang kayang makaintindi sa kanya.

"nasaan sila? bakit parang walang maingay?" tanong ko. Kasi naman eh. Bakit wala sila? Tumawag nga ako para marinig ko ang boses nilang lahat.

"ah sila? Si Athena nasa baba kumakain at si Yannah ayun tulog pa rin"

"aaahhh gisingin mo" suggest ko. Haaha gusto marinig yung sigaw niya eh.

"ano ka? galit yan sa akin kaya wag na" katwiran niya. Natatakot Lang yan Kay Yannah eh.

"mukha mo! ano naman ang kasalanan mo kung bakit galit yan?" tanong ko.

"basta, ikwekwento ko na lang dito kapag nandito ka na" sabi niya

"ayy!!kailan ka ba uuwi??" tanong niya. Miss na miss na talaga ako ni Madison.

"malamang bukas! Bawal ako umabsent" sigaw ko sabay baba ng cellphone.

"Kym!" tawag ni mommy. Ano na naman kaya yun??

"Maggrocery ka nga" utos niya. Sasalungat na sana ako kaso wag na lang wala naman ako sa katwiran eh. Minsan na nga lang magbakasyon dito,  uutusan pa.  Tsk tsk. Wala din naman akong mapapala sa kapatid Kong nerd.

Supermarket......

Naglalakad ako habang may hawak na papel na kung saan nakalagay sa papel ang aking bibilhin. Nagpalinga linga ako para hanapin ang mga pagkain na bibilhin ko

"✅ Milk powder
✅ vinegar and soy sauce
✅sanitary pads
✅soap
✅Snacks
     Sugar
Isa na lang ang kulang ko" bulong ko. Ang galing ko bumulong noh. Halatang hindi.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon