FUTERIA

179 17 4
                                    

Madison's POV

Habang nagklaklase kami may kumakalabit sa akin. Muntanga lang. Kapag kinakausap ko naman siya palaging pambata ang boses. Kairita. Padala ko na kaya to sa mental ng matauhan. Ansaya nga eh kapag ako nangaasar nagagalit agad. Bwisit na Yannah. May topak na naman.

"Hoy bakit lumilipad yung ibon??" kulit ni Yannah. Pucha pati ba naman yan tatanungin sa akin? Balik nga siya ng grade 1 para malaman niya. Nagkibit balikat na lang ako.

At ang ginawa niya kinulit si Athena pero di rin siya nakatagal kasi badtrip si Athena. Buti nga sa kanya. Muntikan na nga siyang masampal eh.

Si Kym naman kawawa paglapit ni Yannah *pak* isang malakas na hampas na inabot ni Kym sa bras hahaha.Malapit ng umiyak si kym. Paulit ulit lang ang paghampas ni Yannah kay Kym. Kaso may umeksena si Jaycob. Nako Jaycob wag kang sasama dyan baka maging autistic ka na rin.

"Oi tama na yan, nasasaktan na ang baby ko" rinig kong sabi ni Jaycob.Woaah pinagliligtas. Nagsihiyawan naman ang mga tropa ni Jacob at inasar silang dalawa.  Kung si Jaycob kinikilig,  si Kym naman inis na inis. Hahaha

"Sige na nga baka umiyak ka rin eh" sabi naman ni Yannah. Sira.

Nang magbell nagsama-sama kami sa LRT. Ewan ko ba kung bakit LRT tawag dito. Wala namang tren kung bakit LRT? baka tinawag siguro tong LRT kasi mahaba, yun na yun. Kainan naman to, Hindi sakayan. At sa LRT may nakaupong dalawang babae at yun ay ako at si Kym. Kami lang dalawa.

"Oi bakit tayo lang dalawa?" tanong niya. Kasi nakikipaglandian yung dalawa nating kaibigan kaya tayo lang dalawa. Yan dapat ang isasagot ko. Malalandi sila, walang forever?!

"ewan" no comment na lang ako. Zip my mouth.°~°

"aalis muna ako ha?? kasi may kailangan akong isearch sa library kaya byeee~" hala.. wag mo kong iwan dito. Balita ko pa naman may nagpaparamdam dito. Hahabulin ko na sana kaso tumakbo. Ang bilis tumakbo parang kabayo. Tsk tsk kailangan ko na siyang dalhin sa field para makipagkarera sa kapwa niya kabayo. Nang magkapera naman ako.

Now, ako na lang ngayon magisa tapos na rin naman kami kumain kaya magbabasa muna ako. Habang wala pa sila. Binabasa ko ngayon ang libro ni Bob Ong. Kung sa kanila puro Nicholas Sparks pwes ang pinas may Bob Ong noh. Pinapakita dito ang nakakatawang kultura ng mga Pinoy. Nakakatawa nga bawat kabanata. Nagbabasa pa rin ako pero may naramdaman akong kakaiba kaya inistop ko muna. Nung pag alis ko ng libro sa pagmumukha ko may nakita kong gwapong lalaki kaso may topak. Inisnob ko lang siya.

"ano yan?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot dahil obvious naman kung ano to.

"alam mo maganda ka sana kaso ang sungit mo" maganda talaga ako. Sino nagsasabi hindi ako maganda?

Tumayo na siya at umalis. Nakita niya siguro akong seryosong nagbabasa at hindi na inistorbo pa.

Matapos ang isang oras pumasok na ako sa room. Buti wala pa si Ma'am. Umupo na ako sa tabi nung Arkin.

"good morning class" obvious naman siguro kung sino yung dumating. Kailangan ko pa bang ilarawan para malaman niyo?  Ang karaniwang sinasabi ng mga guro pagpasok ng silid.

Nakikinig ako ng maigi baka may recitation na mangyari. Mapahiya pa ako sa kalagitnaan ng klase.

"Bacteria consist of very diverse group. They have have varied shapes. They can be found in almost all kinds of place, in soil, water and air" basa ng isa sa mga kaclassmate ko. Si Patricia ata. 'Smile eyes' tawag ko diyan eh. Kaibigan yan ni Kym pero di ko siya close. Ang ganda kaya ng mata niya pero mata lang naman sa kanya. Hindi tulad ko na maganda lahat. Kaya nga I'm so gorgeous.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon