Madison's POV
Papauwi na ako sa dorm katatapos ko lang kasi tumambay sa music room. May inaabangan kasi akong magpiano. Lalaki siya nakatalikod. Ang ganda kasi ng pagpiano niya. Perfect na perfect. Hindi na ako magtataka kung si Kent yun. Magaling naman si Kent magpiano eh. Speaking of, nasaan na kaya yun??. Ako na nga lang magsasabi sa kanya dahil mabagal kumilos si Kym, kasing bagal ng pagong.
Hinanap ko si Kent sa buong building pero wala.
"saan kaya yun??" bulong ko.
"sino??" tanong ng tao sa likod ko.
Hinarap ko siya. "aahh,buti nakita na kita" sabi ko. Nung nakita ko mukha niya ang lungkot.
"Kent, bakit ang lungkot mo??" tanong ko sa kanya.
"hindi kasi ako pinansin ni Athena eh"
"tss. Syempre awkward yun noh" natahimik kami sandali" by the way tulungan ka na lang namin"
Biglang sumaya ang mukha niya. Wow ang galing naman ng mood niya, nagtratransform.
"pero kailangan pagtinulungan ka namin 1week dapat kayo na ah" sabi ko.
Gusto kong madaliin eh. Hahaha cute couple kaya nila. At saka magkakaroon na ng lablayp si Yannah. Hahaha.
"uhmm pwede bang makuha ang number mo kasi para matawagan kita kapag may meeting" sabi ko. Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya at ibinigay sa akin. Kinopya ko ang number niya.
"thank you" sabi ko sabay umalis na.
Nasabi ko na sa kanya. Hay malapit na. Malapit na talaga.
Tumakbo na ako sa dorm. Yes!! sana magwork.
"Kym!!!!!!" tawag ko sa pangalan niya.
Wala akong pakielam sa mga kapitbahay ko. Pagpasok ko sa room namin, wala siya. Si Athena lang ang nandito. Natutulog siya, ang aga niya naman dito. Dati, hindi naman siya umuuwi ng maaga.
Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya, wala naman siyang lagnat. Piniling ko ang ulo ko, mali ang iniisip ko.
Nagpalit na ako ng damit ko at umalis na sa dorm. Hahanapin ko si Kym.
Habang naglalakad ako sa hallway may nabangga akong babae.
"ay sorry" paumanhin ko pero nung nakita ko yung mukha ng nabangga ko. Dapat pala hindi na lang ako nagsorry, hindi naman kasorry sorry ang mukha.
"bobo ka ba??!!!" sigaw niya sa akin.
Sa mga hindi nakakaalam, si Brenda po ang nabangga ko. Ang queen bee ng campus na ito. Mataray. Maganda naman pero ang panget ng ugali at ang sarap ibitin sa pader hanggang umakyat ang dugo sa Ulo niya. Ang yabang kasi. Naku!! kung hindi ako mabait matagal ko na yun ginawa sa Kanya.
Nakayuko lang ako sa harapan niya. Hindi ko siya malabanan dahil marami syang kakampi. Actually mas marami akong kakampi pero good girl ako.
"NGAYON HINDI KA MAKASAGOT!! SO TOTOO??!! BOBO KA NGA!!" sigaw niya ulit. Bahala ka dyan, maputol sana ang ugat mo sa leeg kakasigaw. Hindi pa rin ako nagsasalita hanggang may biglang sumingit.
"ang alin?? yung bulaklak??... Bobo ka ang bulaklak" inosenteng sabi ni Yannah. Baliw talaga tong babae na to. Madamay ka dito, bahala ka dyan.
Tinignan ko si Brenda ang sama na ng tingin niya kay Yannah.
"hoy!! Ikaw babaeng flirt na mahilig lumapit sa mga famous boys" ang mga famous boys na sinasabing niya ay sila Kent, Mac at yung mga kasali sa basketball team namin including na rin pala dun sila Joshua, Lance at Arkin.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Roman pour AdolescentsMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...