Kym's POV
Everything was a mess.
Napakagat ko sa baba ng aking labi. Sa isang sulyap lang, sa isang sandaling pagpikit ng aking mata. Wala na ang masasayang tawanan mula sa mga taong importante sa akin. Parang dati masaya pa kami nagtatawanan pero ang tawanan iyon ay mapapawi ng isang mabilis na hangin dumaan lang sa amin.
Ang dating apat ay naging tatlo.
Ang tatlo ay naging dalawa.
Ang dalawa ay naging isa.Pagkatapos ng aksidenteng iyon. Ilang linggo, hindi pa rin gumigising si Yannah. Masyadong natamaan ang ulo niya kaya siguro hindi na gumising. Mas gugustuhin niya pang matulog ng mahabang panahon para hindi niya maramdaman ang sakit ng ulo niya. Nakakatawa lang kasi kapag dating masakit ang ulo niya, tinutulog niya na lang o kaya ihahampas niya sa pader pero alam mo namang Hindi niya sinasaktan ang sarili niya inuuntog niya yun ng mahina , nagmumukha lang siyang baliw. Pero parang ngayon ang himbing ng pagkakatulog niya. Hindi na yung tulad ng dati na kahit tulog siya yung katawan niya gumagawa pa rin ng kalokohan. Ngayon ko lang nakita ang angel side niya. Mukhang masaya na siya matulog habang buhay.
Sa boyfriend niya namang si Joshua ilang linggo nagising naman siya pero wala siyang naaalala. Hindi niya kami kilala. Ang tanging nasa isip niya lang ay yung panahong sinaktan siya ng babaeng mahal niya. Ang babaeng iyon ay hindi si Yannah kundi ang babaeng nakalaban ni Yannah sa Tennis game dati, si Gwen. Nasaktan kaming mga kaibigan ni Yannah para sa kanya. Binuwis niya ang buhay niya tapos malalaman lang namin na iba pala ang hahanapin ang taong mahal niya paggising. Hindi ko na alam ang balita sa kanya dahil lahat kami nagalit. Pinilit pa nga namin siya na alalahanin ang mga nangyari. Nagmakaawa kami na alalahanin niya si Yannah. Gusto naming alalahanin niya na hindi ang babaeng yun ang mahal niya kundi si Yannah. Kahit yun Lang pero wala eh. Hindi niya rin kami kilala kaya paano niya kami paniniwalaan? How cruel?
Malipas ang ilang pang linggo. Umalis na si Athena sa bansa. Gusto niya pa ngang bantayan si Yannah kaso mas lalong lumalala ang ang sakit niya. Madalas na rin siyang atakihin kaya nagdesisyon na siyang pumunta sa ibang bansa kasama ang kanyang ama. Noong una, nagkakausap pa kami. Kinakamusta ang bawat isa Pero lumipas din ang bawat araw ay parang nawalan ng signal ang pagkakaibigan na aming binuo. Wala na akong balita sa kanya. Hindi ko na rin alam kung naging successful ba ang operation na ginawa sa kanya. Sinubukan ko namang kontakin siya o kaya si Tito pero hindi ko na magawa dahil sa daming kailangang gawin. Kasabay pala ng pag-alis ni Athena, si Lance. Napagdesisyon namin na oras na umalis siya walang komunikasyong magaganap. Parang aakto kami na walang nangyari. Walang pagmamahalan na naganap. Naniniwala kasi kami na kung kami talaga. Pagtatagpuin kami ng tadhana at sa oras na yun. Doon namin ipagpapatuloy ang naudlot naming pagmamahalan.
Inayos ko ang unipormeng suot ko at nagpasyang bumaba ng kwarto para kumain.
"Anong pakiramdam mo ngayon, anak?" tanong ni mama.
Ngumiti lang ako at hindi ko siya sinagot. Alam niyang malungkot pa rin ako sa pagkawala ng mga kaibigan ko. Bigla kasing nagbago ang lahat.
Si Madison. Iba na ang ugali niya kumapara noon. Naging maldita siya sa kahit na sino kahit sa akin. Hindi ko naman na kayang tiisin ang pagmamaliit niya sa akin kaya nag-away kami. Naungkat ang mga dating issues. Ibinalik ang mga nakaraang alitan. Mas lalong nagalit ang bawat isa. Hindi nakatiis kaya umalis na lang. Di ba dapat ako ang gagawa nun? Ako dapat ang mawalan ng pasensya dahil sa inaakto niya. Hindi pa ba sapat na magkasama sila ni Arkin at ako nasa loob ng dorm at nagkukulong lang. Wala ng maingay. Wala ng nagsisigawan. Wala ng tawanan. Tanging ang maririnig na lamang ang hangin na nagmumula sa malamig na parte ng sulok ng silid.
Apat na naging isa.
Hindi ko kaya nung una.
Nasasaktan ako dahil lahat iniwan na lamang ako na parang pusa.
Wala na sila Jaycob. Nagkawatak watak sila. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Basta nagising ako wala ng pakalat kalat na lalaking tropa ni Yannah. Nabuwag din ang basketball team nila. Nakapagtapos ako ng high school na wala kaming litratong magkakaibigan. Hindi man lang nila pinaabot hanggang graduation ang pagkakaibigan namin. Edi sana may remembrance kami na picture.

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...