BODY PAIN OR HEART PAIN

140 14 3
                                    

Madison's POV

Alam kong patuloy lang ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Nakita ko na naman siya. Bwisit. Bakit ba pag kinakalimutan muna tsaka bumabalik?? Nananadya ba 'to?? O nangaasar lang kasi kung nananadya hindi na nakakatuwa.

"MADISON" rinig kong tawag niya. Pwede ba Lance wag mo na akong sundan. Lumayo ka na lang katulad ng ginawa mo noon. Bestfriend na lumayo na lang na walang pasabi.

Habang tumatakbo ako, hindi ko namalayan na naabutan niya na ako. Hinawakan niya ang kamay ko pero pilit ko itong kinakalas. Nang di ko makalas, nagsalita na ako.

"Ano ba?! Lance lumayo ka na!!" habang sinasabi ko yun. Napahagulgol na ako.

Ansakit eh. Ansakit ng puso ko. Bumalik na naman ang mga lintek na alaala na nangyari sa akin noon eh.

"Madison, Hindi ko sinasadya ang pag-alis ko noon. Hindi ko lang talaga--"

"Pwede ba??!!Umalis ka na Lance!!!Leave me alone!!"

"Paano kita iiwan kung alam ko namang Hindi ka okay?!" Wow ha?!  Siya pa galit?!

"INIWAN MO NGA AKO DATI. NGAYON PA?!  NGAYON PA NA PILIT NA KITANG KINAKALIMUTAN!! BAT PA KASI BUMALIK KA PA?!" sabi ko habang hinahampas siya sa dibdib. Naiinis ako sa kanya. Nagagalit ako sa Kanya.  Iniwan niya ako.

"Iba naman ngayon eh.  Pinagsisihan ko na ang lahat. Hinanap din kita pero pinagbawalan ako dahil nagkaroon ng  away ang pamilya nating dalawa"

"Ang hirap Kasi sayo, Hindi ka marunong maghintay. Hindi mo kayang basahin ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. At Hindi ko kayang harapin ka sa ngayon. Iba na ang Madison na nakilala mo dati"

Nagpatuloy na ako sa pagtakbo hanggang nakarating ako sa bench na palaging tinatambayan namin. Umupo ako

Bakit ba palagi na lang nila binabalikan ang mga iniiwan nila??!Kailan naman nakamove on na ako tsaka pa babalik ang alaala na matagal ko ng kinalimutan.

Iniyak ko na lahat pero parang kulang pa ata. Nagulat ako ng biglang may humawak sa magkabilang pisngi ko. Napansin ko na si Arkin yun.

"Pwede ba Arkin!!! Wag mo na ako badtripin. Badtrip na ako!!" sabi ko.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko minsan napapalakas kasi naalala ko nung panahon na iniwan ako ni Lance. Alam kong minahal niya ako pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ako iniwan sa ere. Bakit iniwan niya agad ako?? Bakit hindi niya ako binigyan ng Panahon para mapabago ko pa ang mga salitang pinagsisihan ko. Nagagalit ako sa kanya. Best friend ko siya pero hindi niya pa ako lubusang kilala.

"Bakit!!!!!!!" sigaw ko.

Naalala ko ang last na ginawa ko 'to nung umalis rin si Yannah. Ayokong nakikita ako ng mga kaibigan ko na umiiyak lalo na si Kym kapag umiyak ako dun sasabayan lang ako nun. Si yannah naman gagatungan ka pa kaya lalo kang iiyak. Si Athena seryosong seryoso parang mananapak. Bwisit!!

Natigil ako sa pag-iyak dahil wala na siguro akong mailalabas na luha. Tanging paghikbi na lang ang magagawa ko.

"ano, tapos ka na??" nagulat naman ako dito. Akala ko umuwi na.

"Napapagod rin pala ang mga luha?  Hindi lang pala nag-iisa ang puso" sabi ko.

"Oo naman. Alam mo ang puso parang cellphone lang yan kapag napagod malolowbat at pag hindi na kinaya sa pagkakalowbat mag sha-shutdown at hindi napapagod ang luha, nauubos yan parang bottled water pagbinuhos mo mauubos. Ang napapagod ay yung mga mata mo. Bukod sa mamamaga at mamumula, masasaktan ang mata kaya itutulog mo na lang. Paggising mo, nandyan pa rin ang marka ng pagkakamaga"

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon