Athena's POV
Ilang araw na rin makalipas ng binigyan ako ni Kent ng Flowers and Chocolates. Ano kayang ibig sabihin nun? Iniisip ko pa rin talaga kung para saan yun. At yung sulat na parang tanga pakinggan. Ina Son Ka? Ano yun lason ka?
"Ang lalim ah" sabi ni Madison. Hindi ko napansin na nandito na pala sila. Hay!!.
"oh nandyan na pala kayo" lutang kong sabi.
"hindi, wala pa kami dito nandun palang kami" sarkastik na sabi ni Yannah at sabay turo doon.
"napalitan na ba si Kym?? sa pagiging reyna ng mga lutang??" sabi ulit ni Madison.
"may iniisip lang ako" sabi ko.
"eh ano yun??" tanong naman ni Kym sa akin.
"ge alis muna ako may pupuntahan lang kami ni Jaycob" paalam naman ni Yannah
"ano kayo magdadate??" mapang-asar naman na tanong ni Madison.
"oo, sama ka??" seryoso namang sagot ni Yannah. Yung totoo? may relasyon ba sila??
Bumalik nga tayo sa topic. Para saan ba kasi yung Flowers kaechobanes na yan!!. Sasabog na utak ko kakaisip dyan ah.
"Oi tara na sa room" sabi ni Madison. Nakatayo na pala sila. Ah sobrang lutang na talaga ako.
Umupo na ako sa upuan ko. Hindi kami magkakatabi na Apat. Katabi ko si Kent at ni Mateo Kurt. Hahaha cute kasi ng pangalan niya eh. Ang awkward ng atmosphere dito. Walang kumikibo.
"makalipat na nga muna. Ang ano ng hangin dito" sabi ni Kurt sabay alis.
Spelling A-W-K-W-A-R-D. Woooo nakakailang.
"uhmm Athena. Pwede ba tayong mag-usap mamaya" sabi ni Kent. Ano naman paguusapan namin??
"oo naman,saan ba??" sabi ko sabay ngiti ng pilit pero hindi halata.
"garden" ningitian niya ako kaya nginitian ko rin. Muntanga kami dito nagngingitian. Naputol lang ng dumating ang teacher namin..
"ok class sandalian lang tayo dahil may iaanounce ang inyong adviser" buti naman Ma'am ang boring mo kaya magturo.
Talagang sandali lang si Ma'am. Nagsulat lang ng assigment namin tas sabay alis. Oh di ba?? tsk tsk.Di na nga nakabalik si Kurt eh. Yung totoo? Pumasok Lang talaga si Ma'am para magsulat ng assignment? Puro assignment na lang ba tayo? Wala ng turo turo.
Nagpalit palit na kami ng upuan. Hayy salamat naman nakaalis na rin ako sa tabi niya.
"ano kayang paguusapan natin nila Ma'am" tanong ni kym.
"baka tungkol sa pinagbabawal na utot" biro naman ni Yannah. Tang na akala ko gamot eh.
"anong pinagsasabi mo dyan Yannah?" singit ni Jaycob.
"may nalulong na kaya sa pinagbabawal na utot" -yannah
"Takte Yannah nakasinghot ka na naman ba ng katol" singit ni Kurt.
"hindi pre, medyas sinisinghot yan"singit naman ni Mac
"ulol" sabi na lang ni Yannah
Haha napikon. Tumahimik na sila ng dumating ang maganda naming adviser.
"Hi class. May pagmemeetingan tayo" ano kaya yun??
"tungkol saan ba yun Ma'am?" tanong ni pat.
"Ang ating topic ay miss kalikasan. Pipili tayo ng representative ngayon" explain ni Ma'am.
Tss. Walang kwenta. Lumingon na lang ako kay Yannah. Nakita ko si Yannah gumana na naman ang kolokohan.
"Ma'am si kym na lang. Kapag pinangbato natin siya dapat ang attire niya. Diaper sa ulo at napkin na bracelet o di ba kakaiba. Ako na bahala sa design ng damit."
"pfft ---- hahahahah" tawa namin
"ang hard niyo sa akin" nagsalita si kawawang Kym. Tsk tsk naawa na lang ako minsan dyan eh.
"matigas?? hindi naman kami matigas ah" inosenteng sabi ni Jaycob. Magsama nga kayo. Slow.
"weeeeeeee?" bara ng mga classmate ko kay Jaycob. Wawa sa susunod kasi pagnagjoke ka timing.
Hahaha. Its my turn naman hahaha
"tanga!! Yannah hindi yun miss kalikasan" singit ko. Hahaha. Alam niya na siguro ang iniisip ko.
"MISS ITAPON SA KILIKASAN!!!" sabay naming sabi.
"Yannah, stop saying non sense" sabi ni Brenda na ikinatahimik namin. Kontrabida alert.
Tumayo si Yannah at sinagot si Brenda "Sorry? I'm not saying non sense thing. I'm just suggesting, Hindi mo ba nakikita na ang ating kalikasan ay punong puno na ng dumi at mga plastic? Kung ayun ang magiging costume ng Miss kalikasan natin mas ipapakita natin kung ano na ang kalagayan ng totoong kalikasan ngayon. Hindi naman lahat kailangan maging maganda ang costume. Ginawa ang Miss Kalikasan para mapangalagaan ang kalikasan Di ba? Paano mapapangalagaan ang kalikasan Kung pinapakita niyo na okay lang ang ito, na maganda pa? Mas magandang mamulat ang estudyante sa paaralan na ito na hindi naman na talaga ganun kaganda ang kalikasan kumpara sa nakaraan. Take note: Hindi lahat ng sinasabi ko kalokohan lang"
Napatahimik ang lahat sa sinabi no Yannah. Maya maya pumili na rin ang mga kaklase namin ng kandidato. Ang hindi namin inaasahan ay mas pinili pa nila si Brenda. Sa bagay, Mas okay na rin. Ipapakita ni Brenda na punong puno na ng Plastic ang kalikasan ngayon katulad niya.
Lumabas na kami. Uwian na eh. Naiwan na lang ang representative namin sa Ms Kalikasan.
"guys tara punta tayo sa likod. May sasabihin ako" yaya ni yannah.
Nandito kami ngayon sa likod ng school nakatambay. Sabi ni Yannah may sasabihin siya pero ang tahimik niya.
"ano bang sasabihin mo" tanong ko. Binasag ko na ang katahimikan kasi naman eh walang nagsasalita may meeting pa kaya ako.
"May plano na ba kayo sa weekend?" tanong ni yannah sa amin.
"wala" sabay sabay naming sagot.
"nood tayo ng sine" sabi naman ni Yannah. Abah ok yan ah. Sa sinehan tayo tatambay.
ako: "Ge"
maddison: "sama ako dyan"
kym: "aba masaya yan"
Yehey hindi boring ang weekends ko. May kasama na akong gumala sa Mall.
"sama mo na rin si Jaycob" suggest ko. Para may tagabuhat kami hahaha. Madami akong bibilhin.
"oo ayan din ang iniisip ko" sagot naman ni Yannah. Kambal siguro kami?? pero mas maganda ako noh. Parehas lang kami ng iniisip.
"guys aalis na muna ako. May pupuntahan lang ako" paalam ko sa kanila. Pinayagan naman nila ako kaya pumunta na ako sa Garden.
Pagpasok ko sa garden. Nakita ko siya nakatalikod. Ano kayang sasabihin niya?? Lumapit na ako.
"kanina ka pa??" tanong ko.
"hindi naman" sagot niya. Natahimik kami ng ilang sandali.
"ano bang sasabihn mo??" tanong ko. Ang tagal eh naiilang na ako.
"Alam mo ba kung bakit mas malakas ang utot ng mga lalaki?" tanong ni Kent sa akin. Napakunot naman ako ng noo.
"Huh?"
"Kasi may Mike kami"
Siya tawa na ng tawa Tas ako nakatingin Lang. Natatawa na lang ako sa Kanya kasi Hindi ko naman nagets yung Sinabi niya. Salita siya ng salita at ako tawa naman ng tawa Kasi nagtatrying hard siya na magjoke. Natatawa na Lang ako sa kakornihan niya.
"pwede bang manligaw??"
Nabigla ako sa sinabi niya. Ano nga ba ang dapat kong isagot?
itutuloy....

BINABASA MO ANG
TROPANG BALIW
Teen FictionMga kaibigang hindi mapapantayan. Ang klase ng mga taong hindi nangiiwan. May mga tinatagong hindi inaakalang ugali sa loob ng katawan kapag magkakasama tawa ng tawa kahit mababaw lang ang dahilan. Kaya sila tinawag na TROPANG BALIW dahil sa kani ka...