BASKETBALL COURT

629 17 3
                                        

Madison's POV

Nasa daanan kami patungong langit. Joke, nahawa lang ako sa kalokohan ni Yannah. Papunta kami sa dorm namin.

"guys anong gagawin natin sa dorm?" tanong ni kym.

"pakamatay ka. Uhmmm maganda magbigti ka para may punching bag kami o kaya laro tayo ng laslaslaslasan" sagot naman ni yannah. Lakas ng trip. Kakaiba talaga utak nito.

"edi gawin mo.." sabi ni kym

Talagang na patawad niya na talaga kami. Ganito naman talaga kami hindi namin pinapatagal ang away o tampohan. Alam niyo sadyang nagiinarte lang talaga yan si Yannah eh. Maarte yan may pagkaewan, may topak sa ulo, bipolar yun, ang ugali niyan. At tanggap namin siya kahit ganun siya.

Naguusap usap kami kung ano ang gagawin sa dorm.

"oi ano??" sabi ni kym

"ako pupunta ako sa basketball court" sabi ni Athena

"sasama ako kay Athena" sabi ko. Gusto ko makakita ng mga wafung lalaki. Players is life 😂😂.

"ako rin" sabi ni Yannah.

"ha? Bakit ka sasama?" tanong ni Athena na parang nagtataka. Oo nga, bakit kaya yan sasama?? Hindi naman 'yan sumasama sa amin kapag nagb-BH kami. Boy Haunting.

"hindi ako maghahanap ng lalaki tulad niyo ko sa'yo. Maglalaro ako." sabi niya sabay hinto nung nasa harap na kami ng pinto. Ano kayang trip nito? Tinitignan pa rin namin siya.

"oh Yannah, Bakit ka huminto??" tanong ko.

"ssshhhhh. 'Wag kang maingay" sabi niya.

"bakit??" nagtataka kong tanong

"kasi gusto ko marinig yung utot ni kym pft--hahahahhahah" sabi niya sabay tawa. Buang. Kailangan na talaga namin siyang dalhin sa Mental Hospital. Napailing na Lang ako.

"BALIW" sabay sabay naming sigaw sabay tawa.

"hindi nga kym, uutot ka??" tanong ko. Masakyan nga.

"hindi ah" sagot niya

"asus pasimple lang yan uutot din yan" sabi ni Athena na nagpipigil ng tawa. Napagtritripan na naman namin si Kym. Kawawa naman.

Pumasok na kami sa dorm namin dahil baka magalit si Kym sa trip namin. Pagpasok namin, kanya kanyang hagis ng bag kung saan saan. Ayos nga kami eh. Kaya kapag nagkahanapan ng bagay, sabog ang dorm Kung saan saan nakalagay.

Lahat kami may monkey bussiness yung isa natutulog, yung isa nagsasound trip, ako at yung isa ay nagcecellphone. Maya maya biglang nagsalita si athena.

"Oi,pupunta na ako sa basketball court" sabi niya.

"Oi wait, may kukunin lang ako" sabi ko sabay kuha ng papel na menememorize ko. Huminto siya at sinabing "ikaw,akala ko ba sasama ka?" tanong niya kay Yannah.

"oo wait lang, may ginagawa pa ako" sabi niya habang may nilalarong ewan sa phone niya.

"Oi,dali" sabi ni Athena. Nagmamadali si ateng.

"Oo, ito na" sabi niya "ANO BA YAN?!NATALO NA NAMAN AKO NI KENT!!"sigaw niya

"Oi wag ka ngang maingay natutulog si kym" sabi ko

Nasa baba na kami nang may sumigaw na "OI YANNAH!!!!" sigaw ng kung sino man.

"Ash, sino yun??" tanong ni Athena. Nagkibit balikat na lang ako. Kinalabit ko si Yannah.

"oh bakit?"tanong niya.

"May tumatawag sayo"sabi ko.

"sino?"

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon