BOYFRIEND???!!!!

224 18 7
                                    

Yannah's POV

Nakasakay kami sa taxi na busog na busog. Feeling ko ang laki na ng tyan ko. Wala talaga akong kontrol sa pagkain. Ito naman kasama ko hanggang tingin lang. Minsan pa nga eh nagugulat na lang bigla ko ba namang sinusubuan eh. Hehehe busog na busog ako eh. Hapon na pala. Tinitignan ko ang paligid wala pa rin pala talagang nagbabago dito. Nakakamiss ang lahat.

"oh tumahimik ka??"

"wala, nakakamiss lang kasi" sabay pout ko. Ang cute ko talaga.

"na na na na na na

Madaming nangyari taon ang binilang ka jaming kong pare
Napapangiti lang ngayon naalala maulit yun sana

Nakakamiss lang kasi

Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko pag naaalala mga bagay na to.
Kay sarap balikan tamis na nagdaan

Nakaka miss lang kase
Sa tagal ng panahon

Kamusta ka na ba kamusta na ba siya?
Ano ba ang lagay ng tropa ngayon

Inuman kulitan harutan asaran
Nakakamiss lang kasi"

Yung driver naman ng taxi, gangster. Siguro ang pangarap ng driver na to Ay maging Jeepney driver. Ang pinatutugtog Kasi ng mga taxi Ay yung light na kanta lang. Minsan pa nga parang lullaby pa para makatulog yung pasahero at makapagrelax. Ang mga tugtoging ganyan ay sa Jeep naman. Kasi sa Jeep party party pati upuan kumakalabog. Nakikisali sa party. Tugstugang malupit pero ang ganda rin naman ng Lyrics ng kanta ang kaso lang yung beat ang hindi.

"hapon na pala" sabi niya. Madaldal rin pala tong lalaki na to. Hindi niya lang pinapakita sa ibang tao. Kasi habang kumakain kami kanina naririnig ko siyang puro reklamo. Tapos minsan may ikekwento pa siya na sabi ng mommy niya ganito, ganyan. Mama's boy.

"hindi maaga pa" sarkastik kong sabi. Hehehe tinignan ko mukha niya, wala naman nagbago gwapo pa rin siya. Joke, di ko siya crush.

"paano ako makakauwi??" tanong niya sa akin sabay pout. Di bagay. Mas bagay sa akin. Cute kasi ako.

Oo nga noh mga dalawang oras pa man din ang byahe pabalik ng school. Lumulubog na rin pala ang haring araw.

"gusto mong umuwi??" tanong ko. Alam kong stupid ang tanong ko kaso malay mo matino yung sagot niya.

"oo sana kaso maggagabi na" inakbayan ko siya then sinabi

"sa bahay ka na lang" napatingin siya sa akin "wag mong lagyan ng malisya pre naaawa lang ako sayo" depensa ko. Baka lagyan niya ng malisya eh. Malisyoso pa man din ang mga lalaki.

"hala.. Wala pa akong sinasabi kaya wag kang magmalas" reklamo niya.

"takte malayo pa ba bahay niyo??" pagbabago niya ng topic.

"malapit na" sagot ko.

Nang makita ko na ang gate naming brown then sinabi ko kay manong na itigil lang sa tabi.

"woaahhh namiss ko to" sigaw ko.

Hinila ko na si Joshua papunta sa bahay. Alam kong excited ako kaya tara na.

Pagpasok namin. Nakita ko sila na may sari sariling mundo. Ano to bahay ng mga unggoy?? may kanya kanyang monkey business.

Nang makita nila ako bigla silang nagsitayuan at tumingin sa kamay namin. Huh?? kamay namin?. Tinignan ko din iyon at what??Magkaholdng hands kami. Binitawan ko agad ang kamay niya baka kung ano na naman ang isipin ng mga kapatid ko.

"ate, boyfriend mo??" tanong ni Yohan. Ayan na ang sinasabi ko eh mga tamang hinala to eh.

"Hindi" tipid kong sagot.

TROPANG BALIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon